CHAPTER 1: Sold

3.9K 51 17
                                    

"Anya! Astra is here!"

Napalingon ako sa bumanggit ng pangalan ko. The girl wasn't familiar to me, but the one she called is.

Kasama ni Anya ang mga kaibigan na lumapit sa akin. Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa silong ng punong mangga sa gilid ng soccer field.

They stopped in front of me.

"Andito ka lang palang anak ka ng nanay mong maharot!" Bulyaw niya na nakakuha ng maraming atensiyon mula sa mga kapwa namin estudyante.

"Anya..."

"Bwisit ka!" Napapikit ako dahil sa malamig at malagkit na milk tea na tinapon niya sa akin. Agad nagmansta ang chocolate sa puti kong school uniform.

"Anya..."

I want to stop her but I can't.

"Wala na talaga kayong ginawa ng nanay mo kung hindi manira ng pamilya! Mga walang hiya kayo! Pamilya ng mga kabit!"

Wala akong nagagawang tinanggap ang lahat ng panlalait at pag-aalburoto niya sa harap ko. She harshly pulled my hair. Walang nais pumigil sa kaniya, walang nagmalasakit na pahintuin siya sa ginagawa. Nasasaktan ako pero ayaw kong lumaban, somehow I understand where her anger is coming from. Wala akong karapatang ipagtanggol ang aking sarili. My mother did them wrong.

"T-tama na Anya." I said helplessly pero wala ata siyang balak tigilan ang karahasan niya. Mas lalo pa niyang hinatak ang buhok ko dahilan ng pagkalaglag ko sa bench na inuupuan. Pagkatapos niya sa buhok ko ay ilang ulit naman niya akong sinampal.

"Astra!"

Someone pulled Anya away from me. Kahit hindi na siya nakapatong sa akin ay hindi parin ako bumangon mula sa pagkakasadlak sa lupa. Hiyang hiya ako sa lahat ng nakapanood ng komosyon, at sa itsura ko ngayon.

"Astra okay ka lang ba?" Tinulungan akong maupo ni Angelo sa bench malapit sa amin. Inayos nito ang gulo-gulo kong buhok.

"Manang mana ka talaga sa nanay mong ahas! Mga mang-aagaw! Hindi na kayo nakontento sa papa ko ngayon pati si Angelo kukunin mo! Nakakadiri kayo! Mga salot sa lipunan!"

"Anya!" Angelo shouted at her angrily that caused her to stop from talking.

Nakayuko lamang ako at tahimik na iniiyak ang masasakit na salitang natanggap. I'm not bothered with bruises I got from her, her words hurt more.

"Walang inagaw sayo si Astra dahil wala namang tayo at hindi kita gusto!"

"Bakit ganyan mo na lang ipagtanggol ang ahas na yan! Bakit bumigay na ba sayo? Nakuha mo na!"

"Tumigil ka! Hindi mo katulad si Astra kaya huwag mo siyang igaya sayo! Pano mo nasasabi ang masasamang bagay nayan sa kaniya? Ang pagkakatanda ko ikaw itong nagmakaawa sa akin na patulan ka!"

"Walang hiya ka! Magsama kayo ng salot na yan!"

Anya walked out with her friends. Bumalik sa akin si Angelo at naupo sa tabi ko. Muli niyang inayos ang buhok ko ngunit tinabig ko ang kamay niya.

"I already told you to stay away from me!"
Tuluyan ng lumakas ang pag-iyak ko. Hindi na kaya pang paglabanan ang bigat ng kalooban.

"Astra I'm so sorry, It's just I can't stop myself from liking you. I never thought that Anya could go this far, it's not my intention to cause you this. Please forgive me" Kahit gulo gulo ang buhok ay humarap ako sa kaniya.

"Sana maintindihan mo na hindi pwede Angelo. Sana respetuhin mo na lang ang desisyon ko. People already think the worst about me, ayoko ng madagdagan payon dahil sayo"

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon