"Ang pangit pala talaga ng itchura ng Goblin sa personal" saad ni Mclenon."Na ngangagat kaya kayan" saad ni Meyers.
"Testingin mong hawakan ng malaman natin" tugon ni Mclenon kay Meyers.
Akmang hahawakan ni Meyers ang naka kulong na mga Goblin, ng humiyaw si General Warden Cyrus.
"Mga baliw ba kayo! mga may sira talaga kayo sa ulo!" pasigaw na saad ni General Warden Cyrus kay Meyers at Mclenon.
"Gusto kong mag alaga ng ganitong nilalang" pag katapos kong sabihin yon ay saka ko hinawakan ang isang Goblin na bata, halatang bata pa ang goblin na ito, sapagkat takot sya at nanginginig at maliit pa.
"Talagang maluluwag na nga ang turnilyo nyo sa ulo" saad ni General Warden Cyrus saaming tatlo.
"Ohh sya, sya, makinig na kayo saakin isa ito sa pinaka masayang parte ng misyon nyo, lahat ng Jail Officers na naka patay ng halimaw ay nag tataglay na ngayon ng pambiharang lakas oh Superhuman Abilities kasabay ng pag labas ng kapangyarihan nila ay mayroon ding System Windows na lumabas sa kani kanilang harapan para bang isang game windows ganon.
Ipapaliwanag ko ng mas detalyado, sa una ay pag bati na isa kanang ganap na Awakeners pag tapos non ay pa pipiliin ka ng System kung anong role ang gusto mo, ito ang sumusunod, Tank, Assassin, Marksman, Fighter, Mage, Support at marami pang iba, pagkatapos mong makapili ng iyong role mayroong lalabas na tatlong bullets at papipiliin kayo sa mga Skill Cards na lalabas pag katapos nyong makapili ay nasa inyo na ang partikular na skills na napili nyo, ang bawat skills na nakuha ay may level 1 sa tingin namin ay nag lelevel up ang skills na nakuha kung madami kang mapapatay na halimaw,at pagkatapos nayon lalabas na ang tatlong tab.
Ang unang tab ay patungkol sa inyong Character's Profile nandoon ang inyong role at ang star level nito, ang Star level ay sukatan kung gaano ka kalakas sa mga Jail Officers na nakipag laban sa mga Goblin kagabe mayroong nag tala na 4 Star level sa kanyang role at isa syang Marksman.
Kasunod nito ang iyong skills na napili, at sa baba ang iyong stats Star level din ang sukatan, mas madaming bituin ang nasa stats mo mas malakas ang partikular na stats na yon, ang mga sumusunod na stats ay Strength, Defense, Magic, Stamina, Agility, Accuracy. Sa ikalawang tab ay ang Market, well masyadong madami yon para isaad ko lahat sa inyo, sa madaling salita ang Market sa System ay bilihan ng mga kagamitin na magagamit nyo sa pakikipag laban at pag papalakas at ang huling tab ay Inventory isang Dimensional Space storage pweding nyong ilagay kahit ano don sa inyong Storage kahit gaano kadami payan. " Detalyadong pag papaliwanag ni General Warden saamin."Sumakit ang ulo ko don Uncle" tugon ni Mclenon kay General Warden Cyrus.
"Ako man sumakit ulo ko don" tugon din ni Meyers kay General Warden Cyrus.
"Malinaw na saakin, dumako na tayo sa mismong misyon, General Warden" tugon ko kay General Warden.
" Kung malinaw na sa inyong lahat simulan nyo nang patayin tong tatlong Goblin na to para maging Awakeners na kayo" saad at utos saamin ni General Warden Cyrus.
Inabot saamin ni General Warden ang tatlong Military Knife, kaagad kinuha ng dalawa ang Military Knife na inabot saamin.
"Meyers hayaan mong si Mclenon lang ang pumatay sa mga halimaw," utos ko kay Meyers.
"Masusunod Boss" tugon ni Meyers saaking utos.
"Bakit Boss? bakit ako lang?"pagtatakang tanong saakin ni Mclenon.
"Teka lang hindi kayo magiging Awakeners kung hindi kayo mismo papatay sa halimaw" saad ni General Warden.
"Oky lang yon Uncle mukhang may nasa isip si Boss hahahaha" tugon ni Meyers kay General Warden.

BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AbenteuerAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...