CHAPTER 44: END

3K 53 15
                                    

2 years…

"Mommy!"

Abijah ran towards me. She has a white rose in her hand.

"Look! I picked the most beautiful one."

Ngumiti ako dito at hinalikan siya sa pisngi.

"What's with the long face Alijah?"

"Mom, Abi picked my rose, that's supposed to be mine!"

"Okay stop fighting, Daddy will get angry if you fight about that thing."

Tumalikod na lang si Alijah samin.

"Kuya, we can just give it together!."

Habol ni Abi sa kuya niya.

"Asher, are you ready!"

Sigaw ko sa labas ng kwarto nito.

"I'm not going!"

Sigaw niya sa loob.

"Ayaw mo ba makita si daddy? Malulungkot ang daddy mo kapag wala ka."

Naghintay ako ng response mula dito. Maya maya ay lumabas narin ito, napangiti na lang ako ng makitang may hawak hawak itong isang bouquet ng white roses.

"Akala ko ba hindi ka sasama."

"Umirap siya sa kawalan."

"Are you still mad with daddy?"

Mas lalong dumilim ang expression nito.

"Tss."

Hasik niya na ikinailing ko na lang.

Sabay sabay kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

We head in the cemetery. Ng nakaparada ng maayos ay agad na kaming bumaba. Agad tumakbo sila Alijah at Abi papalapit sa puntod samantalang parang tamad na tamad namang naglalakad si Asher.

Huminto kami sa harap ng puntod. Hinawakan ko ito. Hindi ko parin maiwasang maluha kahit ilang beses na kaming nakapunta dito, tila sariwa parin ang sakit na parang kahapon lang nangyari.


"Daddy!"

Agad tumayo si Abi at tumakbo. Lumingon ako kung saan ito papunta. Ares gladly lift her up. Karga karga niya ito habang papalapit sa amin.

"Akala ko hindi kana makakarating."

Ng maibaba ang anak ay agad nitong hinawakan ang ulo ko at humalik sa noo.

"Tumakas ako, I ask Cidney to handle the problem in the company."

"Mamaya magalit nanaman yung kapatid mo, pinapahirapan mo yata sa trabaho eh."

Ngumisi lang ito bago humarap sa puntod.

"Good afternoon ma."

Bati niya kay mama. Sa California nailibing si mama pero kinuha namin ang labi nito at dito sa Manila na siya ipinalibing.


Ilang oras din kami nanatili sa cemetery bago napagdesisyunan na umuwi na. Dahil pagod kalalaro kanina ay nakatulog na agad ang mga bata habang nasa biyahe.

"Asher is still angry."

Wika ko ng matapos naming ihatid ang mga anak sa kwarto nila.

Ares held my hand at sabay kaming pumasok sa kwarto.

Naupo kami sa kama.

"Should I play basketball with them tomorrow?"

Ito kasi ang kinakatampo ng anak, May usapan silang dalawa na mag basketball kanina pero dahil may emergency sa kompanya hindi nakasipot si Ares.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon