Pilit kong inaagaw ang kamay ko na hawak hawak ngayon ni Ares na nasa ilalim ng mesa.
Bawat masamang tingin na binabato ko sa kaniya ay ginagantihan niya ng ngisi sabay haplos sa labi. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa pagpapabaya at talagang gumanti pa sa halik niya.
"I can see na komportable na kayo ni Astra sa isa't isa Ares."
Basag ni Gov sa katahimikan dito sa hapag. Napaangat ako ng tingin dito, at ganon din si Ares sa kaniya."Yes."
Maikling sagot niya sa ama."Kumain kapa Astra."
Inabot sa akin ni Gov ang lalagyan ng ulam. Kukunin ko na sana ng nauna na si Ares na kumuha dito. Napabaling tuloy ako sa kaniya, at ito nanaman ang nakakunot niyang noo."Do you want this?"
Tumango naman ako at siya na ang naglagay ng ulam sa pinggan ko. Saglit lamang niyang hinayaan na magbitaw ang kamay namin dahil agad narin niyang hinagilap ang palad ko pagkatapos maibaba ang lalagyanan ng pagkain."Your birthday is near, what are your plans son?"
Malamyos na tanong ni ma'am Anastasia sa anak. Diko namang maiwasan na pagmasdan si Ares. Hindi ko alam na malapit na pala ang kaarawan nito, kailan nga ba?"Hindi pa namin napag-uusapan ni Astra."
Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nakuha naman ni Gov ang atensiyon namin ng malakas siyang tumawa."Should I let Astra stay in the mansion again?"
Natatawang tanong nito. Agad namula ang pisngi ko dahil sa hiya."No need dad, we are content with our apartment."
Hasik nito sa ama habang nakasimangot. Pinagseselosan nanaman ba niya ang tatay niya?"Y-you two are living together?"
Medyo tense na tanong ng mommy niya. Ngumisi lang si Ares dito."No po ma'am, magkapitbahay lang po kami."
Ako na ang sumagot, nagpakawala ito ng maikling ngiti."You should call her mommy from now on, wife."
Inis kong binalingan si Ares ng bumulong siya sa akin. Ngumisi lang nanaman siya. Minsan ang sarap niya lang sampalin ulit, puro mang-uyam lang yata ang alam nito sa buhay."Since Sunday naman bukas baka naman pwedi mo akong pagbigyan sa hiling ko Ares, ipasyal mo naman si Cidney, matagal narin ng huli niyang punta dito."
"Okay lang po tita, pwedi naman po akong magpasama sa iba kahit po medyo kinakabahan ako dahil hindi ko po masyadong kilala ang mga tao dito. Nakakahiya naman po kasi kay Astra at Ares dahil may gagawin sila bukas."
Mahinhing wika ni Cidney."Si Ares na lang ang sasama sayo, hindi ko naman kailangan ng tulong niya bukas."
"Astra."
Mariing tawag ng katabi sa pangalan ko. Hindi ko siya pinansin."Talaga? Thank you Astra."
Ginantihan ko na lang siya ng ngiti.Napunta kay Ares ang atensiyon ko ng pabalang niyang binitawan ang kamay ko at padabog na kumain. Nagbuntong hininga na lang ako at hinayaan siyang magmuryot.
"Si mang Fernan ang maghahatid sayo."
Pagkatapos naming kumain at magpaalam sa loob ay dumeretso na kami sa parking lot ng mansion.Napahinto ako sa paglalakad at bumaling sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Dito na muna ako matutulog, maaga kaming aalis bukas ni Cidney para maggala. Ayoko ng hassle na kailangan pang mag drive pagkagising sa umaga."
Anas niya. Tumango na lang ako, hindi alam kung anong dapat sabihin, o kung pinagsisisihan ba na pumayag ako sa gustong mangyari ng mommy niya."Sige."
Yun na lang ang tanging naisatinig ko."Ingat."
Sagot niya bago tumalikod at pumasok sa mansion.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...