Pagkalabas ko ng comfort room, dederetso na sana ako pabalik sa gymnasium kung saan gaganapin ang laro ni Ares.
"Astra!"
"Angelo?"
Tumatakbo itong papalapit sa akin."Dito ka pala nag-aaral."
Malawak ang pagkakangiti nito. Just like how he is even before, the gentle kind of man."Oo, dito na ako lumipat pagkatapos kong umalis ng Manila."
Nakita ko kung paano nag bago ang ekspresyon nito pagkatapos kung sabihin ang tungkol sa pag-alis ng City. Unti-unti ring naglaho ang ngiti sa labi ko."Bakit bigla kang umalis? Alam kong ilang beses mo akong tinanggihan dati pero akala ko magkaibigan tayo. I was so worried about you after knowing that you already dropped in our school."
Binalik nito ang masayang muka."Sobrang na miss kita, ang saya ko ng makita ulit kita ang kaso agad ka ding umalis."
Hinawakan nito ang batok na tila nahihiya kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa asal niya."Masaya rin ako ng makita ulit kita, pasensiya na nga pala sa nangyari."
"Ayos lang yun. Siya nga pala, dalawang oras na lang kami dito sa probinsya at babalik narin sa lungsod.. kung ayos lang pwedi bang makasama ka muna? May nakita akong kainan sa labas lang ng school, pwedi kaba?"
I was hesitant at first, laro ni Ares pero ngayon na lang ulit kami nagkita ni Angelo, isa pa marami akong gustong itanong sa kaniya lalo na ang tungkol kay mama, kung sila parin ng papa ni Anya at kung ano na ang balita sa kaniya, kung nagtatrabaho parin siya sa bar o hindi na.
"Sige."
Pagpayag ko. Ite-text ko na lang siguro si Ares.Marami kaming napag-usapan at marami rin siyang impormasyon na naibahagi sa akin. Nalaman ko na wala na si mama at tito Arnold at nakulong na ito kaso hindi daw niya alam kung bakit, regardless masaya parin ako dahil nakawala na si mama sa masamang taong yun. Isa ko pang nalaman na hindi na nagtatrabaho si mama sa bar, in fact may sarili na itong maliit na sari-sari store. Masaya ako at medyo guminhawa ang pakiramdam. Hindi na ako makapaghintay na makapagtapos para makita siya ulit.
"Salamat sa oras Astra."
"Wala yun, salamat din. Goodluck sa research niyo."
Nag conduct daw pala sila ng research dito sa probinsya. Since natapos na nila ay gumala daw muna sila sa university bago bumalik ng Manila.
"Salamat. Pano bayan sa susunod na lang ulit. Kapag may oras pupuntahan kita dito."
"Sige."
I was shocked ng hatakin ako nito para sa isang yakap. Ganon pa man ay ginantihan ko na lang.
"Bye Astra."
Bumitaw ito sa akin bago tumakbo sa van na nakaparada na sa labas ng school. Service siguro nila. Kumaway ako dito at ng mawala na sa paningin ko ang van ay pumihit na ako para pumasok sa gate.There I saw Ares with our friends. He is staring seriously straight to my eyes. Bakas pa ang pawis nito mula sa laro.
Naglakad ako palapit sa kanila. Ngumiti sa akin sila Gretchen, nag-iwas naman ang mga lalaki, while Ares continuously stared at me.
The way his looking at me was beyond cold. I know, he is angry, bukod sa hindi ako nakanood ng laro niya, hindi pa ako nakapagpaalam dahil wala akong load, sinubukan naming maghanap ni Angelo kanina ng papa-loadan pero wala kaming nakita, Angelo is using different network which do not work here in the province.
"Ares…"
I was cut off ng humarap siya sa mga kaibigan.
"I'm a bit tired, uuwi muna ako."
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)
Romans"Go on and seduce all the men you meet! You dirty woman!" His angered voice thundered like in a stormy night. He glared at me with his cold lifeless eyes that made my whole system shivers. "I will never do that! How long will you make yourself beli...