CHAPTER 36:

2.1K 57 11
                                    

Pagod na pagod man ay pinilit kong bumangon ng maaga para makapag-ayos at makapasok.

Katulad ng inaasahan, ang bulungan at tingin ng mga istudyante ay balik sa akin.

"Hindi nga?"

"Totoo, nahuli daw sila sa akto ni Ares."

"Ang grabe, dati sabi ni Gov wala tapos kung kailan sila na ni Ares saka naman lumabas ang totoo."

"Ang sabi pa binili daw yan ni Gov sa Manila, GRO daw ata yan."

"Hindi naman malabo, makinis at maganda pero grabe nakakadiri naman."

Pikit mata akong naglakad papunta sa department namin.

Naabutan ko sa labas si Aeron at Mabelle.

"Astra, okay ka lang ba?"
Hinawakan ni Mabelle ang kamay ko. Pilit akong ngumiti dito at unti-unting inagawan ang kamay ko sa kaniya.

"Ayos lang ako."

"Pumunta  kana Mabelle sa klase mo, mag ta-time na."
Wika ni Aeron dito.

"S-sige. Astra kapag may problema ka magsabi ka lang."
Sagot nito bago naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin, napapangiti na lang ako sa sarili. Akala ba niya hindi ko alam?

"Pasok na tayo Astra."
Ramdam ko ang tinginan ng mga kaklase sa akin.

"Dito tayo."
Kung dati tinatanggihan ko siya sa tuwing sa likod niya ako inaayang maupo, ngayon nagpaubaya ako.

Dalawang Linggo. Dalawang Linggo na mula ng mangyari ang lahat.

"So are you going?"

Aeron asked me to watch his basketball practice later, nalaman kong narecruit ito sa basketball team ng school pagkatapos ng sportsfest . I'm still thinking about it. Gusto ko kasing kausapin ulit si Ares. Baka lang makinig na siya.

"Sige na please?" He begged. Honestly, I want to go, it's just that..

I sighed."Okay then, I'll go!" I smiled at him.

"Yes! Thank you Astra!"

Napangiti na lang ako ng napasigaw pa si Aeron sa tuwa at napa suntok pa sa hangin.

Maraming nangyari, pero isa siya sa nanatili sa tabi ko.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Hinawakan nito ang dalawang braso ko at hinarap ako sa kanya. Medyo yumukod ito para magpantay ang mata namin. Matangkad kasi siya sa akin ng siguro isang dangkal at kalahati.

"We're friends now. I know the gossip about you and governor Suarez but I don't believe that, because I can tell the first time I saw you that you're not that kind of girl." He smiled at me. What he said touched my heart. Sa bawat araw ko  sa school, lalong lumalala ang pakikitungo ng mga studyante sa akin, kahit ang ibang professors ay ganon din.

"Tss!" Ginamit nito ang kamay niya para punasan ang luhang tumulo na pala sa mga mata ko.

"Sorry hindi ko namalayan, nakakatuwa lang kasi na may kagaya mo na hindi ako hinuhusgahan." Tinulungan ko siyang punasan ang luha ko.

Hindi pa kami tapos sa ginagawa ng may humili na sa akin palayo dito. I was shocked when I saw the angry face of Ares. Ngunit mas ikinagulat ko ang pagsugod nito kay Aeron, agad tumama ang kamao niya sa muka ng kaibigan ko!

Aeron fell down because of the punch. Agad ko siyang dinaluhan. Hindi ko maiwasang mag-alala ng makita ang maliit na sugat sa labi niya.

"Are you okay? I'm sorry." Nangingilid ang luha ko habang hindi magkandaugaga kung paano hahawakan ang sugat niya.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon