Hindi na humiwalay ang mga bata sa ama nila simula ng mailabas ito ng emergency room. I know he's tired, I can see how his body wants to give up, it's just his mind and heart that's fighting.
"D-daddy what happened po?"
Hanggang ngayo'y umiiyak parin ang mga bata dahil sa nangyari. Abi and Alijh don't understand yet that their father has a massive illness. Ang alam lang nila ay May simpleng lagnat ang ama.
Pinapanood ko lang sila mula dito sa sofa. Ayokong lumapit dahil siguradong babagsak naman ang panibagong luha sa mga mata ko.
"I was so scared earlier. Everyone's crying, are you going to leave us?"
Inosenteng tanong ni Abi sa ama. Ares forced to smile.
"D-daddy is okay princess. S-stop crying, it hurts daddy when you're crying because of me."
Pinilit niyang abutin ang pisngi ng mga anak at pinunasan ang mga luha dito.
Gustong gusto kong magreklamo kung bakit nangyayari ito sa amin. We've been through so much, maraming beses na naming nasaktan ang isa't-isa kaya bakit hindi kami mapagbigyan na bawiin ang lahat ng taon na nagtiis kami, mga taon na puno ng sakit.
Gusto kong bumalik sa nakaraan, kung binuksan ko lang ang puso ko at hindi nagmatigas noon. Kung hindi ko siya iniwan at hindi ako umalis baka mas maraming taon kaming nagkasama.
"Mabuti pa Astra ay umuwi muna kayo sa mansiyon para makapagpahinga, simula ng dumating kayo ay hindi pa kayo nakakapagpahinga ng maayos ng mga bata. "
Anas ni Gov na nasa tabi ko. I look at my kids, Abi and Alijh are sleeping now beside their dad, while Asher sleeps on the bed beside Ares.
"Okay lang po kami. Siguradong hindi rin po papayag ang mga anak niya na umalis sa tabi niya."
Mahinang sagot ko.
"I feel like I'm the worst father on earth. Sinisisi ko ang sarili ko dahil ni hindi ko man lang nalaman ang pinagdaanan ng anak."
Yumuko ito. He sobs. I don't know what to say. Hindi ko rin alam kung paano siya iko-comfort kung sa sarili nga ay diko magawa.
Bukod kay Ares ay wala pa akong nakakausap mula ng bumalik, alam kong marami silang tanong dahil sa pag-uwi ko na may bitbit na tatlong anak, but I'm thankful that they did not try to throw me questions because I know I would not be able to answer them.
I want to focus on Ares right now.
Tumayo ako ng makita ang unti-unting pagmulat ng mga mata nito.
Pagkatapos nilang magkwentuhan ng mga bata ay sabay sabay silang nakatulog. Dahil sa hindi na ng katawan niya, ilang minuto lang ay nag pa-pass out na ito.
He smiled when his eyes found me. Pinilit ko ang sariling ngumiti rin pabalik sa kaniya.
Tinaas nito ang kamay niya na inabot ko kaagad. Naupo ako sa gilid niya. Malaki ang space ng kama niya kaya nagkasya parin ako.
Dinala nito ang mga kamay ko sa labi niya at paulit-ulit na hinalikan.
"Did I scare my baby?"
He whispers between his kisses on my hand.
Dahan dahan akong tumango kasabay ng pag-agos ng panibagong mga luha.
"T-takot na takot ako Ares."
His tears start to form in his eyes.
"I know, ikaw yata ang may pinakamalakas na iyak kanina. Nagising tuloy ako."
"I will cry louder every time you do that para hindi mo kami iwan."
Dinala niya ang kamay ko sa pisngi niya at doon iyon dinama.
"But I don't want you crying baby."
"T-then don't leave us.. k-kapag iniwan mo kami lagi akong iiyak."
He smiled.
"Mahal na mahal kita, kayo ng mga anak natin."
Inilapit ko ang muka ko sa kaniya at pinatakan ng halik ang labi niya.
"Mahal na mahal karin nami Ares, ni minsan hindi ako tumigil na mahalin ka."
He reached for my lips again.
"A-ayoko pang mamatay Astra."
I cannot surpass my sobs anymore. Tuluyan ng lumakas ang bawat paghikbi ko.
"A-ayoko na iwan kayo. A-ayoko Astra."
Magkadikit ang mga noo namin.
"A-ayoko pa Astra, but I know my body cannot hold on any longer."
"A-ares, please, please."
"Baby ayoko rin. A-ayoko rin."
Hirap na hirap na sabi nito. He coughed again. Paulit ulit at sunod sunod ang pag-ubo niya. Mariin kong naipikit ang mga mata.
"Oh tapos?"
"Edi sasama ka sakin sa Manila."
"Eh pano pag-ayoko."
We're talking again about him working in Manila after he graduates.
"Saan mo gusto?"
"Dito lang, dito ako ga-graduate."
"Oh edi sige dito lang din ako."
"Kahit wag na, mas maganda kung sa Manila ka magtatrabaho lalo at may negosyo kayo ron."
"Huh, ayoko noh, eh kung makahanap ka ng iba dito? Type ka pa naman nila Clain at Dino, isama mo pa yung Cortez, wag na noh!"
"Para kang baliw, anong type type."
"Basta kaya ikaw huwag kang lalapit sa mga yun."
"Ayoko noh, kaibigan ko si Aeron saka kaibigan ko narin sila Dino."
"Tsk, ang dami mong kaibigan ah."
"Pati ikaw kaibigan ko."
Agad kumunot ang noo niya."Asawa ako Astra, hindi kita pinagtitiyagaan para maging kaibigan mo lang."
Umirap pa ito sa akin.
"Wow tiyaga talaga edi tumigil kana sa panliligaw dati ka pa naman basted."
"Joke lang baby."
Mas nilapit niya ako sa kaniya. Sobrang luwang ng sofa pero kung makadikit ito sa akin parang naka glue na.
"Ang bango ng baby ko ah, parang gusto ko na tuloy gumawa ng baby."
Tinulak ko ang muka nito palayo sa akin.
"Gumawa ka mag-isa mo!"
Tumatawa siya habang nilalapit nanaman ang muka sakin na iniiwasan ko.
"Kapag talaga nabigyan ng pagkakataon lalamanan ko yan, tatlo agad para masaya hahahahaha."
"Ang bastos talaga ng bibig mo."
I planted another kiss on his lips. Magkadikit parin ang mga noo naming dalawa.
"I want you to stay, Ares, but I cannot see you suffering this much anymore. D-don't worry about our kids. I-i will take care of them."
Ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng puso, ang bara sa lalamunan ay nagpahirap sa aking paghinga. Ang paghikbi ay hindi ko na sinubukang itago pa.
I know how much this will hurt me, us, everyone who loves him. Ayoko, ayoko sana, pero hindi ko na kayang makita na hirap na hirap na siya. Gusto kong ilaban ngunit sa bawat segundo na nakikita kong unti-unti na siyang kinukuha samin ay mas lalo kaming mas masasaktan especially him. Hindi ko na kayang panoorin siyang ilaban pa ang buhay niya kahit alam naming wala na.
He slowly closed his eyes. I closed my eyes tightly as the tears rushed down hard. A-ares.
"I-if a parallel world does exist, let's meet again there as Astra and Ares, let's fall in love again with each other. In that parallel world. L-lets live thousands of years and love each other forever."
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...