EPILOGUE
"CAT fight lang po, Dr. Cervin. Anak daw po ng mayor at si Mareng?" saad ng kasama naming nurse.
Tumayo ako para tingnan ang cat fight na nangyayari, "Saglit lang po, Lola," pagpapaalam ko sa matandang babae at lumapit sa nagkukumpulan na mga tao.
"Nanggagaya ka ba, Mareng?" narinig kong tanong ng boses babae at medyo matinis talaga ang boses niya.
"Hindi ah," kalmadong saad naman ng kausap nito marahil at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Funny, heart.
"Bakit naka-red and white ka?"
"Liar! Baka may espiya ka sa mansion namin! Papansin ka!"
"And look around! You even catch their attention!"
"What's going on?" tanong ko nang makalapit na ako sa puwesto nila.
Ilang sandali lamang ay nagsasabunutan na sila na ikinailing ko naman. Cat fight? Hindi ba dapat kalmutan iyon? Para silang mga bata.
"Alis! Layas!" sigaw ng babae at itinulak iyong isa. Mabilis naman ang reflects ko kaya nasalo ko ang babae bago pa man siya bumagsak sa lupa.
Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang likuran niya sa dibdib ko at nanuot sa ilong ko ang natural na pabango ng dalaga.
Shet! 'Yong kamay ko ay nasa baywang niya at dahil sa gulat niya ay nagawa niya akong itulak dahilan nang pagbagsak niya sa lupa.
"Here," sabi ko ay yumuko para maglahad ng kamay at tulungan siyang makatayo. Hindi ko ito ginagawa. Pero ngayon, ewan ko ba.
Hindi ko pa masyadong nakikita ang mukha niya dahil nakayuko lang siya pero nang mag-angat siya nang tingin ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko. Napaawang ang mga labi ko.
"C-Cashren? Babe?" I called her name but there's no expression written on her face. No recognition on her eyes, but my heart skips a beat.
I hugged her tightly at naramdaman ko pa ang paninigas ng katawan niya. I held her cheek after that and I kissed her on the lips but to my surprise... Hindi ganito ang pakiramdam ko noong hinahalikan ko ang asawa ko.
Hindi ganito na tila...mas matamis...mas matamis ang labi niya.
Dahil siguro sa pagkabigla ko ay naitulak niya ako at isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ko.
"Bastos!" asik niya, "Ang bastos mo!" muling sigaw niya sa akin.
Ito ang unang beses na may sumampal sa akin. Hindi naman ako pinagbubuhatan ng kamay ng asawa ko pero bakit ngayon ay sinampal niya ako?
"D-Did you just..." nauutal kong saad habang nakahawak sa nasaktan kong pisngi.
"Oh, my God! Dr. Cervin!"
"What did you do, Mareng?!"
°°°
"CASHREN!" I called her name habang hinahabol ko siya at hindi naman ako nabigo. Naabutan ko siya at hinawakan ko ang magkabilang binti niya at isinampay ko sa balikat ko ang katawan niya.
"I-Ibaba mo nga ako!" sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Naglakad lang ako at tinungo ang waiting area at doon ko siya maingat na ibinaba sa table na gawa sa kawayan.
Napamaywang ako and I glared at her.
"Cashren..." Her forehead knotted when I uttered her name, "Babe, Cashren."
BINABASA MO ANG
Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Marshin V. Escalante, she became a doctor's proxy wife and a reminder to her not to fall in love with the young man. Because she knows the consequence that will happen to her. The doctor has his own wife and child, so Marshin...