Chapter 50: Biological parents
MARSHIN's POV
HINDI KO alam kung ano ba ang gagawin ko sa mga oras na ito. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? O niloloko niya lang ako?
"Then, be my wife and stay with me...forever..."
Magsasaya ba ako? Dapat bang maging masaya ako dahil sa mga katagang sinabi niya sa akin?
Maniniwala na ba ako gayong alam ko naman kung sino ang mahal niya. Kasi hindi kami magkakaganito kung mahal niya ako.
"S-Sinungaling ka, eh... H-Hindi mo a-ako mahal," naiiyak na usal ko.
Simula nang makita ko siya ay umiiyak na lamang ako. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak sa harapan niya.
Mahal niya raw ako p-pero may pangamba na sa puso ko. A-Ayoko na...a-ayoko nang magtiwala pa sa kanya...
"Baby...believe me, I love you... I love you, so much to the point that I want to kill myself for hurting you, honey... M-Maniwala ka...mahal kita..."
Paulit-ulit na umiling ako at ayokong maniwala sa kanya. Sinungaling siya, napakasinungaling niya!
"Let go of her! Damn you!" Narinig kong sigaw ni Gabril at mabilis ako nitong hinila pero may pag-iingat iyon.
Bago pa ako matauhan sa eksenang nakikita ko ay nandilim na ang paningin ko pero naramdaman ko ang matitipunong braso na sumalo sa katawan ko.
"G-Gabril...please, don't hurt him..." pagmamakaawa ko bago ako nawalan nang malay.
CERVIN's POV
ISANG suntok pa ulit ang tumama sa gilid ng mga mata ko at kasabay nang pagsuntok sa akin sa sikmura.
Napaubo ako ng dugo dahil hindi lang isa ang natanggap ko kundi nakatatlong beses pa.
"That's enough!" Narinig kong sigaw ni Kier at may tumulong naman sa akin para makabangon.
Si Lervin.
"Sabi na, eh. Hindi lang ang may iisang mukha ang susuntok sa 'yo," natatawang sabi sa akin ni Lervin.
Nanlalabo ang mga mata ko pero nang makita ko ang kinaroroonan ni Shin ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"Baby!" sigaw ko at lalapitan ko na sana siya pero naunahan ako ni Crimson Del Labiba na ngayon ay binubuhat na niya si Shin na wala ng malay.
Pero hindi ako nakalapit dahil naghina ang katawan ko dahil sa natamo kong bugbog mula sa lalaking iyon.
Parehong nasa gilid niya ang dalawa kong kaibigan na sina Taki at Jai, mahigpit na hawak-hawak nila ang magkabilang balikat at braso nito.
"Let me go! Fvck! Mareng! Mareng!" tawag niya kay Shin at nagtagis ang bagang ko dahil sa narinig na pangalang tinawag niya sa baby ko.
I have this urge to punch his annoying face!
"Ikaw, hindi pa tayo tapos!" malamig na sabi nito sa akin at tinuro pa ako.
"Who the fvck are you?" malamig din na tanong ko sa kanya kahit may ideya na ako kung sino siya.
Bigla siyang ngumisi sa akin at nairita ako dahil do'n. Gusto kong tanggalin ang ngisi niya sa labi.
"I'm her fiancé, and the father of her child," walang gatong na sagot nito.
Pumintig ang sentido ko at nandilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para magawa kong suntukin ang lalaking umaangkin ng pagmamay-ari ko.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...