CHAPTER 10

6.8K 108 1
                                    


Chapter 10: Cervin's madness

PUMASOK ako kaagad sa cafeteria at nag-order ng makakain ko. Mukhang favorite ko na egg sandwich at apple juice ngayon, ah.

Mahaba-habang pila rin pero umabot din naman ako at naghanap na ako ng vacant seat.

Hindi pa naman ako kumakain nang may umupo na sa tapat ko. 'Yong babae kanina.

"Ang aloof mo naman po. I'm Arthea Primero, Cashren right?" tanong niya at hindi ko siya sinagot.

Hindi naman mukhang masungit ang isang ito at iba ang aura niya. Can I be her friend? Hindi ko alam kung magandang ideya ba ito. Pero ako naman ang klaseng tao na hindi kaagad nagtitiwala.

Okay, except kay Dr. Cervin na kahit na-reject ko na once ay tinanggap ko pa rin ang offer niya.

But base on her looks, mukhang mabait naman siya. But maybe, mag-oobserba lang ako sa kanya.

Ganoon naman tayo 'di ba? oobserbahan pa natin ang isang tao.

"Sandwich lang ba ang lunch mo?" mahinahong tanong niya at napatingin ako sa binili niyang foods.

Okay may rice siya, spaghetti, carbonara at orange juice. Habang ako na hindi nag-breakfast kanina ay sandwich at apple juice lang ang kakainin ko?

***

"Sige na naman, Cashren. Friends na tayo," pangungulit niya.

Hinayaan ko na nga siyang kumain doon kasama ko pero tahimik lang ako. Pero sadyang makulit talaga siya at desperadang makipag-kaibigan sa akin.

"I'm, Art. 18 years old and I'm married," aniya at doon na niya nakuha ang buong atensyon ko.

Married? Napaka-bata pa niya upang maikasal, ah? 

"Really?" takang tanong ko at napa-yes pa siya nang magsalita ako.

"Friends na tayo niyan?" nakangiting tanong niya at napakamot ako sa kilay ko. Biglang kumati ang kilay ko, eh.

"Yes, two weeks ago. But civil wedding lang naman. Isa pa arrange marriages lang," aniya at may bahid na kalungkutan iyon.

"You love your husband, don't you?" diretsong sabi ko pero umiling siya. 

"I don't even know him," sabi niya at nawala ang ngiti sa labi niya.

She's just fast to trust someone else para lamang sabihin niya ang status niya sa buhay?

"It's seven or eight years ang gap naming dalawa. He's a doctor and he loves someone else. Alam mo ba sa honeymoon namin ay sa ibang bansa siya pumunta? Ka-honeymoon niya ang babaeng mahal niya sa halip na ako na asawa niya," nagngingit niyang wika.

Napaka-gago naman pala talaga ang asawa niya. Makita ko lang iyon ay babangasan ko talalaga.

"BAKIT ang dali mong magtiwala sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Dahil alam kong magiging best friend kita," nakangiting sagot niya.

"I tell you my secret, too. I'm a proxy wife, and Cashren is not my real name," malamig kong sambit at napasinghap siya.

Lumapit siya sa akin at namimilog pa ang mga mata niya. I found her cute.

"Then what's your name?" nakangiting tanong niya.

"Im Marshin V. Escalante, 20 years old. I'm from...malayung-malayong probinsya."

"Then, I call you, Shin. Friends." Nilahad niya ang palad niya at automatic na tinanggap ko ito.

"Friends."

That's the start of our friendship.

It's not a bad idea having a new friend. We are the same situation. Legal wife nga lang siya at may rights siyang awayin ang kabit ng asawa niya.

Gloom Series 2:Tears Of Proxy Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon