CHAPTER 32:

2K 46 3
                                    

"Akala ko hindi na kayo masyadong close ni Cidney?"
Mas lalo ako nitong idinikit sa katawan niya.

"Yah."
Medyo lumayo ako dito at humarap sa kaniya. Nakapikit na ito ngayon.

"I saw you earlier, you hugged her."
Tila may asidong bumuhos sa lalamunan ko o kung anong mapait na kimikal. He slightly open his eyes. He smiled before kissing me on my forehead, to my both cheeks, and on my chin.

"My wife is getting jealous? Should  I throw a party for that?"
Diko maiwasang mapairap sa sinabi nito.

"I'm not jealous, I'm just curious. I think you're lying to me."
Sumeryoso ito.

"I won't lie to you baby. I hugged her because she cried after I told her that I can't go with her tomorrow."

"Hindi mo siya sasamahan? Bakit?"

"Why would I? Anong klaseng boyfriend ako kung uunahin ko ang maggala kesa tulungan ang girlfriend kong maglaba?"

Tumalikod akong muli upang itago ang namumuong ngiti sa labi ko.

"I love you."
Bulong niya bago mas-isiksik ang muka sa batok ko.

"I love you dwife."
Ulit nito. Nanatili akong tahimik.

"I love you, why aren't you saying you love me too?"

"I love you Ares."

"Good."

Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko, pero maging mali man alam kong hindi ko pagsisisihan.

"Good morning wife."
Inakay ako nito papuntang lamesa. May mga pagkain ng nakahanda.

"Anong oras kang nagising?"
Tanong ko, 6 palang kasi at heto at tapos na siyag magluto.

"4:00."

"Bakit ang aga, hindi kaba nakatulog?"
Nagkamot ito ng batok.

"H-hindi kaba komportable dahil maliit ang kama, o dahil hindi kasing lambot ng sa iyo?"
Nahihiyang anas ko, pinapauwi ko naman kasi siya kagabi para doon matulog sa sariling apartment niya pero ayaw naman niya.

Inabot nito ang ulo ko at humalik sa noo ko.

"Hindi ganon baby, kahit saan ako matulog basta katabi ka yun ang magiging pinakamasarap na tulog ko sa lahat."
Diko maiwasang pamulahan sa sinabi nito.

Inabot nito sa akin ang tinimpla niyang gatas at siya narin ang nagsandok ng pagkain para sa akin.

"Thank you."

"I love you."
Napailing na lang ako sa naging sagot niya.

"Start sa monday magkakaroon ng sportsfest sa school. May napili ka ng sport?"
Tanong niya sa gitna ng pagkain namin.

"Badminton ang sinalihan ko, ikaw?"

"Basketball. Anong isusuot mo?"

"Baka yung P.E uniform ng department natin."

"Jogging pants or short?"
Dalawa nga pala yun.

"Short, yun kasi ang required."
He studied my body kahit nakaupo kaming parehas.

"Use my short."

"Huh?"

"Sobrang liit ng P.E short ng babae, akin na lang ang gagamitin mo."

"S-sige."
Sagot ko nalang, mas magiging komportable nga naman ako kung mahaba ang short na isusuot ko.

"Anong oras daw ang laro ng badminton?"

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon