CHAPTER 34:

1.9K 35 1
                                    

Dalawang araw. Dalawang araw na simula ng huli kaming makapag-usap ni Ares at pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin. Madalas ko naman siyang nakikita sa school, ngunit kahit ilang subok kong kausapin siya ay hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon, bukod pa doon lagi rin niyang kasama si Cidney tuwing pupunta sa school.

"Ang galing mo talaga Astra."
Nakangiting lumapit sa akin si Dino at inabutan ako ng tubig. Last day ng sportsfest at championship ng badminton, isa ako sa naglalaro para sa championship.

"Salamat."
Nakangiting anas ko. Katulad sa nakaraang araw hindi na sumama sa akin si Ares para manood ng laro ko.

"Matatalo yata ako."
Wika ko habang nakatingin sa score board. Lima ang lamang ng kalaban sa akin at matatapos narin ang laban, pang second set na ito at natalo ako sa first set.

"Okay lang Astra, you did your best."
Tinapik nito ang braso ko.

Habang umiinom ng tubig, nakita ko ang magkasamang si Ares at Cidney sa labas ng badminton court, just like the usual, nakakapit nanaman si Cidney sa braso nito.

"Hindi parin kayo okay?"
Nakatingin na rin pala ito sa tinitingnan ko. Nagbuntong hininga ako ng mawala ang dalawa sa paningin ko.

"Ayaw pa niya eh."
Hindi ko maiwasang malungkot at masaktan dahil sa ginagawa niya. Maraming beses kong gustong magtanong kung ano naba ang estado ng relasyon namin, pero natatakot ako, natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin.

"Kinumbinsi na namin siya na kausapin ka na at makipag-ayos sayo pero parang bingi ang g*g*."

"Okay lang Dino, salamat. Problema namin ito kaya ako nalang ang gagawa ng paraan."

"Bakit dimo i-surprise bukas? Nakabili ka na ba ng regalo para sa kanya? Pero kahit ano naman tatanggapin nun kung mula sayo."

"B-birthday niya bukas?"
Di makapaniwalang tanong ko, alam kong malapit na nga ang kaarawan nito pero diko inakalang bukas na.

"Huwag mong sabihing hindi mo alam?"

"H-hindi nga."

"Nagbigay na ng invitation, wala kang natanggap?"
Lumambot ang ekspresyon nito ng makita kung paanong gumuhit ang sakit sa muka ko.

"Astra.." Pinilit kong ngumiti.

"Hindi pa niya nasasabi, bukas pa naman baka mamaya kausapin na niya ako."
Ngumiti siya pabalik, pero katulad din ng ngiti ko. Ngiting pinilit.

Anong oras na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Alam ko, ramdam ko na hindi niya ako kakausapin, na walang Ares na pupunta sa akin, pero iba parin pala talaga kapag wala talaga, iba parin yung sakit.

Natapos ang buong araw sa eskwelahan na hindi niya ako napagbigyan na kausapin siya, pagkatapos ng laro ko na natalo, agad ko siyang hinanap, laro din nila ngunit hindi siya naglaro, natagpuan ko siya kanina sa parehas na lugar kung saan kami kumain ni Angelo dati, at ng magtagpo ang mga mata namin, agad niyang hinatak si Cidney paalis. Umiiwas siya, iniiwasan niya ako.

Ayoko sanang mag-isip ng masama sa kanya pero di ko maiwasan. The night we made love, I thought after that everything will be okay between us pero parang mas lumala pa. Wala naba, dahil nakuha na niya ako? Tapos na ba siya sa akin dahil nakuha na niya ang gusto niya.

Hinayaan kong bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Kulang ang salitang sakit upang mailarawan ang kung ano mang nararamdaman ko. I feel used. Pakiramdam ko ginamit ako at pagkatapos ay itinapon na lang. Masahol pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon kesa sa kung paano ako paulit ulit na minaltrato noon ng tiyuhin ko.

Nagising akong mabigat ang talukap ng mga mata. Siguradong namamaga ang mga mata ko buhat ng pag-iyak.

Kahit gaano man kabigat ang nararamdaman ko ngayon pinilit ko paring maging positibo. Sinadya kong magising ng maaga para makapaghanda. Pupunta ako ng palengke para mamili ng pwedeng gawing dekorasyon sa gagawin kong sorpresa para kay Ares. Hindi niya sinasagot ang tawag ko, mamayang gabi ay pupuntahan ko siya sa mansyon nila para isama dito. Bahala na, basta kung ayaw niya pipilitin ko siya.

Gusto ko sanang magpatulong kila Mabelle pero ayoko ng maabala pa sila.

Mga balloons, confetti, at kung ano ano pa ang binili ko. Balak ko ring gumawa ng cake, marunong naman ako, at may oven naman dito kaya yun na lang ang gagamitin ko.

3:00 na akong natapos mag decorate ng buong sala. Hindi ko alam kung magiging masaya ba si Ares sa handa ko pero sana, saka madali lang namang i-please yun kaso grabe lang din talaga mag selos.

6:00 tapos na akong magbake. Nagluto rin ako ng mga pagkain, bumili rin ako ng candles, napanood ko sa kasi sa YouTube na magandang ideya ang dinner date. Pagkatapos ayusin ang lahat, diko maiwasang mapangiti sa sarili dahil sa kinalabasan ng mga ginawa ko. Wala akong ma iregalo kay Ares dahil nasa kaniya naman na ata ang lahat pero meron parin akong binili, a promise ring, nagkakahalaga ito ng 3,000, may allowance akong naipon kaya yun ang pinambili ko.

Mahal siya para sakin pero kung para rin naman sa taong mahal ko, okay lang. Sarili ko nga naibigay ko sa kanya worth 3,000 pesos pa kaya at tig-isa pa kami.

Nasapak ko ang sarili dahil sa iniisip. Ang lakas din ng loob kong balikan ang gabing iyon.

Naligo ako at nagbihis, at pagkatapos ay tumungo na sa mansyon. Medyo nagulat ako dahil hindi kagaya ng inaasahan ko ang nabungaran ko dito.

Bukod sa guard na nagpapasok sa akin ay wala ng ibang tao. Bukas naman ang lahat ng ilaw kagaya ng dati pero wala talagang katao tao.

"Ares!"
Malakas kong tawag ng makapasok ng tuluyan. Nag echo ang boses ko sa buong kabahayan.

"Astra?"
Pagbaling ko sa gawing kusina, lumabas doon si Gov. Manuel. Bakas ang kalasingan nito, at may hawak hawak ding wine sa kamay.

"Gov, nasan po si Ares? Bakit wala pong tao dito?"

Muntik na itong bumagsak ngunit bago ko siya maalalayan ay nakatayo na siya ng maayos.

"Nasa Moonro sila Astra, hindi ba nasabi sayo na doon gaganapin ang birthday ni Ares?"
Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang kalooban ko. Tuluyang nanlumo sa narinig.

"Moonro po?"

"Yung 5 star resort hotel sa Clarita katabi lang nitong Clarko, hindi mo ba alam?"
Umiling ako ng ilang beses dahil wala talaga akong ideya.

"Hindi ko po alam eh."

"Kanina pa silang alas dos doon, ipapahatid sana kita kaso wala ang mga driver, nandon din eh."

"G-ganon po ba? S-sige po at susunod po ako don."
Tumango siya. Lumabas na ako ng mansiyon, pagtalikod na pagtalikod ko ay tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

H-hindi na ba talaga ako parte ng buhay mo? Isang pantasya lang ba ang lahat at ngayon ay nasa realidad na ako?

Tumigil ako sa paglakad. Marahas na paulit-ulit pinunasan ang muka upang mawala ang mantsa ng luha.

"Hindi Ares, hindi ako papayag na ganun na lang ang lahat. Wala akong pakialam kung ipagtatabuyan mo ako basta ilalaban kita."
Nakakailang hakbang pa lang ako ng mayhumigit sa akin, ang pagtakip ng kung sino ng panyo sa ilong ko ang nagpaikot sa aking paningin.

Bago tuluyang mawalan ng malay, gumuho ang mundo ko ng makita kung sino ang taong humigit sa akin.

Paanong ikaw, paano…

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon