Inalis ko ang tingin ko kay Mabelle ngunit naibalik ko rin agad.
"Ano ba Mabelle?"
Medyo nahihiyang tanong ko, nakakailang kasi ang uri ng tingin niya sa akin habang may naglalarong ngisi sa labi."Wala naman Astra, wala talaga bukod sa ano hah. Doon sa follow to follow, posts, friends sa F***book? Wala talaga to!"
Humagalpak pa siya ng tawa."Wala naman talaga yun."
"Kaya nga hahahah."
"Mabelle ano ba? Tumigil ka nga."
Nasa isang parte kami ng school ngayon, nakaupo sa bleacher na nasa ilalim ng punong mangang malaki.
Parehas na vacant time namin kaya napili naming tumambay dito.
Kasama kong pumasok kanina si Ares pero katulad ng dati, nakapambahay lang ito at pagkatapos ako maihatid sa school ay umuwi siya ulit. Hindi ko rin maintindihan, sa ilang Linggo ko dito, nalaman ko na 9:30 ang schedule ng una niyang klase kaya diko alam sa kaniya kung bakit sumasama pa siya. Siguro gusto niya maglibang o dikaya bantayan ako? Pero kung ganon, saan naman? Akala niya ba manlalaki ako kagaya ng lagi niyang iniisip, at dahil sobrang concern siya sa pangala ng pamilya niya kaya todo bantay siya?
"Pero bakit nga ganon? Mag-explain ka bilis!"
Isa pa itong si Mabelle, kanina ko pa sinasabi na wala lang yung post post nayon pero kung makatanong akala mo may halaga."Wala nga, alam mo namang wala akong social media kaya nung nalaman niya niloko at inasar niya ako, kaya pinagawa niya ako at yun dahil wala naman akong pakelam sa ganon hinayaan ko na siya…"
"Hinayaan mo na siya, at nag-aral ka na lang?"
Ngumisi nanaman siya."Nasa post niya yun diba? "Stud."?!"
Tukoy nito sa caption."Oo Mabelle, alam mo na? Wala talaga iyon, siguro ginawa niya yung pag post at kung ano ano para lalo akong insultuhin na taong kweba."
Yun talaga ang naiisip kong dahilan."Hmp! Ewan basta feeling ko may something si Ares sayo? Wala pa siyang pina-follow sa instag kahit sikat na personalities tapos out of nowhere bigla ka na lang nandon. Sa FB man, umabot kaya ng dalawang taon ang friend request ko sa ungas nayon tapos ikaw, minuto lang?"
"Ewan ko sayo, basta wala lang yun."
Pansin ko ang lahat ng dadaan sa harap namin ay nagtatagal ang tingin sakin, sanay na ako pero parang triple ata ang atensiyon na binibigay nila sakin ngayon, at hindi ako komportable.
"Saglit lang CR lang ako, dito ka lang hah."
Tumakbo na siya paalis, hinabol ko na lang siya ng tingin.
"Ikaw ba si Astra?"
Napatingin ako sa babaeng lumapit. Nakangiti ito kaya gumanti ako."Ako nga, may kailangan ka?"
"Pinapatawag ka kasi ni Ares."
Ano nanaman kaya ang kailangan non."Nasan ba siya?"
"Halika ituturo ko sayo."
Bago sumama ay chinat ko muna si Mabelle na pupuntahan ko muna si Ares dahil hinahanap ako."Malayo pa ba?"
Kanina pa kasi kami naglalakad, medyo dulo na ng school."Malapit na… nandito na tayo. Pasok ka."
Binuksan niya ang isang abandonadong classroom, nauna siyang pumasok kaya sumusunod ako.Pagpasok ko ay bigla na lang may tumamang bagay sa ulo ko. Hilo ang tumangay sa kamalayan ko.
"Hahahaha sige na nasaan ang camera?"
"Wait lang hindi ko pa natatanggal yung damit."
"Ayos nga yun eh."
Ng igalaw ko ang kamay at paa ko'y napagtanto ko na nakatali ang mga ito.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...