Chapter 1 (Part 33)

207 44 10
                                    


Kentavious POV

Tiningnan ko sa mata ang Purpleman's Beast na nasa harapan ko.

Kitang kita sa mukha niya ang katapatan sa kanyang pinuno.

Muli akong hahakbang papalapit kay Phaeros ng biglang dumating si Ha- Zibar.

Mayroon siyang pinsala ngunit, walang bakas na pag katalo sa kanya.

Mukhang mali ang aking akala.

"Ha- Zibas!" Hiyaw na saad ni Ha- Zibar.

Mag kapatid sila?

Aking saad saaking sarili.

Nanatiling naka tayo si Ha- Zibas at walang balak na tumabi, hanggang nag salita na si Phaeros.

"Zibas. Natalo ako, natalo ka din at natalo din ang iba nating kasamahan , wala ng saysay kung ipag papatuloy pa natin ang labang ito, at isa pa tayo ang nag simula ng sigalot na ito.

Tayo ang umatake sa kampo nila at tayo ang natalo.

Maluwag nating tanggapin iyon bilang isang mandirigma." malungkot na saad ni Phaeros.

Nung marinig ni Ha- Zibas ang sinabi ng kanyang pinuno ay napa luha ito at tuluyan ng nawalan ng malay si Ha- Zibas

Dali daling lumapit si Ha- Zibar para bigyan ng paunang lunas ang kanyang kapatid.

Ako naman ay lumapit ay Phaeros.

"Maari bang buhayin nyo si Ha- Zibas? alam kong wala akong karapatang hilingin iyon, ngunit itinuring ko na siyang isang tunay na anak." nang gigilid ang luha ni Phaeros habang sinaad ang mga salitang kanyang binitiwan.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Phaeros, Tiname ko siya at saka ko Hineal.

Gulat na gulat ang reaksyon ni Phaeros.

"Ano to! at Bakit!?" hiyaw na saad ni Phaeros.

Hindi ko siya pinansin, tumalikod ako sa kanya at lumapit ako kay Ha- Zibas.

Binigyan na siya ni Ha- Zibar ng paunang lunas kaya Itiname ko nalang siya.

"Hoy!! Akala mo ba susunod ako sayo!! at isa pa..." mayroon pa sanang sasabihin si Phaeros ng awatin siya ni Gishyo.

"Sayo narin nag mula. Natalo kayo! at ang nanalo ang siyang masusunod." saad ni Gishyo.

"Sa ayaw at sa gusto mo! Kawal kana ni Boss! at simula sa araw na ito mas sasaya ang pakiki pag tunggali mo!" saad ni Wor- Zak.

Nang marinig ko ang kanilang pag uusap ay bigla akong hini matay.

Nang muli kong minulat ang aking mata ay nasa aking bahay na kahoy na ako.

Tama.

Masyado pang mahina ang aking Stamina at isa pa, masyado pa akong mahina.

Kailangan kong mag palakas ng husto!

Kailangan ko ding tulungan si Gishyo at Phaeros sa kanilang Pisikal na aspeto.

Malakas sila, ngunit hindi nila mailabas ng buo ang kanilang lakas dahil sa kanilang matandang katawan.

Kailangan kong hanapan ng solusyon ang kanilang problema, ako ang kanilang pinuno at responsibilidad kong tulungan sila, tulad ng pag tulong nila saakin.

Maya maya pa ay dumating saaking bahay na kahoy si Sar.

Tinanong niya kung ayos na ba ang aking kalagayan.

Tumugon naman ako ng Oo at ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit ako hinimatay, na pa tawa si Sar saaking dahilan.

"Kawalan ng disiplina sa pag eehersisyo ang sanhi ng kawalan nyo ng Stamina Master." saad saakin ni Sar.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon