Ganadong, ganado lahat ng aking mga Commanders na muli akong maka laban, ngunit sinabi ko sa kanila na antayin muna namin sila Wor- Zak.
Sapagkat, hindi patas kung sila lang ang aking makaka laban.
Sang ayon naman sila saaking sinabi.
Kaya nang matapos ang aming pag pupulong ay kaagad na nag punta sa kani kanilang bahay na kahoy ang aking mga Commanders, upang mag palakas ng kanilang Internal Force.
Samantalang ako ay kinamusta ang aming mga kawal.
Nakipag laro din ako kay Jr.
Lahat ng aming kawal ay giliw na giliw din kay Jr.
Maka lipas pa ang ilang araw ay naka rating na sila Wor- Zak saaming kampo.
Kaagad sinabi ng kanilang kapwa Commanders ang aming napag usapan at ang balitang kakalabanin ko silang mga Commanders.
Natuwa ng husto si Wor- Zak at masayang masaya siya na muli niya akong makaka laban.
Hanggang sa dumating na ang araw na isa, isa konang lalabanan ang aking mga Commanders.
"Para hindi kayo mag talo- talo kung sino ang mauuna kong makaka laban, isulat ninyo ang inyong pangalan sa isang pirasong papel at ilagay sa bangang hawak ni Sar." aking saad saaking mga Commanders.
Kaagad naman nila itong ginawa, lahat ng aking Commanders ay Seryoso, lahat sila ay gusto akong talunin.
Kahit ang aming mga kawal ay mayroong kanya kanyang sinusuportahan na Commanders.
Ang ilan naman saaming kawal ay saakin sumusuporta.
Nang matapos nang ilagay ng aking mga Commanders ang kani- kanilang pangalan sa banga ay kaagad na akong bumunot kung sino ang aking unang makaka laban.
"Ang una kong makaka laban ay si Fos- Ro (Foxman). Ang 17th Division Commander!" aking naka ngiting saad.
Isa siya sa Mountain Commanders ni Phaeros.
Hindi kopa siya nakikitang makipag laban, ngunit bakas sa kanya ang malakas na Internal Force.
Yumuko siya saakin, bilang pag galang at ganun din ang aking ginawa.
Nang bigla niya akong inatake.
Isa nga siyang Foxman!
Ang mga Foxman ay mahilig sa mga surpresang atake.
Naka ilag ako sa atake niya at hindi tumama saakin ang Fox Claw Attack ni Fos- Ro.
"Pouncing Technique huh." aking mahinang saad sa Foxman na umatake saakin.
Muli niya akong inatake, sobrang bilis ng kanyang mga atake.
Sunod, sunod na mga malalakas at mabibilis na atake ang ginagawa saakin ni Fos- Ro!
"Foxman Orange Fire Slash!
Foxaman Orange Fire Tornado!
Foxman X Orange Fire Slash!
Foxman Orange Fire Whirlwind!" mga hiyaw na saad ni Fos-Ro habang nag papakawala ng malalakas na atake.
Tanging pag ilag lang ang aking ginagawa.
"Master! Seryosohin nyo po ang pakikipag laban saakin." mariin na saad ni Fos- Ro
Akala nya siguro ay iniinsulto ko siya, sapagkat hindi ako gumaganti ng atake.
"Pasensya na kung nararamdaman mong iniinsulto kita.
Oh sige aatake na ako.
Red Fire X Slash Foxman Style!" aking saad habang inatake kona si Fos- Ro.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
AventuraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...