"Wear this." Matagal kong tinitigan ang iniaabot na suit sa akin ng lalaki.
"Sige na, kailangan mo ito dahil malamig na at malayo ang biyahe natin." Because of what he said, I started to feel the cold breeze of the night, especially with the kind of dress I'm wearing.
Kahit nag tatalo pa ang isip kung tatanggapin ba ang inaalok niya o hindi ay kinuha ko na ito sa kamay niya at agad binalot sa katawan.
"S-salamat po."
Isang magarang sasakyan ang huminto sa harap namin. Agad lumabas ang driver at binuksan ang pinto ng kotse na nasa tapat ko.
"Pumasok kana iha." Sinunod ko ang sinabi ng lalaki at pumasok na sa loob, laking pasasalamat ko ng mas pinili nitong maupo sa harapan na upuan sa tabi ng driver kaysa sa tabi ko. Agad akong nagsumiksik sa tabi ng bintana.
I busied myself looking outside of the window, appreciating the night view of the city. Ayoko ng isipan pa ang kapalaran na naghihintay sakin sa piling ng taong ito na bumili sakin. I don't know his reason behind buying me, bit one this is I'm sure right now, ang paghiling ko na sana wala siyang balak na masama sakin. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pangatawanan ang gusto ni mama kung talagang nasa sitwasyon nako.
"May bukas pa bang mall sa oras na ito?"
"Meron pa po Gov."
"Sige dumaan muna tayo."
Iyon nga ang nangyari, huminto kami sa isa sa pinakamalaking mall dito sa siyudad. Lumabas na ang driver at ang lalaking nakabili sa akin. Binuksan ng lalaki ang pinto sa gawi ko. Ng magtama ang paningin namin ay matamis na ngiti ang ginawad niya sa akin na hindi ko nagawang suklian. Tahimik akong lumabas ng kotse.
"Mamimili muna tayo ng mga damit mo." Napatingin ako dito.
"H-hindi naman na po kailangan."
"Wala kang ibang damit na dala bukod sa suot mo ngayon. Halika na at mamili ka na rin ng pamalit diyan sa suot mo dahil alam kong hindi kana kumportable." Naglakad na ito papasok ng mall, sumunod na lang ako sa kanya. Kung magmamatigas ako ay wala rin namang patutunguhan.
Astra alalahaning mong ysng lalaking yan ang bumili sayo, sa ayaw at gusto mo hindi na ikaw ang nagmamay-ari sayo kung hindi siya. Kausap ko sa sarili.
Muli kong naramdaman ang paninikip ng puso ng muling maipaalala sa sarili ang mapait kong kinahantungan.
Naigala ko ang paningin ko sa boutique na pinasukan namin, halatang mamahalin ang mga gamit dito.
"Miss pakihanapan naman ng mga damit itong kasama ko, pati sapatos at tsinelas lahat ng kailangan niyang gamit."
"S-sir huwag na po." Agad kong tangi, bumaling siya sa akin at muling ngumiti.
"Sige na, ayos lang Astra. Maghihintay muna ako dito." Naupo siya sa may sofa. Wala na akong nagawa ng akayin ako ng sales lady papunta sa mga gamit pangbabae.
"Boyfriend mo miss?" Napatingin ako sa sales lady dahil sa tanong niya. Matagal kaming nagkatitigan bago siya nahihiyang ngumiti.
"Sorry po ma'am" Pormal na wika nito.
"H-hindi ko yun boyfriend." Tumango lang siya ngunit halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko, dinaan ko na lamang sa buntong hininga ang nangyari. Ano pa nga ba, nahusgahan na niya ako at hindi ko na mababago yun.
Kahit ilang beses akong tumanggi sa sales lady kada may ipapasok siya sa paper bag ay hindi niya ako pinakinggan. Sobrang dami naming napamili na sa tingin ko ay hindi ko naman kailangan ang iba.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...