Chapter 1 (Part 48)

138 33 7
                                    


Hindi ako maka paniwala sa sinabi saakin ni Sar.

Natalo sila sa pwersa ng Demon Tribe, nasira din ng Demon Tribe ang aming kampo.

Sa ngayon ay nasa dating kampo daw sila ni Phaeros lumikas, kasama sila Ellena at mga mamamayan nito at sila Scarlett ay doon din tumuloy kasama din ang mga mamamayan ng Valjirina Rawyn Vampire Kingdom.

Ang mas lalong nag pagulat saakin ay nang sabihin ni Sar na nag dedeliryo si Phaeros at Wor- Zak at mayroong matinding pinsala sila Dirox at Ha- Zibar.

Naka sagupa daw nang apat ang mga Demon Generals na kayang mag palit anyo bilang isang Demonic Dragon.

Nang marinig ko ang lahat ay ipinag utos ko kay Sar na manatili sa kampo ni Phaeros at huwag na huwag silang aalis doon at bukas na bukas din ay pupunta ako kasama sila Gishyo at iba pa.

"Boss mukhang masama ang lagay nila." nag aalalang saad ni Gishyo.

"Parang ang hirap mag saya Master kung ganon ang kalagayan nila." saad ni Cis- Ma.

"Wag nyo silang isipin, kung mamatay sila edi bubuhayin ko ulit.

Sa ngayon isipin nyo ang mga yon." aking turo sa mga nag gagandahang Beast na malapit sa isang malaking bonfire.

Nang makita ng aking mga Commanders ang mga nag gagandahang Beast ay kaagad na nag liwanag ang kanilang mga mata at kumaripas ng takbo sa mga nag Gagandahang Beast.

"Mukhang nakaka tuwa ang iyong mga Commanders Master.

Sabik din silang ikalat ang kanilang lahi.

Oras na makita nila ang mga magagandang babaeng Beast ay kumaripas sila ng takbo.

Mukhang alipin din sila ng libido." saad ni El- Rion na may akbay akbay din na magandang Purpleman's Beast.

Napa ngiti ako sa sinabi ni El- Rion.

"Ipapakilala kita ng pormal saaking mga Commanders." aking saad habang nag lalakad patungo sa direksyon nila Gishyo.

Nang marating namin ang kinaroroonan nila ay nag sisimula na sila sa kanilang kasiyahan.

Kanina lang ay halos mag patayan sila Gishyo at ang Hari ng Purpleman's Beast, ngunit ngayon ay malapit na malapit sila at nag tatawanan pa.

Kinuha ko ang isang baso na kahoy na mayroong laman na alak at itinaas para makuha ang atensyon ng lahat.

Nang makita ito ng lahat ay napa hawak sila sa kanilang kahoy na baso.

"Ngayong gabi ay mag sasaya tayo at mag sasayaw ng bubukas ang bulaklak si El- Rion.

Maari bang mag palakpakan ang lahat?" aking naka ngiting saad.

Napatawa ang lahat at nag palakpakan.

Hindi maipinta ang mukha ni El- Rion at malinaw na malinaw din na alam niyang ipinangako niya na sumasang ayon siya saaming pustahan.

Walang nagawa si El- Rion kung hindi sumayaw ng bubuka ang bulalak at papasok ang reyna.

Nag tawanan ang lahat sa kanyang sayaw ang ilan naman ay napa pito pa.

Nung gabi ding iyon ay naging masaya ang lahat.

Panan dalian naming nakalimutan ang mga magaganap pang gyera.

Inuman dito at kantahan at sayawan naman sa kabila.

Nag bahagi ang iba ng kani kanilang mga nakaka tawang kwento at mga pakikipag sapalaran nila.

Pormal ding nag pakilala saakin ang Hari ng Purpleman's Beast.

The Story of the 1st DiscipleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon