CHAPTER 3: Mistreated

2.5K 41 20
                                    

After what happened at the beach side,
bumalik narin ako sa mansyon para makapag-palit ng damit na nabasa. Hindi ko na sinubukan pang lumabas ng silid para maiwasan narin na magtagpo ang landas namin ni Ares.
Ilang ulit na katok sa pinto ng silid ko ang pumukaw sa atensyon ko. Lumapit ako para pagbuksan kung sino man ang nasa labas.

"Ano pong kailang…" Hindi pa lang ako tapos magsalita ay marahas ng tinulak ng kasambahay sa akin ang isang tray na may lamang pagkain.

Napamaang na lang ako ng tumapon sa akin ang ibang laman nito.

"Pwede bang sa susunod wag kang magmala donya sa bahay natoh, ang espesiyal mo naman at pinagdadalhan ka pa ng pagkain mo. Huy! Marami kaming trabaho dito kaya umayos ka. Istorbo!" Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko, hindi ko na nakuha pang ipagtanggol ang sarili dahil umalis narin ito agad.

Bumalik ako sa loob ng kwarto, nilinisan ko muna ang sahig na natapunan din ng sabaw, nagpalit narin ako agad ng damit. I don't understand why people inside this house treated me like that, I never did them wrong, if it's because of the issues about the Governor, how could they jump into conclusion that I Am one of his mistresses. People judge easily, it's disappointing. But in the end, it is still me who needs to compromise and understand them, it's me who needs to endure.

After ko kumain ay binaba ko na ang pinagkainan ko, the maids still looking and talking about me, pero hindi ko na lang ulit pinansin. What's the point of fighting and explaining myself, kayang kaya nga nilang manghusga ng walang basehan, ano pa kaya ang pag-mukhain akong masama kung mangangatwiran ako para sa sarili. Hindi narin naman ako nagtagal at agad naring bumalik sa silid.

One of my hobbies is taking a bath before going to sleep. Habang sinusuklay ang buhok kong basa dahil sa pagligo, ganon na lamang ang gulat ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at walang ano-anong pumasok ang nakasimangot na si Ares.

I stood up immediately. He walked towards me after shutting the door close behind him. He is also in his sleep clothes. Panjama at sandong itim.

"I'll sleep here…" Naupo ito at sumandal sa headboard ng kama. "I don't want you and my father to tarnish this house with your dirty damn relationship ." Seryosong seryosong sabi niya.

"W-wala kaming relasyon ni Governor." Imbis na maniwala ay ngumisi lamang ito na tila nang-iinsulto. Gusto ko pa sanang ipagpilitan na mali ang iniisip niya ngunit hindi ko nagawa pa dahil sa takot dala ng masama niyang tingin.

"Turn off the lights, matulog ka sa sahig." Anas niya bago tuluyang humiga at balutin ang sarili ng comforter.

"Don't you try to sneak out while I'm sleeping, kapag nahuli kita lagot ka sa akin." Nagbuntong hininga na lamang ako bago pinatay ang mga ilaw gaya ng utos niya. May sofa naman sa loob ng silid na ibinigay sa akin but Ares said that I should sleep on the floor, to put it in words, he doesn't want me to have comfortable sleep.

Inantala ko ang lamig dulot ng aircon, kahit madilim ay pinilit kung makakuha ng towel na maaari kung ilatag sa sahig, ang throw pillow sa sofa ang ginawa kong unan.
Sa kabila ng kabigatan na bumabagabag sa akin ay pinilit kong matulog, ayoko ng mag-isip pa ng maraming bagay na hahantong lang sa pagkaawa sa sarili.

Mahihinang pagsipa ang siyang gumising sa akin, ng tuluyang maimulat ang mata ay doon ko nakita ang inis na muka ni Ares habang nakaupo sa gilid ng kama.

"Get up, you're not a princess here so don't act like one. You have to work."

Pinigilan ko ang namumuong inis para sa kaniya, hindi naman na niya kasi kailangan ipa-alala na hindi ako magbubuhay prinsesa sa mansyon na ito, ramdam na ramdam ko na dahil sa nananakit na likod buhat sa pagkakatulog sa sahig. There would be no princess sleeping on the floor for his information, tss. 

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon