Chapter 1 (Part 27)

196 50 14
                                    

"Boss! naka handa na kami." saad ni Gishyo.

"Ayos nadin Boss ang pag kaing dadalin kay Roswana!" saad ni Wor- Zak.

"Kung ganon, tayo na." aking saad habang karga, karga ko si Jr.

Naiwan si Sar at ang iba para bantayan ang aming kampo.

Mabilis naming natunton ang kwebang tinuluyan ni Roswana, hindi ito kalayuan saaming kampo.

Kaagad kaming sinalubong ng mga bantay na gwardiya ni Roswana.

Inabot ko sa kanila ang iba't ibang prutas at sinabi kong kainin nila ito, sapagkat masusustansya ang mga ito.

Pag ka tapos non ay pumasok na kami sa lungga ni Roswana.

Nang maramdaman ni Roswana ang aming malalakas na presensya ay kaagad siyang naging alerto.

Humupa lang ang tensyon ng makita kami ni Roswana.

Natuwa siya ng husto at nag Transform na siya sa kanyang taong anyo.

"Master!" saad ni Roswana habang karga, karga ang kanyang isang pulang Baby Dragon.

"Kamusta ka?" aking tanong kay Roswana.

"Medyo nahirapan Master pero maayos naman na ang lagay ng aking anak." tugon saakin ni Roswana.

"Ang cute ng baby Dragon mo!" saad ni Gishyo habang nilalaro ang baby Dragon.

"Dragon huh." saad ni Wor- Zak habang pini pisil pisil ang pisngi ng Baby Red Dragon.

Pag katapos ng tagpong iyon ay kaagad na kaming umalis, sinabi ko din kay Roswana na huwag mag madali sa kanyang pag babalik at alagaang mabuti ang kanyang anak.

Nai tanong din niya saakin kung bakit ako may karga ng isang Hada at kinuwento ko sa kanya ang buong nangyari.

----

Nan dito ako ngayon sa loob ng aking bahay na kahoy.

"Ngayon ay kailangan mo ng isang tigapag alaga pag wala ako." aking saad kay Jr.

"Papa!" tugon saakin ni Jr.

May kumatok sa pinto ko at sinabi kong tuloy.

Isang magandang babaeng Red Blood Wolfman ang pumasok.

Mayroon siyang mahabang Silver na buhok at Red na tenga ng isang Red Blood Wolfman.

Maganda ang kanyang hinaharap at ang kanyang hubog na katawan ay kaaya aya sa mata.

"Master?" saad ng babaeng Red Blood Wolfman.

"Ilang taon kana?" aking tanong sa babaeng Red Blood Wolfman.

"2,500! po Master!" kabadong sagot nito saakin.

Oo nga pala kakaiba ang daloy ng oras sa Dungeon World na ito.

"Pangalan?" aking tanong sa babaeng Red Blood Wolfman.

"Estella po Master!" saad ni Estella.

"Wag kang kabahan. Ikaw ang napili ni Sar, ibig sabihin ay pumasa ka sa pamantayan ni Sar, ikaw na ang bahala kay Jr. kapag wala ako. Salamat." aking saad kay Estella at ibinigay kona sa kanya si Jr. sapagkat mag sisimula na ang aking pag pupulong laban sa mga Purpleman's Beast.

Bago mag simula ang pag pupulong Tiname ko muna ang mga kawal ni Wor- Zak.

Binubuo ang kawal ni Wor- Zak ng mga Demon Beast at mga Beast.

Pumasok na ako sa silid pulungan ng aming kampo.

Naka upo ang lahat ng aking Commander sa kani kanilang silya sa gitna namin ay mayroong lamesa at nandoon ang mapa ng mundo nila.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon