CHAPTER 40

8.9K 116 0
                                    

Chapter 40:Intimate moments

Warning: Matured content (Read at your own risk.)

"MAHAL kita, m-mahal kita kahit ang sakit mong mahalin. M-Mahal kita kahit iba ang siyang tinitibok nito," mahinang bulong ko at tinapik-tapik ko pa ang dibdib niya kung saan nakatapat nito ang kanyang puso.

I stared at him na ganoon din ang ginagawa niya sa akin. May pag-aalinlangan sa kanyang mga mata at tila may nais siyang sabihin ngunit walang lakas loob na ilabas iyon.

Kahit huwag na, kahit hindi niya sabihin. Alam ko naman kung ano ang nais niyang iparating sa akin.

"Baby..."

"Ang pagmamahal ay pagpaparaya," I said in flat tone at iniharang ko ang hintuturo kong daliri sa labi niya na ngayon ay namumula na dahil sa paghalik ko sa kanya kanina.

"Hindi lahat ng pagmamahal ay kailangang suklian. Minsan...sapat na. Sapat na ang magmahal ka kahit wala itong kapalit na pagmamahal din," ani ko. Binigyan ko siya ng ngiti kahit umaagos ang mga luha ko kasabay nang pagpintig ng puso ko.

"Sa pag-ibig...minsan kailangan mong magparaya, kailangan mong magpaubaya at magpalaya. Magparaya, magpaubaya at magpalaya, kung tutuusin ay pareho rin ang kanilang kahulugan, hindi ba, mahal ko?" tanong ko sa kanya na may ngiti rin sa labi.

Gumalaw iyong adams apple niya at lumamlam ang kanyang mga mata as he wiped my tears.

"Kailangan mong magparaya lalo na kung hindi ikaw ang siyang magpapasaya sa taong mahal natin. Kailangan mong magpaubaya, magpaubaya sa taong minamahal niya, sa kanya na napapasaya niya ang mahal natin at ang magpalaya. Palayain ka, upang maging masaya ka sa piling ng babaeng una mong minahal at alam kong magiging huli na rin. K-kailangan kitang palayain k-kahit ang sakit-sakit na..." pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kanya at napayuko ako.

Mariin na pinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko. Ang pamilyar na tila may punyal ang bumaon sa dibdib ko na ramdam na ramdam ng puso ko.

"Marshin..."

Gamit ang daliri niya ay inangat niya ang baba ko upang magpantay ang mukha namin at pinagdikit niya ang mga noo namin habang ang isang matitipunong braso niya ay nakayakap sa baywang ko.

"Hindi ko kailangang maging selfish para pilitin kitang mahalin mo rin ako. Kasi...mahal. S-sapat na sa akin ang makita kang masaya kahit hindi na sa piling ko. Kahit yakap ka ng iba. Ang makita kang masaya ay sapat na rin sa akin para maging masaya. Naniniwala ka ba sa kasabihan? Ang kasiyahan natin ay kaligayahan din ng taong mahal na mahal natin at ganoon ako sa 'yo," mahabang sambit ko na may bahid na kalungkutan sa boses ko.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Umiiyak din siya, umiiyak din ang mahal ko.

Umiiyak siya dahil nasasaktan ako. Umiiyak siya dahil nasaktan niya ang tinuri niyang parang tunay na kapatid. 

"Masakit man ay kailangan kong bitawan ka. Alam mo ba kung ano mas totoong pag-ibig?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses at umiling siya. Ako naman ang nagpupunas ng mga luha niya.

Tingnan niyo, ang makita siyang lumuluha ay tila may libo-libong karayom na ang tumutusok sa puso ko.

"Ang totoong pag-ibig at dakila ay silang nagmamahal na hindi nasuklian. Na silang nagmamahal na nagpalaya at naging sapat sa kanila ang makitang masaya ang kanilang minamahal na kasama ang tunay na nagpapasaya nito. Sila ay dakila, sa halip na maging sakim sa pag-ibig ay pinili nilang magpaubaya at magpalaya. Sa halip na gumawa ng paraan upang mapasakanila ang taong mahal nila ay mas pinili ang magpalaya at tatanawin na lang sa malayo, mamahalin na lang ng palihim at patuloy na iibigin kahit ang katumbas nito ay lungkot at pighati. Pero naging sapat, kahit ang sabi sa kanta. Umiiyak ang puso ay may ngiti rin sa labi. Mahal kita, Cervin Raeson Vesalius. Ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko. Sabi mo noon, no strings attached pero ang puso ko ay hindi ko kayang pigilan at hindi kayang turuan. Kasi bakit?" tanong ko ulit sa kanya at nagmulat siya ng mga mata. He stared at me intently.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon