Nasa labas ako ng veranda sa aking silid. Payapang tinatanaw ang marahas na pag-hampas ng alon sa gilid ng dalampasigan.
"I can't Dino, I'm grounded."
Bumaling ako kay Ares na prenteng nakaupo sa sofa ng silid ko habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon at nasa tapat ng tenga ang telepono.
"Hindi kayo pweding pumunta dito."
Ng humarap siya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.
Nalaman ni Gov ang ginawa nitong pagkukulong sa akin sa basement dahil sa pagsugod sa akin sa hospital. Nagalit ito sa anak kaya ngayon ay nasa tatlong araw na itong hindi pinapayagang lumabas ng mansiyon, gumamit ng telepono, o magpapunta ng kaibigan dito.
Binalik ko ang atensyon sa dagat. Katulad ng dati niyang ginagawa ay dito ulit siya pasekretong natutulog sa kwarto ko at dahil sa sitwasyon ko pinapayagan na niya akong matulog sa sofa.
Napaiktad ako ng bahagya ng ihagis nito sa kandungan ko ang cellphone na binili niya sa akin pagkalabas ko ng hospital, katulad lang din ng brand na binili ni Gov. Sumandal ito sa railings ng veranda patalikod sa dagat. Patagilid siyang tumingin sa akin.
"You'll attend school tomorrow?"
"Oo."
Maikling sagot ko, start na ng klase bukas, sabi ni Gov ay naayos na niya ang mga papel ko, nagpapasalamat talaga ako dahil laking abala pa sa kaniya dahil pinakuha pa niya sa Maynila ang mga records ko."Where is your schedule?"
Tinuro ko kung saan banda ang bag ko na binili rin ni Gov. Pumasok siya sa loob ng kwarto at inabot mula sa lamesa ang bag ko bago siya muling bumalik sa veranda. Binuksan niya ito at kinalkal hanggang sa nasa kamay na niya ang schedule ko.
Pagkatapos tingnan ay binalik narin niya sa bag ko at nilapag sa lamesang nasa pagitan namin.
Hindi ko alam kung aayos naba ang pakikitungo niya sa akin matapos ng mga nangyari. Sana.
Paglabas ko sa banyo, bumungad sa akin si Ares na nagpupungas ng mata habang nakasandal sa headboard ng kama. Maaga akong nagising dahil 8:00 ang start ng pasok ko.
"Eat your breakfast here." Anas niya sabay turo sa pagkain na nasa ibabaw ng mesa na nasa harap ng telebisyon.
Walang tanong na sinunod ko ang utos niya. Pagkatapos kumain ay nag toothbrush muna ako. Mini skirt na medyo lagpas sa tuhod at blouse ang suot ko, assigned uniform for engineering students.
Pagkatapos ko mag toothbrush ay wala na akong Ares na naabutan sa silid, bumaba narin ako agad at dumeretso sa kusina para maurungan ang pinagkainan.
"Astra, ako na diyan."
"Huwag na po nay Nena ako na po kaya ko naman po." Hindi na niya ako napigilan pa sa gustong gawin.
"Nakalabas na sa garahe ang sasakyan na maghahatid sayo sa school Astra dumeretso kana doon, si Caloy ang nandon."
"Sige po." Lumabas na ako at pumunta sa garahe, isang kulay puti ang magarang sasakyan ang nasa labas nito.
"Halika na Astra."
Pinagbuksan ako nito ng pinto sa likod ng driver, nagulat pa ako ng makita si Ares na nakaupo din don, pero mas nagulat ako sa ayos niya, naka sando itong black, at panjamang black din, suot pa nito ang pinantulog niya."What are you waiting for?" Supladong wika niya kaya naman agad na akong nag-atubiling sumakay. Nasa gitnang bahagi ito ng upuan, kaya naman siniksik ko talaga ang sarili ko sa tabi ng binta upang magkaroon ng malaking espasyo sa pagitan namin. Taas kilay siyang tumingin sa akin pero wala ng salitang isinatinig.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...