CHAPTER 35:

2.1K 40 3
                                    

Hirap kong minulat ang aking mga mata. Nananakit ang buong katawan sa hindi ko alam na kadahilanan.

Sa pagbangon ko, ganon na lang ang gulat ko ng makaramdam ng matinding panlalamig sa kalahating bahagi ng katawan. Halos mahulog ang puso ko ng makitang wala akong saplot. Ngunit mas ikinasikip ng puso ko ng may makitang lalaking nakahubad, natatakpan ng kumot ang kalahating bahagi ng katawan nito.

Agad kong naitakip ang kumot sa buong katawan. Mas nanlumo ako ng masilip na tanging underwear lang ang suot kong pang-ibaba.

Halos sumabog ang ulo ko sa sakit, sa pilit na pag-alala sa mga nangyari, ngunit wala akong matandaan.

Ang malakas na pagbukas ng pinto ng silid ang umagaw ng atensyon ko.

Mula sa gulat ay agad napalitan ng galit na ekspresyon ang mukha nito. Ng makita siya, doon nagsimulang bumagsak ang luha ko, tila bumagal ang oras at gusto ko na lang maglaho.

"A-ares."

"A-ares, s-sorry."
Mabilis siyang naglakad palapit sa kama. Tinulak niya patihaya ang lalaking kaninang
nakatalikod sa akin. Mas gumuho ang mundo ko ng makita kung sino ito.

"T*********!"
Halos sakyan nito ang ama habang pinapaulanan ng suntok.

"T******** BAKIT! BAKIT!"

"Ares."
Tuloy ang pagtulo at paglabas ng hikbi sa bibig ko.

Tumigil si Ares ng halos mapuno na ng sugat ang mukha ni Gov. Lumapit ito sa akin. Naupo sa harap ko, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan ang mga luha dito. Tila paulit ulit akong dinurog ng makita ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya.

"What did he do to you baby? D-did
he r-raped you? W-what did he do, wife, tell me."
Nalaglag ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa akin ng umiling ako.

"A-ares, s-sorry."
Bumagsik ang itsura nito. Agad lumayo sa akin, akala ko wala na akong iwawasak ngunit ang makita ang tila pandidiri nito sa akin ay mas nadurog pa ako.

"H-hindi ko alam ang nangyari…."

"Just yes or no Astra."
Malamig na anas niya.

"Did he raped you?"
Puno ng galit na tanong niya. Napapikit ako ng mariin ng suntukin nito ang pader matapos makita ang pag-iling ko.

Napahagulgol na lang ako ng iyak. Gulong gulo sa mga nangyayari, wala akong maalala at ang klaro lang sa akin ay ang matinding pananakit ng katawan ko na mas nakakapagpakaba sa akin. Ayokong isipin pero ganito kasi ang naranasan ko ng gabing may nangyari sa amin ni Ares.

Mas binalot ko ang kumot sa aking katawan. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Nakaharap ito sa pader at nakatalikod sa akin.

I reach for his hand.

"A-ares.."
Marahas itong humarap sa akin. Napaupo ako ng malakas ns tumama ang palad niya sa muka ko.

Natulala ako dahil sa nangyari.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan. Nakakadiri ka! Naiintindihan mo! Nakakadiri ka!"
Mabilis siyang umalis ng silid. Nagulat ako ng biglang may humablot sa buhok ko patayo, ilang malalakas na sampal pa ang tumama sa pisngi ko.

"M*land* ka, hindi ka na nakontento sa anak ko!"
Isa pang malakas na sampal bago niya ako tigilan.

Mabilis din siyang umalis.

"A-stra anak."
Isang mahigpit na yakap ang bumalot sa aking katawan.

"Astra."

"Nanay Nena."
Halos hindi ako makahinga dahil sa sunod sunod na paghikbi.

"W-wala po akong kasalanan. H-hindi ko po alam Nanay."

"A-alam ko Astra. A-alam ko anak."



"H-hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari Astra, hindi ko talaga alam."

Tulala parin ako, nasa kwarto ko sa mansiyon kami ngayon, si Gov, ako at si nanay Nena.

Sa kwarto kung saan kami naabutan ni Ares.

Halos bugbog ang mukha nito dulot ng ginawa ng anak, hindi siya nakapag-react kanina dulot ng kalasingan.

"Hindi ko alam pero isa ang sigurado ako, walang nangyari sa pagitan natin, impossible dahil lasing na lasing ako at ni walang maalala kagabi."

Hinaplos ni nanay Nena ang likod ko ng may panibagong hikbing lumabas sa bibig ko. Ramdam ko ang pagod ngunit ayaw yata maubos ng luha sa mga mata ko.

"G-gusto ko na pong umuwi."

"Astra, ipapahatid kita."
Agad tumawag si Gov sa driver.

"Naghihintay si Fernan sa baba. Mag-uusap tayo, aayusin natin ito. Pasensya na talaga Astra."

Walang nakuhang sagot sa akin si Gov. Tumayo ako habang inaalalayan ni nanay Nena. Lumabas kami ng kwarto, at bumaba sa hagdan.

"M*land* ka!"

"Cidney!"
Sigaw ni nanay Nena, wala akong naging tugon sa sampal ni Cidney sa akin, maging ng hablutin niya ang buhok ko.

"Tama na Cidney!"
Bukod kay nanay Nena ay wala ng pumigil dito. Kung hindi pumasok si mang Fernan ay wala pang maglalayo nito sa akin.

"Ang kapal ng mukha mo! Si Ares! Si Papa! Mukha kang pera! Bayaran! Bayaran kang babae!"

"Cidney tama na."
Anas ni nanay Nena dito. Napayuko na lang ako, pagod na pagod na ako. Hirap na hirap.

"Totoo naman nanay! Binayaran naman talaga yan ni papa! P*kp*k yan sa Maynila!"
Kung paano akong pinagbulungan noon ng mga kasambahay ay mas malala ngayon.

Itinaas ko ang ulo ko para tingnan ito, ngunit ibang mga mata ang nahuli ng paningin ko. Punong puno ng pang-iinsulto ang tinging binabato niya sa akin. Halos mapaso ako sa tindi ng galit niyang mga mata.

Napayuko akong muli, napangiti at napailing sa sarili.

Wala ng mas sasakit na insulto sa tingin nito, sa pandidiring bakas sa mga mata niya.

"Halika na Astra."
Inakay ako ni mang Fernan hanggang sa makarating kami ng sasakyan. Sumama si Nanay Nena sa akin sa apartment.

"A-astra."
Gulat niyang inilibot ang paningin sa buong sala ng apartment ko.

"Para po sana kay Ares nay."

Dahil sa panghihina, hinayaan ko ang sariling bumagsak paupo sa sahig.

"Astra."

"Para po sana kay Ares….Nay ang sakit sakit po."

"Astra."

"Ang sakit sakit po dito."
Paulit ulit kong sinuntok ang kaliwang dibdib kung nasaan ang puso ko. Paulit ulit ang paghikbi at tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha.

Niyakap ako ni nanay Nena. Umiiyak narin ito sa balikat ko.

"H-hindi ko na po alam ang gagawin ko. Nay bakit ang sakit sakit po, bakit po nangyayari sa akin ito. B-bakit po. Nay bakit s-si Mabelle, bakit siya."

Ng bumalik ang huling ala-ala kagabi ay tuluyan pang gumuho ang wasak ko ng mundo.

"Anak."

"B-bakit po, bakit ang mga taong mahal na mahal ko po nay."

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon