Sinummon ko kaagad ang aking mga
Monster na naitame sinabi ko sa kanila na iwasan patayin ang mga Goblins na makaka laban namin.Tumagal ng dalawang oras ang aming bakbakan, sapagkat malalakas din sila, halos dalawang daan na mga Green Goblins ang aming kinalaban, tagumpay kong na Itame ang 120 na Goblins, ang iba ay namatay sa labanan, nakaka pang hinayang ngunit ayos lang, sapagkat lumalaki na ang bilang ng aking mga Monster na nai Tame.
Marami akong plano sa kanila, gusto ko silang matuto ng mga Martial arts at mga Transformational Magic Technique, para mag karoon sila ng kakayahang mag bagong anyo bilang tao, at naiisip korin kung kaya nilang matutunang mag salita ng lenggwahe namin.
Dahil saaking mga naiisip na plano para saaking mga mahal na alaga hindi ko napansin na lumalakas na pala ang aking pag tawa at naka tingin lahat ng aking monster na naitame saakin at bakas sa kanilang mukha ang pag katakot.
"Ehemmm makinig ang lahat dito na tayo mag papalipas ng gabi at bukas ng umaga saka tayo sasalakay sa Dungeon Portal ng mga Red Orc, mga Minion Goblins bantayan nyo ang kapaligiran oras na may makita kayong kahina hinala oh banta ay ireport kaagad saakin, oras na may patulog tulog sa pag babantay ay parurusahan ko, (Tiningnan ng masama ang mga Minion Goblins.) para naman sa mga Red Orcs mag hanap kayo ng mg baboy ramo at mga oso na makakain damihan nyo, oras na oonti lang ang makuha nyo may parusa din kayong makakamtan." (Tiningnan din ng masama ang mga Red Orcs.)
Lahat ng aking utos ay kaagad na sinunod ng aking mga natame na Monster, ang ibang Monster na naitame ko ay nag handa na ng mga kahoy na gagamitin sa pag luluto.
Maya maya pa ay bumalik na ang mga Red Orcs na mayroong madaming dala na baboy damo at wild na buffalo, nag pasalamat ako sa kanila at pinuri sila sa kanilang magaling na pang huhunt ng aming kakainin.
Kaagad nilang niluto ang mga baboy damo at wild buffalo, ng maluto na ito ay pinag saluhan nanamin ito, magaling mag luluto itong mga Green Hob Goblins.
Pagkatapos naming kumain ay sinabi kona sa kanila na matutulog nako, sapagkat 10 na ng gabi pinapatulog ko din ang iba, ngunit mas gusto daw nilang mag bantay, maya maya pa ay mayroong Green Minion Goblin na papa lapit saakin at sinabi nya na mayroong humigit 500 na Red Blood Wolf ang patungo sa lokasyon namin.
Nang marinig ito ng lahat ay nag sipag handa sila, sapagkat isang labanan nanaman ang aming kahaharapin.
"Makinig ang lahat! Sikapen nyong wag patayen ang mga Wolfs na sasalakay saatin, alam nyo naman siguro ang dahilan kung bakit wag nyo silang dapat patayen?"
Lahat ng aking Monster ay nauunawan ang aking sinabi, maya maya pa ay nag simula na ang laban, mga malalaking Red Blood Wolf ang sumalakay saamin, ngunit nakaya naming labanan sila ng sabayan, sapagkat gumagamit kami ng stratehiya upang malamangan sila.
Sa huli nakuha namin ang tagumpay, madami akong Monster na natame na ang namatay, pero oky lang isang araw lang naman silang patay, next day buhay na ulit sila.
"Salamat sa inyong lahat mga kasama! dahil sa pag sisikap ng lahat nag karoon tayo ng bagong kakampi na malalakas at malalaking Red Blood Wolfs." saad ko saaking mga Monster na kaibigan.
Naka tingin saakin ang pinuno ng Red Blood Wolf, tinanong ko sya kung may problema ba? at tumugon siya saakin na mayroon silang mga asawang Red Blood Wolf at mga maliliit na anak, hinihiling nila na Itame kodin ang kanilang mga asawa at anak, sumang ayon nalang ako sa kanila, sapagkat naalala ko ang aking Ina at kapatid, kaya bago kami magtungo sa lungga ng mga Red Orc ay nag tunggo kami sa kuta ng mga Red Blood Wolfs at tiname ko ang kanilang mga asawa at anak.

BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...