CHAPTER 19:

2.5K 62 7
                                    

Nagsimula na siyang kumain habang ako ay pinoproseso pa rin ang sinabi niya.

Bigla akong nahiya ng mapagtanto ang kahulugan ng winika nito kanina.

"Why are you blushing?"
Napabaling ako dito, nakatingin ito sa akin habang kunot ang noo. Agad akong napahawak sa magkabilang pisngi.

"M-mainit kasi."
Kumunot ang noo niya, maya maya ay malalim na nagbuntong hininga.

"I'm done, umuwi kana Astra mainit dito, hindi ka pwede dito."
Mariin niyang anas habang sinisinop ang mga tupperware na pinagkainan sa paper bag.

"Hindi pwede, may kailangan lang akong itanong, aalis narin ako kapag nakuha ko na ang sagot mula sayo."
Hindi siya nagpapigil hanggang sa tumayo na siya.

"Ares."
Lumingon siya sa akin, napatingala ako sa kanya.

"Umuwi kana Astra, pawis na pawis ka, mainit dito at saka madaming mga lalaki na hindi maganda kung makatingin sayo."
Nagsimula na siyang maglakad pero hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

"A-anong nangyari kay Jigs?"
Tumingin siya sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata.

"Seriously? Did you really go here just to ask for that b**tard?"
Medyo iritadong sabi nito kaya agad akong umiling ng ilang beses.

"I've been avoiding him since our interaction in the coffee shop, kaya diko napansin na hindi na siya pumapasok, lately lang nalaman ko na may kinalaman ang Suarez, ikaw bayon?"
The whole time na nagsasalita ako ay nakatingin lang siya sa akin, kaya unti unti akong nag-iwas ng mata sa kanya.

"If you really want to know, bumalik ka dito bukas, but make sure to wear a loose shirt, not fitted like what you are wearing right now, for pants, you can wear pants like that.." turo niya sa suot kong square pants.

"...also facemask."

"Hindi mo ba pwedeng sagutin ngayon ang mga tanong ko?"

"Kung sasagutin ko ba yan babalik kapa bukas?"
Matagal akong nag-isip.

"Hindi na."

"Edi bukas ko sasabihin."

Naglakad na siya paalis kaya nakatanaw na lang ako sa kaniya.

Ang sabi niya ayaw niya akong nandito, bakit babalik nanaman ako bukas?

Wala na akong nagagawang umalis ng walang nakukuhang sagot mula sa kaniya.


Dahil Lingo, pagkatapos ko magsimba, naisip ko na tanghali na lang akong dumalaw kay Ares kaya yun ang ginawa ko. Nagbaon ulit ako ng pagkain para sa kaniya.

"Pwedi naba nating…"

"Astra, I'm drinking water."
Putol niya sa sasabihin ko. Ilang ulit na niya ginawa iyon simula ng dumating ako hanggang ngayon hindi parin niya ako nabigyan ng pagkakataon na magtanong sa kaniya.

Hinintay ko siyang matapos kumain.

"Ano Ares…"

"Astra nagpapahindag pa ako."
Medyo iritado pa siya, diko maiwasang maasar dahil parang wala naman siyang balak talaga na sagutin ang mga tanong ko.

Gusto ko lang malaman kung may kinalaman siya sa pag-alis ni Jigs, para makapagpasalamat but beyond that, I also want to know what he did to him, kahit naging ganon ang trato ni Jigs sa akin ayoko namang masyadong maapektuhan ang buhay nito to the extent na lumipat pa siya ng school, I know how it's hard especially when you need to be an irregular student. Also, bakit nandito parin siya sa kulungan since na prove naman na hindi siya guilty, somehow medyo nahihiya ako, I slapped him before finding the truth behind the mere record, ginagawa ko na lang pang palubag loob ang mga ginawa niya sakin dati so basically he deserves the slap.

"Ares…"

"Umuwi kana."

"Huh?"
This time talagang hindi ko na itinago ang pagka-asar sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Umuwi kana, bawat nakakulong may 15 minutes lang na visiting hour, actually nag extend kapa nga ng 5 minutes."
Napatingin ako sa relos ko. I got here at 11:00 and it's 11:20 now.

"Pero wala pa akong naitatanong at wala ka paring nasasagot?"
Di makapaniwalang anas ko, kunot noo siyang mas tumitig sa akin.

"What do you want Astra? Mag extend pa tayo ng oras? Do you want me to take advantage of my name?"
Tinaas baba niya sa akin ang kilay niya tila naghahamon.

"You think you are not taking advantage? I saw you yesterday being massaged by your cellmates, and now we extend 5 minutes for visiting hours but look, no one is calling us out about it."
Ngumisi ito, bumalik sa pagkakaupo at mas inilapit ang muka sa akin.

"So you really want me to take advantage of my name right now so we can talk more? Just say yes Astra and I will gladly do that with a heartbeat just for you."
Ng mas inilapit pa niya ang muka niya ay lumayo na ako at tumayo.

"What do you mean?"
Medyo iritado ng tanong ko.

"Huh? I mean nothing Astra. I will just do you a favor since it seems to me that you like to talk to me that much."
Mahina pa itong humalakhak, domuble ang init ng magkabila kong pisngi dahil sa pang-uuyam niya sa akin.

"Marami nga kasi akong gustong itanong."

"Alright, just go back here tomorrow and we'll talk."

"May pasok na ako Ares, I can't go here."
Tumango tango siya.

"Then wait for 2 months before I answer your questions."

"Ares!"
Maang ko. This is what I hate about myself the most. Curiosity can kill me!

"Sige na umuwi kana."
Tumayo narin siya at nagsimula ng maglakad palayo sa akin.

"How about your studies? Bakit ka kasi nandito pa kung wala ka namang kasalanan?"
Habol kong tanong. Huminto siya at lumingon sa akin.

"I will handle my studies once I get out of here. Let's talk about your second question, kapag nakalabas na ako dito. Don't take tricycle to go home, nagpatawag na ako ng driver sa bahay na susundo sayo."
Tuluyan ng siyang umalis kaya lumabas narin ako sa presinto. About sa mga nagtangka sa akin, nakakulong na sila ngayon, I'm sad about it kasi nasira ang buhay nila dahil lang sa kabaliwan ng isang tao.

"Astra hatid na kita."
I saw kuya Caloy waiting for me.

"Utos ng senyorito. "

Tatanggi sana ako pero hindi na lang, baka magka problema pa si kuya lalo na sa ugali ni Ares, ayaw niya na hindi nasusunod ang mga utos niya.

A/N: Thank you for all the support, especially sa pag vote. I'm beyond grateful right now, I hope you can also leave your feedbacks with every chapters so I will know what to improve in my writing. I'm very open with suggestions. Enjoy reading!

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon