Chapter 1 (Part 36)

192 40 6
                                    


Isang masidhing labanan ang aming pina panood.

Lahat nang aming kawal ay tutok na tutok sa labanang nagaganap.

Walang kumukurap, ayaw nilang palam pasin ang bawat sandaling nagaganap.

Nahihirapan pa din sila Phaeros na basagin ang Pormasyon nila Gishyo.

Alam nila Phaeros na lamang na lamang sila sa amano de amonong laban.

Kaya kating kati silang basagin ang pormasyon nila Gishyo.

"Sa tingin mo Estella sino ang mananalong grupo?" aking tanong na saad kay Estella.

"Hindi ko po alam Master, ngunit buo po ang aking suporta saaming Commander, Wos." tugon saakin ni Estella.

Pinag masdan ko ang mukha ni Estella at kitang kita sa mukha niya na nag aalala siya sa kanilang Commander.

Nag patuloy ang labanan hanggang sa nabasag na nila Phaeros ang pormasyon na mayroon sila Gishyo.

Nabasag man nila ito, ngunit nag tamo sila ng malakas na pinsala sa kanilang katawan at kitang kita narin na pagod sila, samantalang sa panig nila Gishyo ay maayos pa ang kanilang lagay.

Mukhang ang pakay lang talaga ng pormasyon nila Gishyo ay para pagudin at bigyan ng pinsala sila Phaeros.

Mahusay talagang bumuo ng stratehiya si Sar, ngunit iba ang lakas ng panig ni Phaeros.

Hindi naging madali ang laban kahit na nakuha na nila Phaeros ang gusto nilang uri ng labanan.

Dikit ang laban, kaliwa't kanan ang pag sabog.

Tumagal ng limang oras ang bakbakan ng dalawang panig.

Amano de amano man ang labanang nagaganap ay mayroon paring inihandang stratehiya si Sar.

Nag papalitan sila ng kalaban at atake, takbo ang kanilang ginagawa, ngunit sa huli ay ang lakas pa din nila Phaeros ang nag wagi.

Hindi ko rin inaasahan ang bagong naging bilang ng mga Commanders.

Mayroong hindi kapani paniwalang kaganapan ang naganap.

Tinalo ni Gishyo si Phaeros.

Natalo naman si Ha- Zibar sa kamay ni Wor- Zak, at tinalo rin ni Wor- Zak si Sar.

Naka sabay naman sa labanan si Wos (Red Blood Wolfman) kay Dirox (Dwarf), ngunit ganun pa man ay natalo parin si Wos kay Dirox.

Sa maka tuwid ay si Gishyo na ang mamamahala 1st Division at siya na ang bagong Commander.

(A/N: Ilalagay ko sa ibaba mamaya ang pag kakasunod sunod ng mga Commanders.)

"Halos naging pantay ang labanan nyo!, ngunit sa huli nanalo ang panig niPhaeros!

Sabihan ang pwersa natin sa Valjirina Rawyn Vampire Kingdom at sa Pretty Woman Ogre Tribe na mag si handa sa papalapit na labanan!

Pag ka tapos natin sa Purpleman's Beast ay isusunod natin ang pwersa ng Demon Clan!" aking hiyaw na saad sa lahat ng aming kawal.

Tumugon sila ng sigawan bilang pag sang ayon.

Pag katapos ng kaganapang iyon ay bumalik na ako saaking bahay na kahoy, para makapag pahinga ng matutulog na ako ay mayroong biglang kumatok saaking pintuan.

"Master! Master! Master!" saad ng isang kawal na Monster.

"Bakit ano yon?" aking gulat na saad.

"Humihingi po ng tulong saatin ang pwersa ng Dark Elves!
Naipit po ang pwersa nila sa isang kabundukan at napapa libutan po sila ng pwersa ng Purpleman's Beast!" gulat na saad ng isang kawal.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon