Ng makarating kami sa apartment na binigay ni Gov, naabutan namin sila ate Sally at ate Mirna sa labas.
"Ano pong ginagawa niyo dito?"
Tanong ni Mabelle sa mga ito. Tumingin sa akin ang dalawa. Mas lumapit pa sila hanggang sa nahawakan na nila ang aking magkabilang kamay."Astra.."
Tumulo ang luha sa mga mata ni ate Sally."Pasensiya na, pasensiya na talaga sa mga nagawa namin sayo. Naiintindihan ko na ngayon na hindi ka talaga kabit ni Gov o kahit anong relasyon mo sa kaniya wala dapat kaming pakealam."
Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak niya, pati narin si ate Mirna ay naluluha narin."Wala po kaming relasyon."
"Oo alam na namin ngayon, sana mapatawad mo pa kami, lalo na ako, laking pasasalamat ko talaga sa pagligtas mo sa anak ko, gustong gusto na talaga kitang kausapin para makahingi ng tawad at makapagpasalamat narin pero hindi ako makakuha ng tiyempo."
Ngumiti na lang ako upang ipakita na pinapatawad ko na sila.
"Ayos na po sa akin iyon, huwag po kayong mag-alala."
"Napakabait mo Astra nakakahiya talaga ang mga ginawa namin sayo."
Anas ni ate Mirna."Sincere ba talaga yan mga ate o baka tinakot kayo ni Gov na tatanggalin sa trabaho kung hindi kayo hihingi ng tawad kay Astra."
Singit ni Mabelle."Hindi Mabelle, walang kinalaman kay Gov ang pagpunta namin dito. Sino ba ako para magmalaki sa taong nagligtas sa anak ko."
Hindi din nagtagal sila ate Sally at ate Mirna at umalis din agad dahil sa trabaho nila sa mansiyon na naiwan.
"Ang weird talaga."
Bulong ko na umabot sa pandinig ni Mabelle."Anong weird?"
"Hindi kasi kanina, maayos ang pagkausap sa akin ng mga kaklase ko lalo na ang mga babae, saka dati tuwing papasok ako lagi akong pinagbubulungan at tinitingnan ng masama ngayon hindi na, ang iba ngumingiti pa sakin."
Ngumiti siya sa akin na mas lalong kinakunot ng noo ko."Hindi mo pa siguro alam pero nagbigay ng statement si Gov sa telebisyon, sa channel na pang Clarko lang."
Kinuha nito ang cellphone sa bag at kinalikot."Panoorin natin, nasa page ng probinsiya yun eh."
Humarap kami sa cellphone niya.
"Ano pong masasabi niyo sa krimen na kinasasangkutan ng inyong anak?"
Tanong ng reporter. Sa saglitang paggalaw ng camera ay nakuhanan nito si Ares na seryoso lang ang itsura, naibalik narin kay Gov ang kuha ng magsimula na itong magsalita."Lumabas na ang resulta ng imbitasyon.."
Lumingon ito sa anak kaya muling natoon ang camera dito, kuhang kuha kung paano nito inangilan at inirapan si Gov na narinig naman ang halakhak, kaya sa kaniya nanaman napunta ang sentro ng video."Regardless of the results, Ares decided to go to jail. Based on the investigation my son is not guilty, inamin niya na siya ang nasa recording, but later on kinausap niya ulit si Miss Santos na huwag ng ituloy ang napagplanuhan nila, na huwag ng gagalawin ang offended, but the girl still progress to their old plan, and commit such crime."
"Pano po napatunayan na walang kinalaman ang inyong anak? Ano po ang laman ng recording?"
"My son has a witness. Their friends was there nung sinabi ng anak ko na huwag ng gagalawin ang offended. About the recording, I can't share it with you as it's a private matter."
"Ang balita po ay kabit niyo daw itong babae na pinagtangkaan, dahil din don kaya naging sangkot ang anak niyo sa krimen dahil sa hindi niya tanggap ang pagkakaroon niyo ng babae. Gaano po ito katotoo?"
Malakas na tumawa si Gov.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...