CHAPTER 22:

2.4K 52 1
                                    

Kanina ko pa napapansin ang iilang beses na pagtingin ni Gretchen sa akin. Nakaupo kami ngayon ni Mabelle sa isang malaking bato na medyo naaabot ng tubig, sila Dino naman ay nasa taas ng falls at tumatalon mula doon palusong sa tubig.

"Ang bait naman ni Ares, talagang pinabilhan kapa niya ng sunblock."
Diko na lang pinansin ang nang-aasar nanamang si Mabelle.

"Punta muna ako sa cottage, medyo mainit kasi, ikaw? Halika na muna."
Aya ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Dito muna ako magsa-sightseeing ng mga pogi." Natatawa pa niyang anas, napailing na lang ako dito bago siya tuluyang iwan.

I saw Gretchen seating on the right side of the cottage kaya sa left side ako naupo.

Binalot ko ang tuwalyang dala sa katawan ko, lumusong na kasi ako sa tubig kaya nabasa na ang katawan ko.

"Sorry about what happened to you."
Bumaling ako sa kaniya, deretso siyang nakatingin sa akin.

"About what Mica did to you. I know I've been a b*tch to you but I never thought of doing such horrible things like Mica did."
Umirap ito sa hangin.

"We hated you a lot, since you came lagi ng ikaw ang topic ng group namin, especially the boys, they are talking about how beautiful you are, so look innocent that it's very impossible that you are a mistress of Governor Manuel, that's why we ought to ruin you but never in that way. I apologize of what I did before, sinisi kita dahil sa break up namin ni Blue, pero matagal na kaming nagkakalabuan even before you came, but we are now trying to fix everything between us, and kung sangkot ako sa nangyari sayo sa tingin ko hindi na kami maaayos pa. Mica deserves where she is now, it hurts me as her friend because she ruined her life just for insecurities."
Nagbuntong hininga ito, she wiped her tears using her hands. Nagbaba siya ng tingin.

"She likes Ares ever since, pero hindi siya nabigyan ng pansin nito. We all know that Mica has plan to you, nalaman namin nung kinausap siya ni Ares tungkol sa huwag ng ituloy ang kung ano mang plano nito sayo. We don't know Ares' reason kung bakit bigla na lang nagbago ang isip niya, naisip namin na baka gusto kana niya after we saw his IG posts. I'm really sorry about everything, I also apologize on behalf of Mica."

"You are forgiven, even Mica. Matagal ko ng kinalimutan ang nangyari dahil kung mabubuhay ako don, sarili ko lang ang papahirapan ko. Pero hindi ko pweding iatras ang kaso sa kaniya, she will never learn her lesson kung pagbibigyan ko siya kahit sobrang bigat ng ginawa niya."

"I know, kahit iatras mo ang kaso, Ares won't let Mica go."
Nagkatinginan kami.

"Ares went crazy nung nalaman niya ang kabuuan ng nangyari sayo. We went to the police station the same night, ng hinuli siya, to give our statement and as his witness. He really likes you Astra, I know that as his friend."

"I don't know."
Tanging naisagot ko.

"We saw how much he hurts you kaya naiintindihan ko, you can fully forgive him but you can openly welcome him to your heart."

Tumingin ako sa labas ng cottage at binusog ang mga mata sa magandang tanawin.

"I hope that we can now move on from the past. Let's give each other time, I wish na kapag lumamig na ang lahat, we can bond and build a friendship between us."
Tumayo na siya at iniwan akong mag-isa sa cottage.

"Anong sinabi nun? Baka naman sinisisi kapa sa pagkakulong ng kaibigan niya?"
Pagkalabas ni Gretchen agad ang pasok ni Mabelle para puntahan ako.

"Hindi Mabelle, humingi siya ng sorry sa mga nangyari dati."
Nagbuntong hininga ito at tumabi sa akin.

"Mabuti naman, akala ko kung ano, sasabunutan ko na talaga yan"
Natawa naman ako sa karahasan niyang naiisip.

"Ayan na sila, tapos narin ang walang hiyang Aeron na makipag l*andian."
Bulong nito na hindi nakawala sa pandinig ko.

"Gusto mo noh?"
Bulong ko rin sa kaniya. Namula siya at nag-iwas ng tingin.

"Ang pangit niyan Astra pwedi ba!"
Mas natawa ako ng nakangiting pumasok si Aeron sa cottage at binatukan pa si Mabelle ng pabiro gumanti ang isa kaya nagsimula nanaman silang bumuo ng sariling mundo.

"Kanina kapa dito, ayaw mo bang maligo?"
Tanong ni Dino matapos tumabi sa akin.

"Nagpapahinga lang ako, mamaya na lang siguro kapag medyo lumamig na."

"Sige, mamaya sasamahan ko kayo, sa mababaw lang tayo, masyadong malalim ang tubig baka mapano kayo."
Tumango ako sa sinabi nito, kahit marunong akong lumangoy makatakot parin, lalo na at naaalala ko ang unang experience sa dagat.

"Kain na tayo!"
Sigaw ni Mack kaya nagsimula na kaming kumain.

"Astra oh."
Panay lagay ng pagkain si Dino sa plato ko, kahit anong pigil ko sa kaniya ay ayaw paawat. Ng nagkatinginan kami ni Mabelle ay nakataas ang kilay nito sa akin at nakangisi.

"Astra pa follow back naman sa IG."
Wika ni Clain na nakaagaw ng atensyon ko.

"Sige."

"Ako rin hah!"
Nagsunod sunod sila kaya tinanguan ko na lang.

"Sige mamaya pag-uwi."
Nagpatuloy kami sa pagkain, hanggang sa kung saan saan narin napunta ang usapan.

I feel my cell phone vibrate from my bag kaya kinuha ko ito.

From Unknown:

Have you eaten your lunch? I can't call you, just text but I will try later. I'll try to call before I go to sleep. Text me if something bad happened there. Take care.

I composed a text for him.

To Unknown:
I'm eating my lunch now, eat yours too. You don't have to call Ares, don't work there just to have money to spend on calling me.

Mabilis dumating ang reply mula dito.

From Unknown:
I know Astra, but I will still call. Will you answer me later?

Hindi ko alam ang isasagot.

From Unknown:
Will you answer my call later Astra? I hope you will.

To Unknown:
I don't know Ares.

From Unknown:
Better than a no. I will call you later. I need to work now. Bye. Take care.

Hindi na ako nagreply. Bumalik sa ala-ala ko ang napag-usapan namin ni Gretchen kanina. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa lahat ng narinig mula dito.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon