Kahit anong pilit ko na pahintuin ang pagsakit ng kalooban at pagbuhos ng aking mga luha ay diko mapigilan.
Kung iisipin ay wala naman talaga akong ginagawang masama pero parang daig ko pa ang pumatay ng inosente sa pagtratong nararanasan ko. Masama nabang mangarap ngayon na makaahon sa kahirapan, hindi naba pwedi yun ngayon?
Gusto kong magreklamo, pero parang kahit ang ipagtanggol ang sarili ko ay wala rin akong karapatan.
I let myself be drawn with the pain I'm feeling right now, I let my eyes let go of the tears that I was surpassing since the first day I stepped my feet in this mansion.
Sa mga pagkakataon na ganito gusto ko magalit kay mama, sisihin siya sa kamiserablihan ng buhay ko, gusto kong magalit sa kanya dahil ako ang sinisisi niya sa kaw*langhiyaan na ginawa ng tatay ko sa kanya, pero alam ko sa sarili ko na kahit anong pilit ko, hindi ko magagawang magalit dito, sana lang ay kung paano ko siya minamahal ay ganun din siya sa akin, baka sakaling hindi ko nararanasan ang ganito ngayon.
Mabelle's POV
"Hay nako mabuti nga sa babaeng yun, edi nakatikim siya sa girlfriend ni sir Blue."
"Kaya nga diko napigilang matawa kanina habang sinasabunutan siya ni ma'am Gretchen, na pa cheer pa nga ako hahahahha"
"Akala kasi niya dahil maganda siya pwede na niyang magawa lahat lalo na ang magpaikot ng mga lalaki."
Pabagsak kong linapag sa lamesa ang tray na hawak ko na may lamang juice na idadala sana sa beach side.
Napatigil sa pagkukwentuhan ang tatlong kasambahay na kasama ko dito sa kusina.
"Maghinay hinay naman hoh kayo sa pagsasalita. Masyado naman ho kayong mapanghusga ni hindi niyo pa nga nakikilalang lubos yung tao."
Asar na wika ko sa kanila bago muling kunin ang tray at maglakad palabas ng kusina. Ng makarating sa sala ay di ko maiwasang huminto at tumanaw sa ikalawang palapag kung saan ang silid ni Astra.
Naaawa ako sa kanya. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko na na mabait siya, sa kabila ng paninira sa kanya ng mga tao dito sa mansiyon ay nananatili lang siyang tahimik, tinatanggap ang masasakit na salita mula sa iba.
Agad akong nagpatuloy sa paglakad ng makita ang pagbaba ng senyorito sa hagdan. Mabibigat at mabibilis ang paghakbang nito kaya agad akong napalihis ng malapit na ito sa akin hanggang sa malagpasan na nga niya ako. Sumunod ako dito, papunta rin kasi siya sa beach side kung nasaan ang mga kaibigan niya.
"Bro." Nakita ko ang pag-iwas ni senyorito sa pagtapik sana ni sir Blue.
"Umalis na kayo."
Maging ako ay nagulat sa narinig mula dito."Ares?"
Naguguluhan na tanong ni Clain."Umalis na kayo."
"What do you mean? Kararating lang namin ah?"
Maarteng sabi ni ma'am Gretchen. Masamang tingin ang binaling ni sir Ares dito."Don't tell me, its because of what happened? Dapat sa mistress ng daddy mo ikaw magalit. Bakit mo kami pinapaalis?"
Sabi naman ni ma'am Catherine."Are you stupid? Hindi niyo ba maintindihan ang salitang umalis na kayo? As what I remembered, you are in my property so I have the right na paalisin ang gusto kong paalisin. And I don't remember that I have to explain myself to you."
"You're being unreasonable, Ares."
Protesta pa ni ma'am Mica."Stop girls, you heard Ares. I also think that we should go now. Sira narin naman ang araw natin dito." Wika ni sir Dino bago pumasok sa kubo para kunin siguro ang gamit niya.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...