Chapter 1 (Part 45)

148 33 2
                                    


"Inubos ng Purpleman's Beast ang iyong kawal Master.

Mukhang mayroon din silang Beast Weapon tulad ng saamin." seryosong saad ni El-Rion.

"Meron namang natira saaking mga kawal, pero malaki din ang nalagas sa pwersa ng Purpleman's Beast at batay sa labanan na naganap, bumalik sa kampo nila ang mga Purpleman's Beast.

Nag tagumpay ang aking mga kawal na pigilan ang  malaking pwersa ng Purpleman's Beast na maka rating sa Valjirina Rawyn Vampire Kingdom.

Siya nga pala anong Beast Weapon?" aking nag tatakang tanong.

"Halimbawa ng Beast Weapon Master ay ang Dragon Tamer namen.

Tinuturing namin silang Beast Weapon dahil sa taglay nilang Fire Power.

Kaya nilang mag paamo ng mga Typical Dragons at makipag Fusion dito.

Sa palagay ko, ay hindi! sigurado pala ako na mayroon ding Beast Weapon ang mga Purpleman's Beast.

Kung mapapansin mo Boss puro tustado ang labi ng iyong mga kawal.

Palagay ko totoo ang mga Scout Report na naka rating saakin.

Na mayroong ilang mga Purpleman's Beast na namaster na ang Full Transformational Purple Dragon Technique.

Palagay ko nasa Grand Master Rank na ang mga naka Master ng Technique na ito." detalyadong saad ni El- Rion.

"Pwedi rin siguro na may ilan na katulad mo ang estado?

Sa tingin mo?" aking saad kay El- Rion habang nag mamasid masid saaking mga tustadong kawal.

"Malabo yon Master.

Ang mga Weredragon na katulad ko ay tanging nag mula lang sa Akt Dark Elves Clan.

Kami ang bunga ng kanilang kababuyan." mariin na saad ni El- Rion.

"Pasensya na." aking saad kay El- Rion tiningnan ko siya at yumuko bilang pag papakita ng sinsiridad saaking pag hingi ng tawad.

Pag katapos non ay bumalik ako saaking pag hahanap ng mga tustadong labi ng aking mga Commanders.

"Ayos lang Master.

Pero sino ba ang hinahanap mong labi Master?" tanong saakin ni El-Rion.

"Nag hahanap ako ng labi ng aking mga Commanders." Nang sabihin ko ito ay nakita kona ang isa sa labi ng aking mga Commanders ito ay si Revisauru (Red Goblin King)

Batay dito sa labi ni Revisauru mukhang naka palag naman siya, iyon ngalang mukha talagang wala siyang nagawang paraan para madiskartihan ang lakas ng kanyang naka laban, ngunit mukhang nagawan ng paraan ng kanyang mga kasamahan na mapatay ang ilan sa mga Grand Master Rank na kayang mag anyong Purple Dragon.

Mukhang isa siya sa nag paiwan para maka atras ang kanyang mga kapwa Commanders.

"Mga baliw." aking mahinang saad.

"Paano yan Master mukhang nalagasan ka ng malaking pwersa." saad ni El- Rion.

"Bukas may ipapakita ako sayong Magic." aking naka ngiting saad kay El- Rion.

"Magic?

Sabi mo Master e.

Ano ang plano mo ngayon Master?" tanong na saad saaken ni El- Rion.

"Layo lang tayo dito sa bundok na ito, ang baho ng amoy.

Mamahinga muna tayo para may lakas tayo para bukas." aking saad.

Nang makahanap na kame ng isang maayos na lugar ay doon na kame namahinga ni El- Rion.

Dahil isa siyang Dark Elves ay hayok sa karne ang loko.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon