CHAPTER 27:

2.1K 52 9
                                    

Nasa gitna ako ng pagluluto ng bumukas ang pinto ng apartment ko, pagsilip ko ay pumasok ang nakapambahay nang si Ares.

Naglakad siya papalapit sa kusina, nakasimangot na umupo sa lamesa.

"Problema mo?"
Tanong ko habang nakataas ang kanang kilay. Kanina pa kasi siya mukhang bugnutin.

"What's with you and Dino? and Cortez?"
Maanghang na tanong niya.

"Dino and I are friends, same with Aeron."
Naniningkit ang mata niyang nakatingin sa akin.

"Really?"

"Yes, wala sa isip ko ang makipagrelasyon, nandito ako para mag-aral."
He crossed his arms on his chest at sumandal sa backrest ng upuan habang titig na titig pa rin sa akin.

"How about me?"

"W-what about you?"
Medyo naguguluhang tanong ko.

"I like you."
Gulat akong napatitig sa kaniya, did he really said that he likes me?

"I like you too Ares, just how I like Dino and Aeron as my friends."

"I like you not as a friend."
He growled.

"W-what?"

"Why are you acting so shocked? Isn't it obvious that I have feelings for you?"

"I don't understand, diba kaya ka ganyan kasi gusto mong bumawi sa lahat…"

"Bumabawi ako kasi gusto kita."

"Ares."

"I know, wala talaga akong balak sabihin sayo agad, but I can't keep it any longer, especially after seeing you with Cortez, and reading Dino's message to you."
He looked down.

"I won't force you to like me back, I just want you to know what I feel about you, let me prove myself to you and I'll make sure that you'll like me too."

"Ares."
Bumaling ulit siya sa akin at nagpakawala ng pinong ngiti bago tumayo at lumapit sa akin.

"Maupo kana, ako na magluluto para sa atin."
Hinawakan nito ang balikat ko at tinulak ako paupo sa upuang hinatak niya.

I just watched him the whole time until he finished cooking.

Ng tutulong na ako sa paghahanda sa hapag ay hindi siya pumayag at siya lang talaga ang nag-asikaso ng lahat.

"Are you finished with your activities?"
Kaswal na tanong niya, at parang ako lang ang apektado sa pag-amin niya.

"N-not yet."
Tumitig siya sa akin ng matagal.

"Stop seducing me."

"W-what? I'm not seducing you!"
Kahit medyo nauutal ay binweltahan ko talaga siya.

"See, your blushing Astra, stop that."
Agad akong napasapo sa magkabilang pisngi.

"I-Im not!"

"You are."
Ngumisi pa ito.


Natapos kaming kumain ng halos hindi ako makatingin sa kaniya. I never thought na magkakagusto siya sa akin after everything happened between us.

"You got it wrong."
Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip. I looked at my paper kung nasaan ang daliri niya nakaturo.

"Huh?"
Inagaw niya sa akin ang ballpen na hawak ko maging ang papel sa harap ko.

"What's with you? Huwag mo ng masyadong isipin ang pag-amin ko Astra, hindi ka tuloy makapag concentrate."

"Hindi ko naman…"

"Shhh."
Dinampi nito ang daliri niya sa labi ko na agad kong tinabig.

"Hindi naman kasi talaga…"

"Dika makukuha sa daliri? Gusto mo labi?"
Halos umusok ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Ares!"

"Joke lang huwag ka nang magalit. Look, tingnan mo mali yung sagot mo, you forgot to cancel the x from here….."

"Tsk. Tingan mo pano kung wala ako dito?"

"Kung wala ka dito hindi ako magkakamali."

"Edi inamin mo rin na affected ka sa pag-amin ko."
Piniga nito ang pisngi ko kaya agad ko siyang tinulak palayo sa akin.

"Ano ba!"
Ngumisi lang naman siya sa kabila ng masama kong tingin.

"I will now officially court you."

"Ares sinabi ko na nawala sa isip ko ang mga ganiyang bagay. I don't want to be involved in any romantic relationship."
He stares at me.

"Then I'll court you until you are ready."

"Hindi Ares…"

"Then I'll court you forever Astra, just tell me na kahit gaano katagal na kahit hindi mangyayari, na ako lang ang hahayaan mo na maging ganito kalapit sayo."
We stared at each other's eyes.

"This is the first time I have this kind of feeling towards a girl. I've been so cruel with every woman my father is linked to, Sinisira ko sila Astra, and you know how I feel? I feel so satisfied whenever they go to me crying, begging. Tuwing nagmamakaawa sila na tumigil na ako, tuwing umaalis sila sa lugar na toh para lumayo sa akin, I feel so satisfied. Pero hindi ganon sayo, tuwing umiiyak ka sa harap ko, tuwing nasasaktan kita, tuwing nagmamakaawa ka na tumigil na ako, I fell worst, pakiramdam ko para akong mababaliw dahil sobra akong nasasaktan."
Thinking about the past still hurts me. Pinunasan niya ang tumulong luha sa mga mata ko gamit ang kamay niya, while his other hand holds my hand.

"Tuwing nakikita kitang umiiyak dahil sakin parang gusto kong saktan ang sarili ko. Hindi ko naiintindihan dati kung bakit galit na galit ako tuwing nakikita kitang may kasamang ibang lalaki, na sana mas dapat ikasaya ko dahil pwede ka ng mawala sa landas ko. Astra I think I will never be able to let go of this kind of feeling. I'll wait for you, kahit gaano katagal just give me the assurance na ako sa dulo, na ako lang."

"Ares hindi natin pwedi pangunahan ang mga mangyayari. Marami pa tayong pagdadaanan at makikilala."

"I know, pero sigurado ako sayo, hindi pa ako naging ganito kasigurado sa buhay ko, sayo lang Astra. Alam ko wala ka pang nararamdaman para sakin pero gagawin ko ang lahat hanggang sa magkaroon na."
Nagulat ako ng abutin niya ang noo ko gamit ang labi niya.

"Ikaw lang Astra, hindi yun magbabago."
He whispered on my forehead before planting another kiss.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon