Mabilis kong natapos ang pag paste ng Dragon Transformational Technique sa lahat.
Nararamdaman nila ngayon ang pinaka matinding sakit na kaylan man ay hindi nila naramdaman sa kanilang talang buhay.
Ang buong katawan nila ngayon ay nababalot ng pinaka masakit na sakit.
Dahil ito sa Rebound.
Nung Kinopy at pinaste ko sa sarili ko ang Weredragon Transformational Technique ni El- Rion ay naramdaman ko ang sakit ngunit hindi ito lumala ng sobrang lala.
Sa tingin ko ang dahilan kung bakit hindi ako naka ranas ng sobrang sakit na Rebound ay dahil sa pagiging Authoritarian ko.
Hanggang ngayon kakaunti palang ang alam ko sa pagiging Authoritarian.
Pag naging Authoritarian ka ng isang paritikular na elemento ay mag tataglay ka ng sobrang lakas na Power nito, at mag kakaroon ka ng Authoridad sa partikular na aspeto ng lakas.
Malaki ang naging koneksyon nito sa pag papababa ng Rebound na natanggap ko ng pinaste ko sa sarili ko ang Purple Dragon Transformational Technique.
Ang Authority na meron ako ang syang kumain at kumunsumo ng Rebound na nakuha ko.
Ang bahagyang sakit na naramdaman ko ay ang pag Adjust ng aking Internal Force saaking Dantian, marahil kaya nag Adjust ang aking Internal Force ay dahil sa pag lakas nito.
Sampung araw bago nila tuluyang malagpasan ang Rebound ng Dragon Transformational Technique at kakailanganin din nila ng ilan pang araw para manumbalik ng husto ang kanilang lakas.
Kailangan kong libangin ang aking sarili sa loob ng labing limang araw.
Aking saad saaking sarili habang palabas sa malaking Tent.
Iniwan ko sila sa loob ng malaking Tent lahat sila ay namamalipit sa sakit.
Ang iba naman ay nahihiyaw sa sakit ng kanilang nararamdaman.
Dahil ayokong maistorbo sila ay pinag bantay ko sa labas ng Tent sila Giant Black Wrath Lion at Giant Red Bull Tiger, inutos ko sa dalawa na oras na may pumasok sa loob ng Tent ay kitilan nila ng buhay.
Ibinilin ko din sa mga kawal na nasa labas na huwag na huwag papasok sa loob ng Tent anuman ang kanilang marinig oh maramdaman.
Sumang ayon naman sila saaking sinabi.
Pag katapos ng lahat ay umalis na ako, binabalak kong mag libot libot sa napaka laki at napaka daming bundok na naka palibot saaming pansamantalang kampo.
Ginamit ko ang aking Dragon Wings para maka lipad at mabilis na malibot ang sobrang daming bundok at nag lalakihang bundok.
Ilang oras din akong palipad lipad, mukhang Chikading nako sa lagay kong to, kaya napag pasyahan kong mag lakad lakad naman.
Habang binabaybay ko ang isang bundok ay isang napaka lakas na Bloodlust ang aking naramdaman.
Ang lakas ng Bloodlust na nararamdaman ko ay nasa GrandMaster Rank.
Napa ngiti ako sapagkat may mapag lilibangan ako.
Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa may narinig akong isang mariin na tinig.
"Sino kang lapastangan ka?
Ang lakas din ng loob mong pasukin ang aking Teritoryo!" mariin na saad ng tinig na kumakausap saakin.
Hindi ko ito pinansin hanggang sa marating kona kung saan nag mumula ang tinig na aking narinig.
"Isang Mountain Deity huh." aking saad habang pinag mamasdan ang babae na nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...