"Simulan na natin to mga Flying talong." aking saad habang nag papakawala ng mga Giant Red Fireball.Solid na tinamaan ko ang isa sa mga Purple Zilant Dragon.
Dahil sa malakas ang naging tama sa kanya ng aking atake ay bumulusok siya pababa.
"One down." aking naka ngiting saad.
Muling umatake saakin ang mga Purple Zilant Dragons.
Nag papakawala sila ng sobrang lalakas na Purple Fire Breath at sanay silang makipag sagupaan sa katulad ko.
Sigurado ako mga Tamed Purple Zilant Dragons tong mga to.
Dahil walang pakundangan sa pag atake ang mga Purple Zilant Dragons ay ganun din ang aking ginawa.
Apoy sa apoy.
Karahasan sa karahasan.
Buga rito, buga diyan ang naging labanan namin.
Ramdam na ramdam ko ang bilang nila.
Pirmes na lagi akong may tama, harap, likod, tagiliran, pero hindi ako pumapayag na ako lang ang may pinsala, sila rin dapat.
"Tanggapin mo to!
Peste ka!
Blazing Red Fire!!", aking hiyaw na saad habang nag papakawala ng isang matalim na atake sa isa sa Zilant Dragons na kinakalaban ko.
Nang tumama sa mukha ng isa sa Zilant Dragon ang aking Blazing Red Fire Hook ay kaagad itong bumulusok pababa.
"Mag peste kayo.
Ang huhusay nyong makipag laban." aking saad.
Muling umatake saaken ang mga Purple Zilant Dragons.
Dahil naka Weredragon Form ako ay walang atrasan dapat.
Amano de amano.
Sumabay ako sa kanila sa pakikipag laban, kahit lamang sila sa bilang.
Palakasan ng buga.
Palakasan ng atake.
Patatagan ng katawan.
Matira ang matibay.
Hanggang dumating na sa punto na naubos kona lahat ang mga Purple Zilant Dragons.
"Ha... ha... ha... ha...
Ang lalakas nyo mga Flying Tortang talong." aking saad habang naka upo sa lupa.
Nama hinga ako saglit at tiname ko ang ibang mga buhay pa na Purple Zilant Dragons.
Mayroon din silang mga Mana Seal sa kanilang puso.
Ito ang nag sisilbing Controller nila para matamed sila.
Tinanggal ko ito at saka ko sila Tiname.
Sumatotal ay nakapag tamed ako ng 6 na Purple Zilant Dragons.
Mag lalakad na sana ako papunta sa pinaka kampo ng Purpleman's Beast ng may naramdaman akong mga galit na galit na pwersa.
Pamilyar ang kanilang Internal Force.
Kung hindi ako nag kakamali ay sila Gishyo ito.
Pinuntahan ko ang kanilang lokasyon.
Nang marating ko ang kanilang lokasyon ay tama nga ako sila Gishyo nga.
Ginulat ko sila, sapagkat napaka seryoso ng kanilang mga mukha.
"Bulaga!" aking pang gugulat kila Gishyo.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AdventureAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...