"Dapat tayong mag ingat sa kanilang mga Mountain Commanders, Master.Mayroon silang malalakas na Mountain Commanders at higit sa lahat ang pinaka malakas na Leader nila ay si Phaeros!" saad ni Sar.
Oras na marinig iyon ng aking bagong sampung Commander ay nag kaka ripas ang lahat na pumunta sa harapan.
Mukhang kilala ng aking mga Commanders si Phaeros.
Talagang gustong gusto nilang labanan ang mga malalakas na mandirigma.
"Mga bwiset talaga tong mga to!!! Imbis na mag ingat at paguden ang kani kanilang Mountain Commanders ay kumaripas sila sa harap para labanan agad!!!
Para saan pa ang Stratehiya ko kung hindi sila makikinig hindi ba Master?
Master?? Master??? Master!!!! Pati ba naman ikaw!!!??" hiyaw na saad ni Sar."Saakin ang pinaka pinuno nila." aking saad habang humahabol saaking mga Commander.
"First Come First Serve Boss!" saad ni Gishyo.
"Whahahahaha bali balita ko madalang lumabas ng lungga tong si Phaeros, kahit sa World Summit natin ay hindi nag papakita si Phaeros!!
Kaya masayang labanan to!!" masayang saad ni Wor- Zak.
"Isang beses ko siyang nakita ng mayroong gumambala sa kanyang mga ari arian, at mga paborito niyang tauhan.
Kitang kita ko kung paano niya paslangin ang mga taong nag nais sa kanyang mga kagamitan at mga tumalo sa kanyang tauhan." saad ni Ha- Zibar.
Maka lipas ang ilang sandali ay nasa harapan na ako, kasama ang aking mga Commander.
"Heto na paparating na sila!!!
Aatake nako!!!" masayang giliw ni Wor- Zak."Teka muna Wor- Zak!!!" sabay hatak sa damit nito, saad ni Gishyo.
"Baket??!!"Galit na saad ni Wor- Zak.
"Mayroon silang asul na watawat na wina wagayway, ibig sabihin gusto muna nilang pag usapan ito, kesa humantong sa matinding pag danak ng dugo." Paliwanag ni Ha- Zibar.
Maya maya pa ay naka harap na namin ang pinuno ng Elisor Mountain Bandits.
Malaking kasta siya bilang isang Gray Ogre.
Mayroong pulang buhok, puting balbas at bigote at ang kanyang katawan ay bato bato at punong puno ito ng peklat.
Siguro nasa 8:5 ft ang laki ng Gray Ogre na ito.
Mayroon din siyang sampung Mountain Commanders at kitang kita na malalakas sila.
Sa sampung Mountain Commanders niya ay may isang naka pukaw ng aking pansin ito ang Dwarf.
Masyadong malakas ang daloy ng kanyang Dark Internal Force.
"Sino ang pinuno ng inyong basurang grupo?" tanong ni Phaeros.
Tiningnan ko si Wor- Zak at napa tingin din saakin ang lahat.
Tiningnan ako ni Wor- Zak.
Alam na ni Wor- Zak ang gusto kong sabihin kaya agad siyang umabante.
Tiningnan siya ng lahat at gulat na gulat sila.
Kahit kapwa niya Commander ay napa tingin kay Wor- Zar.
"Ako ang pinuno ng grupong ito! Bakit? may problema ba?!!? Huh!!!??" mayabang na saad ni Wor- Zak.
"Hahahaha isang basurang Demon Beast!! Kayo ang tumira saaming mga kasamahan sa Mt. Paeruk kaya alam nyo na siguro kung bakit napa rito kame!" saad ni Phaeros.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
Phiêu lưuAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...