araw-araw sinusuyo ni jake si bea pero ayaw pa din siyang kausapin nito, hindi na pumupunta si jake sa resto at bar para magtrabaho buong araw at oras nito ay binubuhos niya lang kay bea ngunit kahit anung gawin nito ay ayaw siyang pansinin ng asawa.. walang gabi na hindi umiiyak si jake ganun naman si bea kay jake dahil ramdam na ramdam pa din nito ang mga salitang binitawan sknya ni barbie na meron ibang babae si jake..
.....sa condo nila kris
....habang nagiinom
Kris: bro tama na inom ginagawa mo na lang tubig yan...
Jake: okay lang ako, hindi pa naman ako lasing..
Joyce: halos pinapabayaan mo na ung business mo lalo ka ung sarili mo..
Jake: Ok na sa akin mawala ung business ko wag lang ung magina ko hindi ko kakayanin joyce :(
Joyce: Ano ba kasing totoo jake kanino bang babae si rhen?!
Jake: sige nga joyce ikaw tatanungin ko maniniwala ka ba na meron akong iba? (tingin kay joyce)
Joyce: hindi.. pero sinong hindi maniniwala kung sayo na mismo nanggaling. kahit ako maniniwala ako sa sasabihin sken ni barbie kung ako si bea...
Kris: hon gusto lang kasi tumulong ni jake kay josh at barbie dahil kung makikita mo si barbie nung araw na un sobrang nakakaawa.. pano pa kaya kung malaman niya ung totoo na babae ni josh un...
Joyce: Alam na ba ni bea to?
Jake: ayaw niyang maniwala (naluluha)
Joyce: Teka si josh at ung rhen ba wala na sila?!
Kris: siguro naman hindi ko na nakikita sa bar si rhen, sa laki ng problema ni jake ngayon dahil sknya aba kailangan na talaga magtinoni josh para makabawi...
Joyce: yun naman pala bakit hindi si josh ang kumausap kay bea para malaman niya ung totoo (tingin kay jake at kris)
Kris: Oo nga noh! bro tama si josh ang ipakausap mo kay bea :)
Jake: kung akong asawa niya hindi pinaniwalaan ibang tao pa kaya...
nag ring ang phone ni jake
jake: hello?