CHAPTER 44

10.3K 141 2
                                    

Chapter 44:Searching

CERVIN's POV

"YOU HAVE a lead? Where is she right now?" I asked Cyan, my private investigator.

Siya rin iyong nag-imbestiga sa whereabouts ng asawa ko pero umabot pa ng apat na taon.

Nang makita ko siyang pumasok sa loob ng mansion namin ay kaagad ko na siyang sinalubong ng tanong.

He took a deep breath and shoke his head, "Sad to say, none. Hindi ko mahanap ang whereabouts niya basta nakita lang sa CCTV footages ng village niyo na tumatakbo siya at nakalabas sa loob ng village. Hindi na nasundan ang camera dahil wala ng CCTV cameras ang naka-install sa parteng pinaghintuan niya. I'm sorry, Cervin."

"Fvck!" I cursed because of the frustration I felt right now.

Where are you, Marshin? Saan ka ba nagpunta? Bakit bigla kang umalis? 

Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa takot na nararamdaman ko. Paano kung napahamak na siya sa mga oras na ito?

Paano kung...kung, oh fvck! Saan ba kasi siya nagpunta?!

"Please, Cyan. H-Hanapin mo siya. Hindi ko alam k-kung nasa maayos na kalagayan ba siya ngayon. Hanapin mo siya, pakiusap..."

"I'll do my best, Cervin," he said and tapped my shoulder.

"You love her, right?" I heard Cashren's voice.

I look at her, cold expression. Ganito naman talaga siya. Walang kangiti-ngiti at walang expression ang mukha.

Isang linggo na rin ang nakakalipas since bumalik siya at galing pa siya from Madrid. And Marshin, she's gone already. Iniwan na niya nga talaga ako.

"You love that woman, don't you? Hindi ka magkakaganyan kung hindi mo siya mahal," she added.

Sinasabi niya iyon sa akin na parang normal lang. Hindi ganito 'yong conversation naming mag-asawa. Usually malambing din siya sa akin pero tila may nagbago. May nagbago sa kanya.

And about her statement, I don't think so. H-Hindi ko pa alam. N-Naguguluhan pa ako. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko. Pilit kong binabalik 'yong sarili ko na siya pa, na siya pa ang babae sa buhay ko. Pero tila hindi ko na iyon maramdaman pa.

Naalala ko noong tumawag siya sa akin na nasa airport na siya at inaamin kong masaya ako sa malamang babalik siya at ayos lang siya. Na walang nangyaring masama sa kanya.

Pilit kong hinahanap ang nararamdaman ko sa kanya that night when Marshin is gone.

***

"CASHREN!" I called her name when I finally saw her.

Sinalubong ko kaagad siya nang mahigpit na yakap at noong una ay natigilan pa siya pero yumakap naman siya kaagad sa akin.

"Cervin..."

I am happy, knowing that she's safe. Four years din siyang nawala sa akin. Ilang taon din ang lumipas na hindi namin siya nahanap at ngayon kusa na siyang bumalik.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya. 

Kamukhang-kamukha niya talaga si Marshin. 'Yong dimples lang talaga ang wala kay Cashren.

Pero bakit sa mga oras na iyon ay tila ibang tao na ang asawa ko? B-Bakit parang may nagbago sa kanya?

"Let's go home, Cervin. I'm tired," she said in a cold tone.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon