"Astra, gising! Astra!"
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata."M-mabelle?"
"Astra!"
Agad ako nitong tinulungang maupo. Yinakap niya ako ng mahigpit. Unti-unti nanamang sumibol ang mga luha ko."M-mabelle."
"Astra, sorry. Halika ilalabas ka namin dito."
Tinayo ako nito at inalalayan."Iha nako jusmiyo ano bang naisipan ni Ares!"
Tumulong din si Nanay Nena na mailabas ako. Hirap na hirap akong maglakad dahil sa patuloy na pananakit ng balakang ko.Ng makalabas kami sa basement, agad nag-tinginan sa amin ang mga kasambahay na tila talagang naghintay sa amin.
"What do you think you're doing?"
Napahinto kami ng makita kami ni Ares. Naglakad ito palapit sa amin. Katulad ng dati ay malamig nanaman ang tingin nito sa akin."S-senyorito."
Kabadong anas ni Mabelle."Senyorito ano ba itong pinaggagawa niyo. Huwag niyo namang ganituhin itong si Astra."
Bakas man ang galit kay Nanay Nena ay hindi parin natinag si Ares, bagkos lumapit pa ito lalo sa amin at tinabig ang pagkakahawak sa akin nina Mabelle at Nanay Nena."S-senyorito!"
Anas ni nanay, hinawakan ni Ares ang braso ko at akmang hahatakin muli papasok ng basement ng pumiglas ako, nanghihina man ay nagawa kong matanggal ang pagkakahawak niya. Agad nagbulungan ang mga nasa paligid naming kasambahay. Tinaas ko ang paningin ko at nakipagtitigan sa walang emosyon na mga mata ni Ares.Hahawakan sana niya ulit ako pero agad akong umatras palayo sa kaniya.
"P-please pagod na pagod na ako…" Marahas kung pinahid ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim upang mapigilan ang paghikbi.. "P-pwedi bang magpahinga muna? P-pwedi b-bang bukas ulit?"
"Astra.." Hinawakan ni Mabelle ang braso ko. Tumingin ako dito at ngumiti. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya sa akin, muli akong tumingin kay Ares na seryoso lang na nakatitig sa akin.
"Upos na upos na ako para sa araw na ito, hayaan mo naman sana na magpahinga muna ako.." Kahit nahihirapan ay pilit akong lumakad pataas ng hagdan, ng biglang kumirot ang balakang ko ay muntikan pa akong mahulog.
"Astra!"
"O-okay lang ako Mabelle."
Anas ko ng hindi lumingon. Nagpatuloy ako sa paglakad, hindi ko alam kung gaano ako katagal sa hagdan. Ng makapasok sa silid ay binagsak ko na ng tuluyan ang aking katawan sa sahig."K-kaya ko pa ba?"
Mabelle's POV
Gusto kong magalit at saktan ang hudas na nasa harap ko ngayon, sa buong buhay ko ngayon palang talaga ako nakaramdam ng ganitong klaseng poot para sa isang tao.
Sinusundan lamang niya ng tingin si Astra habang hirap na tumaas ng hagdan. Gusto ko siyang tulungan pero ayaw niya, diko talaga maiwasang maawa sa kalagayan ng kaibigan ko.
"Hindi na tama ang ginagawa mo senyorito, masahol na masahol na iyan!" Galit na wika ni nanay Nena bago umalis at dumeretso sa kusina.
Wala namang reaksyon si senyorito at mabilis lang na naglakad palabas ng mansiyon.
"Ang lakas naman ng loob…"
Masamang tingin ang binaling ko sa mga chismosang pag-uusapan nanaman si Astra. Natahimik sila."Ang lakas po ng loob niyong pag-usapan yung tao kahit nakita niyo na ang sinapit eh noh? Sige nga, may patunay ba kayo na kabit talaga ni Gov si Astra? Palibhasa sobrang ganda nung tao kaya kayo halos mamatay sa inggit!"
"Huy Mabelle!..."
"Oo ate Myrna siguro wala akong galang noh? Isang beses ko pang marinig na pinag-uusapan niyo ng masama si Astra isusumbong ko na talaga kayo kay Gov.! Kung si Astra mabait at natitiis kayo pwes ako hindi!"
Iniwan ko na sila doon sa sala. Nagpunta ako sa kusina para kunin ang first aid kit. Siguro kailangan ko ng sabihin kay Gov ang sitwasyon ni Astra, baka lumala ang sakit noon sa balakang at mapano pa siya.
Nagi-guilty talaga ako, kung bakit naman kasi bago ako makalabas ng mansiyon nakita na ako ni ate Sally at nadala na kay senyorito, hindi ko akalain na magiging ganon karahas ang reaksyon niya, kung alam ko lang sana hindi ko na pinasama si Astra sa pagvo-volunteer.
Ng makarating sa harapan ng kwarto ni Astra ay agad akong kumatok ng ilang beses.
"Astra?"
Kinabahan ako ng walang sumasagot, baka kung ano ng nangyari sa kaniya."Astra! Astra buksan mo toh!"
"Mabelle?"
"S-senyorito?"
Lumapit ito sa kinaroroonan ko."S-senyorito gagamutin ko lang po sana ang namamagang balakang ni Astra pero wala po kasing sumasagot."
Pinakita ko pa dito ang hawak na first aid kit.Pinalihis niya ako at siya na ang kumatok.
"B-baka po tulog na."
Wika ko, kahit medyo kinabahan talaga."Can't be, she wakes up easily, wait for me here."
Sabi niya bago pumasok sa kwarto niya na nasa tapat lang ng silid ni Astra. Nakabalik din ito agad, nagtataka man kung bakit nasa kanya ang susi ng kwarto ni Astra ay diko na isinatinig.Ng mabuksan namin ang pinto, ganon na lang ang kaba ko ng makita ang nakahandusay at nakaharang na katawan ni Astra sa lapag malapit sa pinto.
Agad pumasok si senyorito. Nagulat ako ng buhatin niya si Astra.
"She's burning hot, call Mang Caloy."
Anas niya, agad akong tumakbo pababa ng hagdan, nakasunod naman ito sa akin habang bitbit parin ang walang malay na si Astra.Ng matawag ko si Mang Caloy ay agad naming isinakay si Astra sa passenger sit sa likod ng driver, nakahiga ito sa hita ng senyorito, agad naman akong pumasok sa passenger sit sa tabi ng driver.
"Pakibilisan po Mang Caloy."
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...