Tagumpay, Hahahahaha, Sa wakas!
Mayroon nakong malakas na taglay na Red Fire Power, kailangan konalang subukan itong gamitin sa personal na labanan.
Mukhang oras na, nag aantay na sigurado saakin si Goblin War Chieftain sa labas.
Maya maya pa ay may kumatok na saaking pintuan na kahoy.
"Pasok." aking saad sa kumatok saaking pinto.
"Pinatawag niyo daw po ako Boss." saad ni Green Goblin Shaman 1.
"Oo, aalis kami ni Green Goblin War Chieftain, mayroon akong Itetame na malalakas na Wild Beast sa Mt. Mañakur, kasama namin ang Elite Scout na Green Minion Goblins.
Ikaw na muna ang bahala dito saating kampo, bahala kana." saad ko kay Green Goblin Shaman 1.
"Pero Boss akala ko ba, hindi muna tayo sasalakay." saad ni Green Goblin Shaman 1.
"Iyon talaga ang balak ko, tapusin muna ang nilaang araw ko para saating pag sasanay, ngunit may hindi inaasahang pag kakataon, lulusubin din ng Major Tribe ng Purpleman Beast ang tribo ni Ellena.
Kaya kakailanganin kong mag Tame ng mga Beast para sa dagdag pwersa kila Ellena.
"Nauunawaan ko po, Boss, Mag iingat po kayo." tugon saakin ni Green Goblin Shaman 1.
Pag katapos naming mag usap ay lumabas na kami saaking kahoy na bahay, at sa labas ng aking bahay na kahoy ay nag aantay na saakin si Green Goblin War Chieftain, kasama ang kanyang mga Green Minon Goblins na Elite Scout.
Wala kaming sinayang na pahanon at dali dali kaming nag punta sa Mt. Mañakur.
"Nan dito na tayo Boss." saad ni Green Goblin War Chieftain.
"Na..... na... na... NAPAKA LAKE naman ng Bundok na ito." tugon ko kay Green Goblin War Chieftain.
"Napaka lake??! Hahahahaha Boss isa ito sa pinaka maliit na bundok dito saaming kontinente." saad ni Green Goblin War Chieftain.
"Ganun ba, kamusta ung mga Purpleman Beast? na pansin ba tayo?" aking saad.
"Hindi tayo mapapansin ng mga yon, kanina lang napa laban sila ng husto sa Alfaza Red Orcs, parehas na panig daw ay nalagasan ng malaking kawal." tugon saakin ni Green Goblin War Chieftain.
"Mukhang nag tatrabaho ng husto ang mga Scout mo.
Salamat sa inyo mga Green Minion Goblins Scout." (Tumingin sa mga Green Minion Goblins Scout.)
aking saad."Sila ang THE BEST OF THE BEST, isa sila sa Pride ng aking Tribo.
Oh siya simulan nanatin to." saad ni Green Goblin War Chieftain.Nakaka ilang hakbang palang kame sa kagubatan ng Mt. Mañakur ay sinalubong na kaagad kame ng mga Giant Black Hyena's.
Kaagad nila kaming sinugod, dahil nabigla ako sa kanilang pag sugod ay nakapag pakawala ako ng isang malaking Red Fire Pillar.
Sa lakas ng aking atake madami ang namatay sa mga Hyena's at nasunog ang malaking parte ng kagubatan ng Mt. Mañakur.
"Napa sobra ako." aking saad.
"Napaka lakas na atake nayon! Ilang bato ng Red Fire Mana Stone ang binakbakan mong kainin?" tanong ni Green Goblin War Chieftain.
"Nakaka tatlo palang ako, Bakit mo natanong?" tugon ko kay Green Goblin War Chieftain.
"Ta... ta.... ta.... TATLO!!? Wala pa tayong isang linggong nag sasanay tas naka lapang kana kagad ng TATLONG RED FIRE MANA STONE? Are You Crazy?" saad ni Green Goblin War Chieftain.
"Bakit? ilan lang ba dapat makain ko? pakiramdam ko nga ang bagal ng progreso ko." tugon ko kay Green Goblin War Chieftain.
"Ang isang Mana Stone na kinunsumo ay halos 2 buwan bago tuluyang maisama sa Internal Force mo at 1 buwan para mapa daloy ng buong lakas sa iyong Dantian, at mga Grand Master lang ang nakaka gawa non.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
MaceraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...