CHAPTER 12;

2.3K 48 14
                                    

"What is she doing here?"

"I don't know who invited her here, she isn't close with Dianne."

"Probably, kadarating lang naman niya dito."

"Astra."
Sinalubong ako ni Dino. I'm with Mabelle, ngayon kasi ang huling gabi ng burol ng kapatid nito kaya inimbitahan niya ako. Ares is also here, pero mas nauna siyang umalis sa amin sa mansion.

"My deepest condolences Dino."
He smiled at me and tapped my shoulder.

"Tara ipapakilala kita sa kapatid ko."
Nauna siya sa aming naglakad. Nagtama ang paningin namin nila Gretchen, sabay sabay silang umirap sa akin pero pinagkibit balikat ko na lang ito.

"Tara."
Sumunod na kami ni Mabelle kay Dino. Ares, Clain, Mack and Blue are sitting in front with Dino's family.

"Dianne, this is Astra, the one who saved me."
I look inside the coffin, napakaganda ng kapatid nito na tila payapang natutulog lang.

"Maybe she's the one who saved you Dino and not me."
Ngumiti lang nama siya.

"She's so beautiful."
Anas ko habang nakatingin parin kay Dianne.

"She is."
Wika niya habang hinahaplos ang coffin kung nasaan ang kapatid.

Hindi nagtagal ay inaanyayahan kami nitong maupo. He wants us to sit beside his friends, kila Ares pero umiling ako at napiling sa bandang likod ng funeral center maupo, pumayag naman siya.

"Nakakagulat talaga ang pangyayari. Alam mo ba, napakabait niyan ni Dianne, kaklase kasi siya ng pinsan ko, sabi ni Leanne hindi daw yan matapobre kahit mayaman."
Wika ni Mabelle. Sabay kaming tumingin sa harap ng makarinig ng iyakan. Her parents are crying beside her, even Dino, may mga kumpol din sa harap na mga menor-de-edad baka kaibigan ni Dianne.

"Ouch!"
Napasinghap ako ng bahagya dahil sa kung anong mainit na tumapon sa akin.

"Astra."
Halos hindi kami magkada-ugaga ni Mabelle sapagpunas ng braso ko, may kaonti ring parte sa damit ko ang nabasa ng kape. Habang tumatagal ay nanonoot ang hapdi sa balat ko, at unti unti na itong namumula.

"Oops sorry."
Bumaling kami kay Gretchen, nakangisi ito sa akin pati ang mga kaibigan niya.

"Sumusobra na talaga kayo."

"Mabelle."
Hinawakan ko ito sa braso upang mapigilan ang amba niyang pagsugod.

"Hayaan mo na."

"Astra.."

"Nakakahiya sa pamilya ni Dino at mga nakikiramay kung papatulan natin sila."
Bulong ko dito, may mga napapatingin narin kasi sa amin, mabuti at nasa bandang likuran kami.

"Mga isip bata, katatanda na pero kung kumilos mga immature."
Dipa awat na wika ni Mabelle sabay irap sa grupo nila Gretchen.

"What did you say!"
Gigil na bulong naman ni Gretchen, nanggagalaiti ang tingin nito sa amin.

Magsasalita pa sana si Mabelle pero pinigilan ko na siya.

"Sana matuto naman kayong lumugar, kung kayo hindi nahihiya na mag eskandalo pwes kami oo."
Hinatak ko na si Mabelle palabas sa lugar.

"Nakakainis talaga yung mga yun!"
Bwelta pa nito.

"Hayaan mo na…"

"Walang h*ya ka!"
Halos mapahiga ako dahil sa hindi inaasahang pagsabunot sa buhok ko.

"Akala mo kung sinong magaling eh k*bit ka lang naman! Feeling mo matino ka, nakakasuka! Hindi ka na makuntento, si Gov, si Blue! si Cortez at pati ngayon si Dino!"

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon