"Magandang mungkahi iyan Boss!" saad ni Gishyo.Nag simula nang mag botohan ang aking mga Commanders, at naging tabla ang kanilang boto.
"Nasa inyo na po ang desisyon pinuno." saad ni Phaeros.
"Bago ang lahat, mayroon akong ibibigay para sa inyong lahat." aking saad.
Nang marinig ito ng aking mga Commanders ay nag tataka sila kung ano ang aking ibibigay.
Kaagad kong inilabas saaking System Inventory ang mga Potion na aking nilikha.
Binigyan ko ng dalawang Potion si Gishyo at Phaeros at tig iisa naman ang iba pang aking mga Commanders.
Naka tingin sila dito at nag tataka.
Samantalang si Sar naman ay mukhang alam na niya kung ano ang aking ibinigay sa kanila.
"Ang mga Potion na ibinigay ko sa inyo ay mga Body Strengthening Potion.
Kaya nitong palakasin ang inyong pisikal na lakas." aking pag papaliwanag sa lahat.
"Eh etong isa Boss?" saad ni Gishyo habang hawak hawak niya ang isang kulay puting Potion.
"Iyan naman ay Youth Potion. Isang Potion na pa babatain ang iyong matandang katawan.
Isang pasadyang Potion iyan para sa inyo ni Phaeros." aking tugon sa tanong ni Gishyo.
Pina inom ko sa kanila ang mga Potion na ako mismo ang gumawa.
Kaagad namang ininom ito ng aking mga Commanders at nagulat silang lahat sa nangyari sa kanilang pisikal na lakas.
Mabilis nilang naramdaman na lumakas at sumigla sila.
Maya maya pa ay mayroong dalawang sobrang lakas na Internal Force ang aming naramdaman.
"Totoo nga pala ang sinabi mo saakin noon Gishyo nung unang beses tayong nag laban." aking naka ngiting saad kay Gishyo.
Sobrang naging lakas ng dalawa.
Sa totoo lang medyo angat ng bahagya ang lakas ni Gishyo kay Phaeros.
Dahil siguro ito sa kanyang malawak na karanasan sa pakiki pag laban.
"Iyan ba ang iyong lakas tanda nung ikaw ay nasa kapanahunan mo?" tanong si Wor- Zak kay Gishyo.
"Mas malakas pako noon, ngunit nalalapit na ito saaking lakas nung araw." saad ni Gishyo.
Naging masaya ang lahat, sapagkat muli silang lumakas.
"Makinig ang lahat! Dahil hati ang inyong desisyon kung sasalakayin ba natin ang Purpleman's Beast bakit hindi na lang mag laban ang dalawang panig!
Kung sinong panig ang mananalo ay iyon ang ating susundin at isa pa!
Ang inyong labanan na gagawin ay siya ring aking gagamitin sa ebalwasyon patungkol sa pinaka mataas at pinaka mababang bilang sa pagiging Commander." aking saad saaking mga Commander.
Nang marinig ito ng aking mga Commanders ay naging determinado silang lahat.
Ang unang panig ay pina mumunuan ni Gishyo.
Sila ang panig na ayaw maki lahok sa gyera ng Purpleman's Beast at Dark Elves.
Ang grupo ni Gishyo ay binubuo nila, Sar, Haskav (Giant Black Hyenaman),
Porfiri (Black Pantherman), Lesor (Lionman), Fesiv (Red Scout Orc), Wos (Red Blood Wolfman), Revisauru (Red Goblin King), Bisivor (Brown Ogre Chieftain), at ang pang huli ay si Ha- Zibar.

BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...