Sapul na sapul ako ng Big Bang Fist na Green Goblin War Chieftain.Sa lakas nito ay nasira ang buong Orange Prisoner uniform ko, hindi naman ako tumilapon ng malayo nasalo ako ng isang Green Hob Goblin.
"Hob Goblin, Malakas ka." aking saad sa Green Hob Goblin na sumalo saakin.
Ibinaba nako ng Green Hob Goblin, kaagad akong bumalik sa harapan ng Green Goblin War Chieftain, naka ngiti siya saakin at hinahamon akong sumugod sa kanya.
"Yabang." aking saad sa kanya.
Sumugod ako gamit ang Dash & Slash, tumama sa kanya ang dalawang Quick Slash ko, ngunit hindi ito kalakasang atake.
Gumanti ng atake ang Green Goblin War Chieftain ginamit nya ang Axe Earthquake sa lakas ng atake nya ay nawalan ako ng balanse at ginamit nya ang pag kakataon nayon para sa malapitang Axe Slash.
Napa ngiti ako sa kanyang ginawang atake, kitang kita na isa siyang beterano sa pakikipag laban.
Nailagan ko ang kanyang atake gamit ang Dash & Slash, tinamaan siya ng ilang Slash attack ko, ngunit hindi ito sapat para masugatan sya ng malubha.
Umatake muli ako gamit ang aking Dash & Slash tinamaan ko ulit siya ngunit nadaplisan ako ng kanyang Goblin Fist na atake.
Pinahihirapan ako ng isang to, masyado siyang malakas pag dating sa pakikipag laban at kitang kita ang kanyang mga karanasan sa pakikipag laban.
Tumagal ng tatlong oras ang aming laban, at kitang kita na dehado ako, sa katunayan mukhang matatalo ako sa labang ito, ngunit ang aking mga kasamang Monster ay panalo sa laban.
Kaming dalawa nalang ni Green Goblin War Chieftain ang nag lalaban lahat ng aking Monster ay naka tingin saakin, tila ba naka taya dito ang aming kakayahan sa pamumuno at pagiging Leader.
Pagod na rin ang matandang Green Goblin War Chieftain nato, ngunit kitang kita parin na malakas siya.
"Kung nasaakin padin ang aking dating kabataang lakas, isang palis kalang." saad ni Green Goblin War Chieftain.
"Ganyan ba talaga pag matatalo na nag dadahilan na." tugon ko kay Green Goblin War Chieftain.
"WHAHAHAHA! Nakukuha mopang mag biro kahit alam monang matatalo ka!" saad ni Green Goblin War Chieftain.
"Matalo? pinapatawa mo ba ako." tugon ko kay Green Goblin War Chieftain.
"Bloodlust" inactivate ko ang Bloodlust skill, isa tong skill na pinalalakas sa sandaling panahon aking pisikal na lakas at Mana Power.
Inatake ko ng buong lakas si Green Goblin War Chieftain ginamit ko ang Dash &, Slash nailagan nya ito ngunit, nabasa ko kung saang lugar siya iilag at doon ko pinakawalan ang Raining Slash.
Direktang tinamaan ang Green Goblin War Chieftain, nag tamo sya ng isang kritikal na tama, ngunit alam kong hindi sapat iyon para talunin siya kaya sunod sunod na Mana Slash ang aking pinakawalan, sa lalakas ng mga Mana Slash na pinakawalan ko ay nawalan ako ng malay.
Pag mulat ng aking mata ay nasa loob nako ng isang bahay, naka bantay saakin ng maigi si Green Goblin Shaman 1.
Nung napansin nyang gising na ako ay agad nya akong tinanong kung mayroong masakit ba saaking katawan, halatang halata na nag aalala siya saakin.
Tumugon ako sa kanya na ayos lang ako, tinanong kodin sa kanya kung natalo ba ako sa laban.
Tumugon saakin si Green Goblin Shaman 1 na ako ang nanalo, ngunit nawalan ako ng malay oras na matapos ang aming laban.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AdventureAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...