Nag patuloy sa sagupaan si Phaeros at ang Demon General.
Sa tinde ng labanan ng dalawa ay nabalot na ng apoy ang kapaligiran.
Unti, unti nang lumalamang si Phaeros sa palitan ng atake at patuloy sa pag lakas ang Dragon Force ni Phaeros.
Kahit na unang beses palang ni Phaeros na magamit sa pakikipag laban ang kanyang Gray Dragon Form ay alam na niya ang gagawin, talagang malakas na mandirigma tong si Phaeros.
Hanggang dumating na sa punto na biglang inatake si Phaeros ng iba pang Demon General.
Dahil sa biglaang pag atake ng ibang Demon General kay Phaeros ay naki sali narin sila Wor- Zak, Dirox at Ha- Zibar sa labanan.
"Mga Demonyo talaga kayo!
Wala kayong delikadesa sa pakikipag dwelo!" hiyaw na saad ni Wor- Zak habang umaatake.
"Delikadesa? Hahahaha Baka nakaka limutan mo asa gyera tayo! at kailangan namin manalo sa kahit anong paraan!" hiyaw na saad din ng isang Demon General na ka laban ni Wor- Zak.
Dahil hindi na umiiral ang gyera de dwelo ay muling nag siklab ang labanan ng mga kawal.
Sa pag kakataong ito ay lumalamang na ang aming pwersa.
Si Gishyo, Sar at El- Rion ang namumuno sa aming kawal kaya madali nilang nababasag ang pormasyon ng Demon Tribe, at dahil narin sa lakas ng tatlo ay nahihirapan ang Demon Tribe na pigilan ang aming pwersa, wala silang pantapat kila Gishyo, Sar at El- Rion sapagkat lahat ng kanilang Demon General ay kabakbakan nila Phaeros.
Mabilis naming nagapi ang mga kawal ng Demon Tribe, ang ilang nabuhay ay Tiname ko.
Samantalang ang labanan nila Phaeros, Wor- Zak, Dirox at Ha- Zibar ay nasa kalagitnaan pa ng bakbakan.
Apaka lakas na atake ang pinakakawalan ng dalawang panig.
Walang humpay na pagyanig ng lupa at ang kalangitan ay nababalot ng madilim na ulap dahil sa tinde ng dwelo ng dalawang panig.
Makuha man namin ang aming kampo ay wala ring saysay sapagkat sunog na ang buong kapaligiran.
Dahil nagutom ako ay naisipan kong mag labas ng isang karne, buti nalang nag lagay ako ng ilang karne dito saaking System Inventory.
Hindi kona kailangan pang gumawa ng apoy, sapagkat mahiya impyerno na ang kapaligiran.
Ang ibang kawal namin ay dumistansya sa labanan ng mga Dragons sapagkat hindi nila makaya ang init at lakas ng dwelo ng dalawang panig.
"Master? Nararamdaman nyo po ba ang Dragon Force ng mga Demon Generals?" tanong saakin ni El- Rion.
"Oo, kakaiba ang kanilang Dragon Force, Marahas na pag daloy, ngunit nababagay ito sa mga Demon." aking tugon kay El- Rion.
Makalipas ang tatlong oras ay natapos nadin ang labanan nila Phaeros at ng mga Demon Generals.
Natalo nila Phaeros ang mga Demon Generals, ngunit natalo man nila ay nag tamo naman sila ng mga malalalim na sugat.
Dahil sugatan sila Phaeros ay kaagad silang Hineal nila Sar, Scarlett at ni Ellena.
Samantalang ako naman ay pinuntahan ang apat na Demon General at Tiname sila at Hineal.
Nang maramdaman ng apat na Demon General na Tiname ko sila ay kaagad silang nag bigay pag galang saakin.
Mukhang alam nila na wala na silang kawala saakin at tanggap narin nila na magiging kawal ko sila.
Lumapit ako sa kanila at binulungan ko sila.
"Huwag kayong mag alala makaka bawi kayo sa kanila, bibigyan ko kayo ng Special na Technique para sa inyo lang ito." aking mahinang saad.
Akala ko ay walang nakarinig saakin, ngunit narinig pala ako ng lahat.
"Ang unfair naman non Boss!" saad ni Wor- Zak.
"Oo nga Boss, bakit sila lang ang bibigyan mo?" tanong na saad ni Gishyo.
"Kabago bago lang nila pinapaburan mo kaagad." gatong naman ni Scarlett.
Dahil doon ay tiningnan ako ng mga Demon Generals at napa ngiti ako.
Dahil saaking pag ngiti ay nagtawanan naman ang lahat.
Dahil balot parin sa apoy ang buong kapaligiran namin at marami nang puno ang nag liliyab at mahiya impyerno sa init ang paligid ay kaagad akong nag pakawala ng isang Ice Attack para pahintuin ang mga apoy na nag lalagablab.
Ginamit ko ang aking atake na Ice Age, dahil saaking ginawang atake ay nag yelo ang buong kapaligiran.
Pag katapos ng mga kaganapan ay nag simula na ang lahat na mag tayo ng kani kanilang Tent samantalang ako ay naka tingin sa araw na papalubog na.
Gamit ko ang aking Fire High Butterfly Form at naka lutang ako sa kalangitan, pinag mamasdan kong mabuti ang pag lubog ng araw at malapit na itong kumubli sa mga nag lalakihang bundok.
Nang tuluyan ng lumubog ang araw ay bumaba na ako at saaking pag baba ay nakita kong kausap na nila Phaeros, Wor- Zak, Dirox at Ha- Zibar ang mga Demon Generals at nag kakasiyahan sila ng husto.
Naka ayos na din ang malaking bonfire at maraming karne doon ang niluluto.
May nag sisimula nading mag inuman.
Napa ngiti ako sapagkat nung nakaraan lang nag iinuman tong mga to at nag kakainan, tingnan mo ngayon ganun ulit ang ginagawa, mahiya gabi, gabi Fiesta.
Nang makiki halubilo na ako sa kanila ay isang sobrang lakas na pwersa ang aking naramdaman at papalapit ito saaming kinaroroonan.
Naging alerto ang lahat ng aking mga Commanders nasa isang GrandMaster Rank ang papalapit saamin.
"Sobrang lakas ng paparating na nilalang Master." saad ni El- Rion.
"Nakaka kilabot ang kanyang lakas Boss." saad ni Gishyo.
"Master, pamilyar ang saakin ang pwersang nararamdaman natin.
Kung hindi ako nag kakamali, lakas ito ng Demon King." saad ni Phaeros.
"Demon King?
Sigurado ka?" aking tanong kay Phaeros.
"Oo, Master.
Hindi ako pweding mag kamali, pwersa ng Demon King ang ating nararamdaman." saad ni Phaeros.
"Sugatan siya!
at malubha ang kanyang natamong sugat!
Sa lubungin nyo siya mga Demon Generals, Madali kayo!" aking utos na saad sa mga Demon General.
"Opo Master masusunod po." tugon saakin ng mga Demon General.
Kaagad silang umalis at sinalubong ang Demon King na papalapit saaming kampo.
"Si... si... si... Sinong nilalang ang nakapag bigay ng isang malubhang sugat sa Demon General?" nangangambang tanong ni Sar.
"Iyan din ang nasa aking isipan.
Ang Demon King na sobrang lakas ay nasugatan ng malubha, parang napaka imposible naman niyon." saad ni Wor- Zak
"Sugatan na siya ng lagay nayan, ngunit ang lakas niya ay kakila kilabot padin." na nginginig na saad ni Ha- Zibas.
Kung kasing lakas ko sila Wor- Zak ay sigurado ako ay kikilabutan ako sa presensya na aking nararamdaman at malaki ang chansa na matakot ako, ngunit hindi ako kasing lakas nila Wor- Zak.
Higit na mas malakas ako sa kanila at mas maraming alam na Technique.
Maka lipas ang ilang sandali ay dumating na ang mga Demon Generals at karga karga ng isa sa Demon General ang kanilang Demon King.
Tama nga ako malubha ang kanyang natamong sugat.
Butas ang kanyang sikmura, tinamaan siya ng isang malakas na suntok.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...