CHAPTER 6: Tired

2.7K 44 9
                                    

"Okay kana ba?"
Matapos lagyan ni Mabelle ng bandage ang balakang ko ay muli ko ng binaba ang damit ko.

"Hindi ba talaga ang senyorito ang may gawa niyan?"

"Hindi Mabelle."

"Anong ginawa niya kanina dito?"
Nagbuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Wala naman, May sinabi lang tapos umalis narin agad."
Yun ang totoo, pagkatapos nitong sabihin na sinungaling ako ay agad narin siyang lumabas ng kwarto ko at hindi na siya  bumalik.

"Alam mo ba kanina, pagkabalik ni senyorito sa beach side pinauwi niya agad yung mga kaibigan niya tapos binantaan pa niya yung malditang Gretchen nayon nung balak magsalita ng masama laban sayo."
Naka plaster pa sa mukha nito  ang mapanlokong ngiti.

"Huwag mo akong tingnan at ngitian ng ganiyan."
Suway ko, kung totoo man na ginawa yun ni Ares sigurado na walang connection yun sakin.

"Bakit naman, malay mo Astra! Maganda ka, mabait at matalino!"
Umiling ako ng ilang beses. Malabo, malabong-malabo.

"Hayst bahala ka! Sabagay kapag nagpasukan na sa Lunes marami kang makikitang gwapo sa school! Yun lang kasi ang iisang university sa Clarko kaya halo halo ang nag-aaral don, May mga anak ng mayaman at syempre katulad natin."

"Hindi naman mga poging lalaki ang hanap ko dito Mabelle."

"Ikaw naman! Kasama sa buhay yan!"
Napailing na lang talaga ako.

"Oh siya, magpahinga kana. Saka bukas pala ng ala sais kailangan mong maaga magising dahil may pupuntahan daw kayo ni Gov. Isasama ka daw niya sa Baryo Estella, maghahatid ng relief goods para sa mga nanakawan ng mga rebelde."

"Estella?"

"Oo basta makikita mo bukas, ako kasi sana dahil kulang daw ng volunteers eh hindi pwede at may wala akong grades last sem kaya dapat ayusin ko na bukas. Sorry hah."

"Okay lang Mabelle."

"Sige thank you. Pero paghindi kaya ng katawan mo ipaalam mo lang sakin para masabi ko kay Gov. Good night."

Ng lumabas na ito ay naglatag narin ako sa sahig para makatulog narin.

Nagising ako ng maaga katulad ng sinabi ni Mabelle. Wala akong Ares na nakita sa ibabaw ng kama ko, ngunit imbis na bigyan pa iyon ng pansin ay hindi na at tinuon ko na lang ang atensiyon sa pag-aayos. Maaga akong naligo. Sinuot ko ang pants na pinahiram ni Mabelle sa akin pati ang blouse na galing din sa kaniya.

"Magandang umaga Astra."

"Magandang umaga rin po Nanay Nena." Bati ko sa matanda na nag-aayos ng pagkain sa mesa.

"Maupo kana, pababa narin iyon si Manuel panigurado." Naupo na nga ako kagaya ng utos niya.

"Magandang umaga Astra."
Tumayo ako upang batiin din sana pabalik si Gov.

"Sige na maupo kana." Ngumiti ito bago maupo sa sariling upuan.

"Kumain na tayo para makaalis na."
Sabay na kaming kumain, ng matapos ay agad narin kaming sumakay sa sasakyan na nakahanda para sa pagpunta sa Baryo.

"Fidel daan muna tayo sa kapitolyo at may kukunin ako."
Katulad ng unang beses ay mag-isa ko lang sa likod ng kotche samantalang nasa harap naman si Gov sa tabi ng driver.

"Pasensiya kana Astra hah, kulang lang talaga ako sa volunteers ngayon kaya napasabit kapa tuloy sa amin."

"Wala po iyon Gov. Ayos lang po sa akin."
Ayos na ayos nga eh, para kahit saglit lang maiwasan ko si Ares at pati narin ang mga kasama sa bahay.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon