CHAPTER 9:

2.4K 42 20
                                    

"Bring out one whole sheet of paper and answer the problem written on the board."
Ilang mahihinang angil ang pinakawalan ng mga kaklase ko ngunit patay malisya lang naman si Ares.

Prente lang itong naupo.

Ilang minuto akong nakatitig sa board, I'm thinking what formula could be used in the problem to get the answer's right.

"Hey."
Napatingin ako kay Ares, nakataas ang kilay nito sa akin.

"Huwag ka ng tumunganga diyan at magsagot na. I'm just giving you fifteen minutes to answer that."

Ibinaba ko na lang ang tingin ko bago kumuha ng papel sa bag.

Nagsimula na akong magsagot. After ilang minuto ay natapos narin ako. Paglingon ko sa likod ay nagsasagot pa ang mga kaklase ko kaya binaling ko na lang ang paningin ko sa bintana at tumingin sa labas. Wala ng mga estudyante ang pagalagala lahat siguro ay may klase na. Baka kagaya namin ay nag assigned na lang ang mga instructors ng mga pwedi magbantay sa mga lower years.

Medyo napaiktad pa ako ng may mahinang sumipa sa bangko ko. Tumingala ako at nabungaran ang kunot noo at taas kilay na muka ni Ares.

Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang papel na nasa desk ko.

"You're done already?"
Tanong niya na tinanguan ko lang. Nakatitig lang ito sa papel ko na tila sinusuri. Hanggang sa pinatong na niya sa desk niya. Sumandal siya sa bangko, hindi na bumalik sa mesa sa harap.

Maya maya ay tumayo narin ito pagkatapos tumingin sa relos na nasa braso.

"If you're done, give your papers to Astra."
Binalik nito ang papel ko sa akin.

"Later at breaktime, go to my room and give the papers to me."

"H-hindi ko alam kung saan."

"Ask Mabelle."
Anas niya bago kami iwan.

Ilang minuto pa lang itong nakakaalis ay dumating na rin ang instructor namin.

"Good morning."
Sabay sabay din kaming bumati sa kaniya.

"Sinoy bago?"
Tanong niya, tinaas ko naman ang kamay ko.

"Astra Divino?"

"Opo."

"You're not irreg right?"

"Opo."

"Okay, do you need a briefing about our grading system here?"

"Pwede po ba?"
Nahihiyang tanong ko. Abala pa kasi iyon pero gusto ko talagang malaman para rin sa ikaaayos ng pag-aaral ko.

"Oo naman, who wants to explain it to Miss Divino?"

"Sir!"
I look at the back, almost all the boys are raising their hands, ng napatingin ako sa mga babae ay wala silang reaksyon.

"You may choose Miss Divino dahil sobrang dami ng willing."
Since nagtaas si Aeron ay siya na lang ang pinili ko.

"Talk it out later after the class."
Sabi ni Sir at nagsimula na sa discussion.

After ng dalawang subject ay break time na, kagaya ng sabi ni Mabelle ay hinintay na lang namin siya ni Aeron sa room namin.

"Pakita nga ng sagot mo sa pinagawa ni Suarez."
Hinanap ko ang papel ko at binigay sa kaniya. Pinagtabi niya ang gawa namin tila pinagkukumpara.

"Sabi na at mali ako eh."
Tumingin din ako sa papel namin. Napansin ko ang formula na ginagamit niya, nagkamali siya sa sign, it's supposed to be positive pero negative ang nailagay niya.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon