Chapter 1 (Part 41)

153 30 10
                                    


"Yung lokong Wor- Zak nayon, ay isa talagang tunay na halimaw.

Akalain mong nasalag niya ang aking atake, kung hindi dahil sa malakas na After Shock at Shockwave na pinakawalan ko palagay ko nag lalaban pa kame hanggang ngayon.

Literal na halimaw ang loko."
Aking naka ngiting saad saaking isipan.

Maya maya pa ay may kumakatok saaking pintuang kahoy.

"Tuloy." aking saad.

"Master! mula po ako sa Scout Team na naka destino sa Purpleman's Beast Tribe!

Buong pwersa po nila ang papalapit sa Valjirina Rawyn Vampire Kingdom!" saad ng isang Green Goblin Warrior na kawal.

Maya maya pa ay mayroon ulit isang kawal ang dumating saaking bahay na kahoy.

"Master! mula po ako sa Scout Team na naka destino sa Demon Tribe!

Isang malaking pwersa po nila ang lulusob sa Pretty Woman Ogre Tribe!

Ang dahilan ho ng kanilang pag lusob ay ang hindi pag tupad sa kasunduan ng Pretty Woman Ogre Tribe, gusto ho nilang patayin ang buong tribo ng Pretty Woman Ogre Tribe!" saad ng isang Green Orc na kawal.

Mag sasalita na sana ako ng mayroon muling isang kawal ang dumating saaking bahay na kahoy.

"Master! mula po ako sa Scout Team na naka destino sa Dark Elves Tribe!

Ang buong pwersa po ng Dark Elves Tribe ay patungo na po sa Valjirina Rawyn Vampire Kingdom!" saad ng isang Red Orc na kawal.

Hindi ko mapigilang tumawa sa sunod, sunod na magaganap na labanan.

Pag katapos kong tumawa ay inutos ko sa isa saaking kawal na ipatawag ang lahat ng Commanders at sabihin sa lahat ng kawal ay mag si handa sa isang malaking labanan!

----

(Sa loob ng isang bahay na kahoy)

"Makinig kayong lahat aking mga Commanders, malaki ang mababago saating unang plano.

Marahil alam nyo na, na sabay sabay nang kumilos ang tatlong malalakas at malalaking tribe.

Kalaban man ang tingin ng Dark Elves Tribe sa Demon at Purpleman's Beast Tribe ay iisa padin sila sa isang layunin , at iyon ang buksan ang Dragon Realm.

Eto ang bagong plano.

Mag isa kong pipigilan ang Dark Elves Tribe.

Pag dating naman kung sino ang kakalaban sa pwersa ng Purpleman's Beast at Demon Tribe, ipapa ubaya kona sa iyo yon Sar." aking saad saaking mga Commanders.

"Boss! Alam naming malakas ka, ngunit kakayanin mo bang mag isa ang buong pwersa ng Dark Elves Tribe?" nag aalalang tono ni Gishyo.

"Oo nga Master, hindi sila mga mahihinang mandirigma, sa katunayan nga ay mayroon silang malalakas na Mana Power." saad ni Phaeros.

"Hahahahaha! Kung kayo ung sinuntok ni Boss malamang sa malamang, hindi na kayo aalma sa sinabi ni Boss.

Kahit pa mayroong isang bilyon na pwersa ang mga Dark Elves nayon, kulang payon kay Boss.

Kahit ang Demon..." mag sasalita pa sana si Wor- Zak nang sumabat na ako sa kanyang sinasabi.

"Napalakas ata ang pag sapak ko sayo Wor- Zak.

Mukhang may tama parin ang ulo mo, hayaan mo pwedi kanang wag lumaban muna sa paparating na mga gyera." aking saad kay Wor- Zak.

"Boss!! Wag kanamang ganyan! Syempre papalag ako!

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon