CHAPTER 17:

2.5K 49 7
                                    

"Astra?"
Bumukas ang bintana ng kotse na lumapit sa akin.

"Gov?"

"Saan ka pupunta?" Binuksan nito ang pintuan ng kotse at tuluyang lumabas maging si kuya Fernan ay lumabas narin.

Napayuko ako, hiyang hiya sa kaniya.

"Halika mag-usap muna tayo."

Mas lalo akong nahiya ng siya pa ang nagbukas ng pinto para sakin.

"Salamat po."
Maikling anas ko ng makapasok, magandang timing narin ito para makausap ko siya.

Huminto kami sa isang coffee shop malapit sa Capitol.

Sabay sabay na kaming lumabas, iginaya naman ako ni Gov. papasok sa coffee shop, we settled down as soon as we found a table that can cater the three of us.

"Umorder kana muna Fernan."
Utos nito sa driver na agad namang sumunod.

"The investigation is still going on."
Napayuko na lang ako, kilabot parin sa akin ang nangyari, I don't know when I can move on from that although I have experienced that same kind of violence simula pagkabata, pero natigil na mula ng magdalaga ako dahil natuto na akong lumaban kay tito Arnold.

"Makukulong ang gumawa non sayo Astra, I'll made sure of that."

"Salamat po."

"Ares will also be investigated, ngayon siguro ay may mga pulis na sa mansion."
Gulat akong napatingin dito.

"May recording ang babae na ibinigay sa mga pulis, kahit hindi malinaw ay may posibilidad na damay si Ares sa nangyari sayo. Kaya kaba umalis sa mansion kasi alam mo na?"
Tumango ako.

"I'm so sorry Astra akala ko mas mababantayan at protektahan kita kung sa puder ko ikaw mananatili, nakalimutan kong nasa d*monyo pala ang anak ko."

"Maiintindihan ko kung aalis kana sa mansion pero may usapan tayong dalawa, di ka pweding umalis ng Clarko ng hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral."

"Pero po.."

"May binili na akong apartment para sayo, nung isang araw pa iyon, plano ko na talagang ibukod ka dahil may mga naririnig ako sa mga maling pagtrato sayo sa mansion."

"Pero po.."

"Isipin mo ang mama mo Astra, nangako kang babalikan mo siya diba? Kung hindi mo tatanggapin ang tulong ko baka hindi mo na mabalikan ang mama mo."
Tama siya. Nangako ako na babalik kapag kaya ko ng buhayin kaming dalawa.

"Ano pong mangyayari kay Ares?"
Hindi ko maiwasang mag-isip ng tungkol doon.

"Baka makulong ang sira*long yun ng tatlong buwan o higit."
Natatawang anas niya, diko maiwasang magtaka sa reaksiyon niya.

"Hindi niyo po ba gagawan ng paraan?"

"Nagkasala siya Astra at kailangan niya yung pagbayaran. Ang bw*sit nayon pwedi ng makabuntis isip bata parin, may pa get rid of her, get rid of her pa siyang nalalaman."
Mas lalo na naman siyang natawa dahil sa sinabi niya. Kung sa ugali diko talaga makita ang resemblance nilang mag-ama.

"Pasensya ka na talaga Astra hah, ang mga tao ngayon ang dudumi ng utak diko inaakala na pag-iisipan nila tayo ng masama."
Di talaga mawala ang tawa nito.

Dumating si kuya Fernan dala ang kape namin.

"Inumin na natin ito ng maihatid kana namin sa apartment mo, at may dadalawin parin kami sa presinto."

Pagkatapos naming magkape ay inihatid na nga ako ng mga ito. Malapit lang ang apartment sa school may mga gamit narin.

Napabuntong hininga na lang ako, sana tama ang desisyon ko na mag stay pa dito. Kung ako ang papipiliin ay ayoko na talaga, pero kung uunahin ko ang sarili ko paano kami ni mama.

Naging normal ang pagpasok ko sa school, walang Ares, ni kahit mga bulungan sa paligid ay wala.

"Astra!"
Pasugod akong niyakap ni Mabelle.

"Akala ko hindi na kita makikita!"
Natatawa na lang akong gumanti ng yakap sa kaniya.

Kasunod nito si Aeron.

"Mamaya na kayo diyan, mag ta-time na "
Sabi nito sa amin, inirapan lang siya ni Mabelle.

"Inggit ka lang at hindi ka makayakap."

"Wala naman akong balak na yakapin ka Mabelle."

"Sinabi ko bang ako? Kay Astra kako! T*kmol na toh."

Nagbangayan sila habang papunta sa department namin, doon din dadaan si Mabelle papunta sa kanilang departamento.

Weird ang tingin ko sa mga tao ngayon, kapag may nakakatinginan ako ay bigla na lang ngumingiti sa akin.

"Ang weird ng tao ngayon."
Bulong ko kay Aeron. Kanina ng pagpasok namin sa room napansin ko ang mga kaklase naming babae, bumabati na sa akin dati inirapan ako lalo na kapag kasama ko si Aeron.

"Bakit?"
Tanong niya.

"Wala wala."
Nasabi ko na lang, mukang hindi naman kasi niya napapansin ang di magandang trato sa akin dito.

"Astra, ito yung grades natin sa group activity."

Inabot sa akin ng nakagroup ko dati ang isang papel.

"Astra Divino, John Fresnillo, Mike Spacio. 98."
Basa ko sa papel.

"Bakit hindi nakasulat si Jigs?"
Takang tanong ko.

"Matagal ng nag drop out, ilang araw matapos nating mayari yung group project."
Sabi niya bago umalis.

"Ilang Linggo ng nag drop out si Jigs Astra hindi mo napansin?"

Umiling naman ako dahil hindi talaga, akola ko kaya hindi ko siya hindi napapansin dahil sa iniiwasan ko siya.

"Pinapuntahan sa akin ng adviser natin, kinausap ko si Jigs pero lumipat na daw siya ng school sabi niya kaya siya nag drop out."

"Bakit daw?"
Kuryosong tanong ko.

"Hindi ko alam basta ang sabi niya, maling mali daw na bungguin si Suarez, diko nga maintindihan kung anong sinasabi niya at kung  sinong Suarez, baka si Gov. ang tinutukoy niya."

Did he? Did Ares do that?

Uwiin ng hapon, nalaman ni Mabelle na may apartment ako kaya napag-usapan namin na doon kumain ng gabihan kasama si Aeron.

Walking distance lang ang apartment kaya hindi na hassle, pero dahil may kotse si Aeron ay naisip naming sumakay narin kaya naglalakad kami ngayon papuntang parking lot sa school.

"Astra!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Lumapit sa amin sila Dino, Clain, Mack at Blue.

"Saan ka pupunta? Sama ka samin dalawin natin si Ares."

"Sa apartment na tinutuluyan ko. Dalawin?"

"Oo nakakulong na siya hahahaha."
Natatawang anas ni Clain.

Naalala ko ang napag-usapan namin ni Gov.

"Hindi pwede kasi may gagawin kami."
Si Mabelle na ang sumagot para sakin.

"Ganon ba? Oh sige saka na lang. Dalawin mo siya Astra hah, baka mam*tay sa lungkot ang isang yun kapag di ka nakita."

Tumango na lang ako kahit diko maintindihan ang sinasabi nila. Bat naman malulungkot si Ares kung hindi niya ako makikita.

Nagsisakayan na sila sa mga kotse nila at tumulak na.

"Tara."
Hinatak narin ako ni Mabelle papasok sa kotse ni Aeron.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon