CHAPTER 20:

2.6K 46 2
                                    

"Pupunta ka?"
Tanong ni Mabelle habang palabas kami ng school, Sabado na bukas, since Monday hindi na ako muling bumalik sa presinto. Muka namang pinaglalaruan lang ako ni Ares at wala talagang balak seryosohin ang pagsagot sa mga katanungan ko.

"Hindi ko pa sigurado."

"Pumunta kana kung wala ka namang gagawin. Naging masama ang pagtrato sayo ni Ares pero tingin ko naman sincere siya nung sinabi niya na babawi siya kapag nakalabas na siya ng kulungan."
Nagkibit ako ng balikat, dahil hindi naman talaga ako sigurado sa gustong mangyari ng lalaking yun.

"Hanggang kailan daw ba siya don?"

"Dalawang buwan yata."

"Matagal din noh, sa palagay ko magbabago na talaga ang pakikitungo nun sayo kasi  kahit hindi siya kasangkot sa kaso, pero dahil alam niyang pinahirapan ka niya dati, nagpakulong parin siya."

"Hindi ko alam, pero sana magbago na nga talaga siya, kasi kung sasaktan niya ulit ako aalis na lang talaga ako dito, gagawa na lang akong ng ibang paraan para sa amin ni mama, nanatili lang naman ako kasi alam kung ito ang pinaka madaling paraan para sa akin."
Tinap nito ang balikat ko. Humawak siya sa braso ko at sabay na kaming naglakad papunta sa apartment ko.


Hindi ako nagpunta, natapos ang weekends ng hindi ako bumabalik sa presinto.

"Astra!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin, patakbong papalapit si Dino.

"Dino bakit?"

"Wala naman, nakita kasi kitang padaan kaya tinawag na kita. Saan ang punta mo?"

"Sa library magsusuli ng libro."
Pinakita ko sa kaniya ang tatlong librong hawak ko.

Nagulat pa ako ng kinuha niya ito sa akin at siya na ang nagdala.

"Hala, ako na Dino."

"Ako na Astra, ihahatid na kita don."

"Sige salamat."
Ngumiti siya na ginantihan ko na lang.

"Dumalaw kana kay Ares?"

"Oo nung nakaraang nakaraang Sabado at Linggo."

"Oo kasi nito hindi siya tumatanggap ng dalaw, nagpunta kami kahapon at nung Sabado, ewan don nung nalamang may bisita ang saya tapos nung nakita kami bigla na lang kaming binulyawan at pinaalis."
Nagkibit na lang ako ng balikat.

"Walang pasok bukas diba? Pupunta kami sa Limunsudan Falls gusto mo sumama?"
Bulong nito, nasa loob na kasi kami ng  library.

"Hindi pa ako sigurado eh."

"Ganon ba? Sayang naman, tayo tayo lang, sasama rin si Gretchen para may kasama kang babae, isama mo narin si Mabelle."
Hindi ko talaga alam, pero wala rin naman akong planong gawin bukas.

"Tatanungin ko muna si Mabelle."

"Sige pati yung Cortez isama nyo narin. Kunin ko'y number mo para matawagan kita mamaya."
Ibinigay ko naman ang number ko sa kaniya, sa tingin ko ay wala namang masama doon.


"Astra sa akin na kayo sumakay."
Wika ni Aeron, nasa apartment kami ngayon at hinihintay sila Dino ang sabi kasi madadaan naman ito kaya dito na kami maghintay, tinuro ko naman na ang apartment kay Dino kaya alam na niya ito.

"Naka oo na kasi ako kay Dino ng inaya niya ako na sa kaniya na sumakay."
Anas ko, napakamot naman ito sa batok.

"Ang pangit naman ng isasakay ko? Maka walang gana."

"Ah talaga? Edi wag kang sumama. Inaya ako ni Mack na sa kaniya sumakay kaya umoo ako. Akala mo naman."
Napatingin ako kay Mabelle.

"Matagal na kaming magkakilala non Astra, ilang beses na kaming naging magkaklase sa ibang subject."
Tumango naman ako.

"Feeling mo naman may meaning ang pag-aya niya sayo."

"Ikaw ang feeling, akala naman niya sakaniya ako sasakay, as if sayangin ko ang holiday ko kasama ka."

Nagbabangayan parin sila nung tumalikod na ako. May tumawag kasi sa cellphone ko.

"Hello?"

[Will you go here?]

"Ares?"
Iba ang numerong gamit nito na pinangtawag sa akin.

[Yes, it's a holiday today, will you go here or do you have other plans?]

"Inaya kasi ako nila Dino na pumunta sa Limunsudan Falls.."
I heard him sigh.

[So you can't go here today?]

"Ahm yes."
He sighs again.

[Okay then, Limunsudan Falls is kind of dangerous Astra, stick to Dino or whoever you will be with there. I hope I can go there with you too.]

"You can Ares if you want to."

[I want to, but I can't. I need to spend months here.]
Anas niya. Diko naman alam kung anong idudugtong sa sinabi niya kaya hindi na lang ako nagkumento. Ilang segundo ay nagsalita siya ulit.

[You're not gonna wear bikinis are you?]
Diko maiwasang pamulahan ng pisngi sa deretso niyang tanong.

"H-hindi Ares."

[That's good. Call me  or text me when you get there.]

"I think it's not my obligation to inform you, Ares."

[I know Astra, just please, I'm asking it as a favor.]
Did he really say please? Nagbuntong hininga na lang ako.

"Sige."

[Okay, I need to go now, I just paid for a 5 minutes call. Take care.]
Pinatay na niya ang tawag.

"Astra halika na, nandito na sila Dino!"
Mula sa kusina ay lumabas na ako.

I composed a text.

"Paalis na kami."
I sent it to the number that Ares used to call me.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon