GRETCHEN's POV.
"Saan ka pupunta?"
Kinakabahan kong tanong kay Astra. Naabutan namin ito nila Dino na naggagayak sa apartment niya. Two weeks had passed since what happened to her and Ares, nag-aalala kami sa kanya kaya nag decide kaming puntahan siya. I, Dino and Blue."Aalis na ako dito, sana pala matagal ko ng ginawa."
Pinigilan ko ito sa paglalagay ng gamit sa maleta niya. Pinaupo ko siya sa kama at hinarap sa akin.Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mga mata ko, she looks so stress, nangingitim ang magkabilang ilalim ng mga mata, at sobrang laki ng pinayat.
"Tell us what really happened Astra, sabihin mo samin. We already know the side of the story of Ares pero ang gusto kong malaman ay ang iyo."
Kinulong nito ang mukha sa dalawang palad at doon binuhos ang luha.
"What's with the decorations outside your room? Balak mo bang isorpresa si Ares nung birthday niya?"
Dahan dahan itong tumango.
"After I decorated the whole sala around 6 P.M I decided to go to Ares's mansion, magkagalit kami pero nakapagdesisyon ako na makipag-ayos sa kaniya at pilitin siyang pumunta dito, but when I reached their mansion, no one was there, only Gov. Manuel, he was drunk…."
Wala nga siya sa party ni Ares, tito Manuel was so stress that time because of his ex wife who keeps on insisting to bring Ares abroad and also, dahil sa problema sa baryo Istella, maraming mamayan ang namatay dahil sa pag-atake ng mga rebelde.
"Balak niya akong ipahatid sa Moonro pero walang driver kaya sabi ko ako na lang ang bahala, ng makalabas ako, si Mabelle…"
Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Diko mapigilan na kunutan ng noo.
"She drugged me.. Mabelle drugged me.."
"W-what?"
Kahit sila Dino ay napatayo dahil sa gulat. Mabelle is her bestfriend, how could she.."At paggising ko nasa kwarto ko na ako sa mansiyon katabi ang nakahubad ding si Gov. Manuel."
I hugged her tight, hindi ko ma-imagine kung gaano naging mahirap para sa kanya ang lahat. She was betrayed by her bestfriend, left by the man she loved."Have you told about it to Ares?"
Umiling siya."S-sinubukan kong magpaliwanag pero ayaw niya, lagi siyang umiiwas o hindi kaya ay nagagalit sa akin."
That b*strad! Pinunasan nito ang mukha niya na basang basa ng luha.
"Nalaman narin niya na binili ako ni Gov sa Manila, nakakapagod ng ipaliwanang ang lahat, kung minahal niya talaga ako, kung kilala na niya talaga ako, mas pipiliin niyang manatili sa tabi ko sa kabila ng lahat."
Ngumiti ito sa amin."Salamat sa inyo, I don't know if I was able to stay here this long after what happened if it's not because of you."
Bumalik siya sa ginagawa.
"S-saan kana pupunta?"
"I rather not say, sana maintindihan niyo."
Tumango ako sa naging sagot niya.Sa gitna ng pag-aayos ng gamit, bigla itong tumakbo papunta ng banyo kaya napasunod kaming tatlo nila Blue.
Halos nakasubsob na ito sa sink, tuloy tuloy ang pagduwal.
"A-are you okay Astra? May sakit kaba?"
Sunod sunod na tanong ni Dino sa kaniya.Ilang minuto ay nagmumog ito at naghilamos.
"O-okay lang ako."
Sagot niya, inalalayan ulit namin siyang maupo, ako na ang nagtuloy sa pag-aayos ng gamit niya."Are you pregnant?"
Gulat akong napatingin kay Blue dahil sa tanong nito. Hawak hawak niya ang isang papel at may mga gamot."A-astra.."
Nauutal na tanong ko, hindi makapaniwala. Did she and tito Manuel…."You and Ares have a child? Inside you?"
Mas lalo akong nagulat."I thought I was hallucinating that night, I thought I was the one who accompanied Ares to their mansion just like what he said when it's not me, it's you whom he is with that night right?"
"What? Anong ibig mong sabihin Blue?"
"The day we saw Astra with the Manila boy, sinundan namin si Ares that day at nauwi kami sa bar, lasing na lasing kami, but I remembered calling Astra with Ares' phone, blur sa ala-ala ko pero nakita ko si Astra sa bar at sinundo si Ares, pero nung umaga, when I asked Ares kung paano siyang nakauwi ang sabi niya ako ang naghatid sa kaniya. Imposibleng kay tito Manuel yan Astra, it's Ares right?"
"Please keep it from everyone. Hindi kung kanino man ang anak ko, akin lang ito."
Nagkatinginan kaming tatlo, at tumango sa isa't isa.
Pinanood naming sumakay sa kotse nila tito Manuel si Astra, marami pa akong katanungan pero alam kong mahirap pa para sa kanya ang lahat. I hope time heals her wounds, especially now that she has an angel inside of her.
"Talaga bang itatago na lang natin kay Ares ang lahat?"
"He doesn't deserve to know."
Maikling pahayag ni Dino bago kami talikuran."If he really loves Astra, he should not act like an a**hole."
Right, Dino is right, that b*stard doesn't deserve the truth, I cannot imagine how Astra felt when after what happened between them that night, Ares denied it. Wala na akong pakialam sa side niya, I know enough to hate his guts.
Sinarado ko ang apartment ni Astra, before fully closing the door, tumitig pa ako sa hanggang ngayong decorated na sala ng lugar. Seeing this right now, I've realized that Ares just lost his supposed family, and he doesn't deserve that family.
Habang naglalakad kaming tatlo papunta sa department namin, saktong madadaan ang room nila Astra, Mabelle was there with Aeron, they are talking peacefully.
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko.
"What are you trying to do?"
Hinawakan ni Blue ang kumuyom kong palad."I will just teach this b*tch a lesson."
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin. Hinatak ko ang balikat ni Mabelle paharap sa akin.
"G-gretchen"
I slapped her hard. We draw attention from other students but I don't care!"Gretchen!'
Sigaw ni Aaron sa gulat.I slapped her again, I slapped her three times.
"You b*tch!"
I know how b*tch I was before to Astra pero pinagsisisihan ko na yon, Astra is a very kind woman, and I guess hindi nito pinagsalitaan si Mabelle pagkatapos ng ginawa nito sa kaniya. I saw her pain earlier while talking about how this b*tch betrayed her.
"Plastic ka! How dare you put Astra into this! She was a friend to you, that even after knowing what you did, she did not confront you!"
Kahit pagkatapos ng mga nangyari, I still saw Astra with her, she was still able to smile to this b*tch kahit alam niyang niloko na siya nito.
Nagsimula itong umiyak, litong litong nakatingin dito si Aeron.
"You ruined her life! I don't know your reason why you drugged her that night, I don't know but whatever it is, hindi parin yun sapat para gawin mo yung sa kaniya! You know what, she's gone. Astra is now gone and no one of us will be able to see her anymore!"
"Anong ibig mong sabihin, Mabelle drugged her? Astra is gone?"
Hinawakan ni Ares ang braso ko. Hindi ko alam kung kailan pa siya dito pero wala na akong pakialam don.Mabilis umigkas ang palad ko sa pisngi niya. I known how powerful he is in this province, ngunit ang takot ko sa kaniya ay nawala na.
"Yes Ares, finally right? You finally got rid of her just how you wanted it a long time ago."
"W-where did she go?"
"I don't know, no one knows. But one thing is sure, you, you're the reason why she is gone now, poor you…"
Ngumisi ako sa kaniya.
"You just lost her forever."
Umalis na ako sa kumpol ng tao. I know him, I know that he loves Astra very much, but he doesn't deserve her.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romance"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...