Nang manumbalik na ang lakas ng mga Dark Elves, ay kaagad nag patawag ng pag pupulong si Scarlett.Naka upo kami sa isang magarang upuan, at sa harap namin ay isang malaking lamesa.
Si Scarlett ang mag papatakbo ng pag pupulong.
Sa kanang bahagi ng lamesa ay ang Loajalni Dark Elves.
Sa kaliwang bahagi ay ako, kasama ang aking mga Commanders, at ang nasa gitna ay si Scarlett, katabi ni Scarlett ang kanyang Guro (Gray Goblin Champion) na naka tayo.
"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, ano ang pakay ninyo saaming Kingdom." mariin na tanong ni Scarlett sa mga Dark Elves.
"Kung ang iyong ama ay nabubuhay pa sigurado ako ay alam niya kung bakit kami napa bisita sa inyong Kingdom." malungkot na saad ng Family Head ng Loajalni Dark Elves Clan.
"Naparito kayo para makiramay?" walang emosyong saad ni Scarlett.
"Hindi kami naparito upang makiramay sa pag panaw ng iyong Ama mahal na Reyna.
Alam mo naman siguro na, noon pa ay hindi na maganda ang relasyon ng inyong Kingdom saaming mga Dark Elves.
Naparito kami upang sabihin sa inyo na nag babalak buksan ng mga Purpleman's Beast ang Dragon Realm." mariin na saad ng Family Head ng Loajalni Dark Elves Clan.
"Tama ba ang narinig ko!? Mga baliw na Purpleman's Beast!
Sigurado ako na Demon Tribe ang nasa likod ng lahat, kaya pala pinaubos nila ang Demon Beast Tribe! malaking problema to, pag nabuksan ang Dragon Realm." mariin na saad ni Wor- Zak.
"Kung gayon malinaw na ang lahat, kung bakit kami sinalakay ng pwersa ng Purpleman's Beast.
Ako ang pakay nila." seryosong saad ni Scarlett.
"Wala akong ideya sa sinasabi nyo. Maari bang may mag paliwanag nito saakin." aking saad.
Dahil bago lang ako sa kanilang mundo, kaya wala akong ka ide ideya sa kanilang sinasabi.
(A/N: Hahaha wala daw alam. Wehhh. 😂)
"Hayaan mokong ipaliwanag ito ng buo Ginoo." mahinahong saad ng Family Head ng Loajalni Dark Elves Clan.
Ipinaliwanag niya saakin ng buo ang kanilang kasaysayan.
Dati ay naka tira sila sa isang mundo, hindi ito payapa, ngunit hindi rin naman ito gaanong kasama.
Nang isang araw ay mayroong isang REALM ang lumabas sa kanilang mundo.
Sa pag litaw ng REALM na ito ay sunod, sunod na ang pag labas ng mga nag lalakihang at mga nag lalakasang Dragons.
Sinira nito ang kanilang mundo, hanggang isang araw ay mayroong dumating sa kanilang planeta na isang malakas na nilalang nag tataglay ito ng sobrang lakas na kapangyarihan at sobrang taas na karunungan.
Iniligtas sila nito sa pwersa ng Dragons at inilikas sila sa mundong kinagagalawan nila ngayon, ngunit hindi pa natapos doon ang pag tulong sa kanila ng malakas na nilalang, binigyan sila ng mga kaalaman na makaka tulong sa kanila sa lahat ng aspeto ng buhay, at KASAMA NA DITO ANG PAG BUKAS MULI NG DRAGON REALM.
Mga kaalaman na naka sulat sa mga Aklat at Scrolls, ang bawat Aklat at Scrolls ay mayroong lagda na naka lagay ito ay A.M.Z.
Bago umalis ang malakas na nilalang ay pumili ito ng tatlong Clan na mamamahala sa kanilang bagong mundo.
Ito ang Loajalni Dark Elves Clan, Valjirina Rawyn Vampire Clan at ang huli ay Kira Demon Clan.
Ang tatlong Clan na ito ay biniyayaan din ng Stigma ng malakas na nilalang.

BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AdventureAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...