CHAPTER 13:

2.3K 44 9
                                    

Tahimik kong pinapanood ang masayang mga bata na naliligo sa tabing dagat. May kalayuan ito sa mansion ng mga Suarez pero parti parin ng property nila.

Birthday daw ng anak ni ate Sally kaya sinabi ni Gov na maaari silang mag celebrate dito.

"Nandito ka lang pala."
Ngumiti ako sa kararating lang na si Mabelle. Naupo rin ito sa gilid ng dalampasigan sa tabi ko.

"Hinahanap ka nanaman ng bugnutin nating amo doon."
Turo niya sa mansyon. Tatlong araw na nga pala ang nakakalipas mula ng huling interaksiyon namin ni Ares sa burol ng kapatid ni Dino. Kahit imposible ay talagang pinilit ko na iwasan siya, hindi ako natutulog sa kwarto ko bagkos ay tumatabi ako kay nanay Nena. Tuwing papasok ay hindi na ako nagpapahatid sa driver at nag co-commute na lang, kahit ang mga texts at calls niya ay hindi ko rin sinasagot.

"Galit ba?"

"Kelan ba hindi? Kung ako sayo magpapakita na ako hindi kaba natatakot, mamaya kung ano nanamang gawin nun sayo."

"Natatakot, pero nasubukan ko na lahat ng pagpapahirap niya at hindi ko alam kung may ilalala paba yon."

"Paano kung mas higit pa sa mga yon ang gawin niya ngayon? Ilang araw mo na siyang tinataguan, kahit sa school hindi ka niya matagpuan kung paano mo nagagawa."

"Bahala na, pagod na pagod na akong intindihin ang mga tao sa paligid ko kahit hindi ko naman obligasyon na gawin yun."
Bumuntong hininga siya. Ngumiti na lang ako habang nakatingin sa dagat.

"Hinihintay ko na lang naman na maupos ako.."

"Anong ibig mong sabihin?"
Humarap ako sa kaniya at pinilit ang sarili na ngumiti.

"Kapag hindi ko na kaya, kapag pagod na pagod na ako, aalis na ako dito."
Hindi ko pa nakakalimutan ang usapan namin ni Gov, pero siguro kapag naipaliwanag ko sakaniya ng maayos ay maiintindihan din niya.

Hinawakan ni Mabelle ang balikat ko at marahang tinapik.

"Alam ko na mas magiging maayos ka kung wala ka dito kaya susuportahan kita."
This time hindi na pilit ang pinakawalan kong ngiti.

Binalik ko ang tingin ko sa dagat.

"M-mabelle?"

"Bakit Astra?"
Mas lalo pa akong tumitig sa dagat.

"B-bata bayon?"
May pagkatarantang tanong ko sa kaniya. Lumingon din siya sa bandang tinuro ko.

"Astra! Bata nga."
Sabay kaming napatayo at tumakbo palapit pa sa dalampasigan.

Nilibot ko ang paningin ko upang makahanap ng pweding tumulong, wala akong makita kung hindi puro bata rin na nasa gilid ng dagat na naglalaro.

"Mabelle yung bata!"

"Astra anong gagawin natin?! TULONG MAY NALULUNOD! TULONG!"
Sigaw niya, malayo ang mansion imposible na marinig ang sigaw nito.

Hindi na ako nag-isip at hinubad na ng madalian ang damit at panjama na suot ko.

"A-astra anong gagawin mo?!"

Hindi ko na siya sinagot at mabilis na akong tumakbo palusong sa dagat.

Buong pagmamadali kong nilangoy ang pagitan namin nung bata.

"ASTRA!"

Ng maabot ko siya ay sinubukan ko na tumayo, ganon na lang ang kilabot ko ng wala akong matapakan sa ibaba, kahit anong salat ko sa buhangin ay wala.

Mas dumagdag sa kaba ko ang nawawalan ng malay na bata. Kahit nahihirapan ay pinilit ko siyang ilangoy pabalik sa gilid ng dalampasigan.

Masyadong malayo ang distansya namin mula sa pangpang ng dagat, pagod narin akong maglangoy. Hindi nakakatulong na sobrang bigat ng bata, maliit lang ang katawan ko, hindi ko na kakayanin pa na lumangoy ng matagal. Naghahabol narin ako ng hininga. 

INNOCENT SEDUCTION SERIES #1 (Ares and Astra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon