"Hahahahahaha" aking malakas na pag tawa.Madami ding malalakas na Tigerman ang aking nakaka tunggali.
Mayroong Mage, Warrior, Swordsman, Magic Swordsman, Alchemist.
Isang kasinungalingan kung sasabihin kong mahihina sila, at batay narin sa kanilang pa kikipag laban ay mga beterano na sila sa pakikipag tunggali.
Ngunit malas nila, ngayong araw nakatagpo sila ng isang Demonyo.
"Red Fire Blast!
Purple Fire Shadow Slash!
Ice Megalodon!
Slash & Dash!
Raining Slash!" aking hiyaw na saad habang umaatake.
Mga malalakas na atake ang aking pinakakawalan sapagkat madami dami nadin akong natamong pinsala mula sa mga Tigerman.
Dahil sa lalakas ng mga atake na aking pinakakawalan nag mistulang impierno ang kagubatan nag karoon ng isang sobrang laki na sunog sa kagubatan, ngunit ganun paman buo ang loob ng mga Tigerman na aking mga kalaban, sugod lang din sila ng sugod.
"Hahahahaha Iyan ang gusto ko! Mga palaban!" aking saad habang kabakbakan ang mga Tigerman.
Isang kasiya siyang labanan, matira ang matibay.
Makalipas ang ilan pang mga oras hindi ko namalayan na natalo kona pala silang lahat.
Sa dami nang aking mga kinalaban na Tigerman ay nag tumpok ang mga katawan nila.
Madami ang sugatan at madami din ang nabawian ng buhay.
Lahat ng may buhay pa ay itiname ko halos kalahati sa kanila ay namatay, malaking pang hihinayang ang aking naramdaman, ngunit ganun paman wala akong magagawa.
Kung pipigilin ko ang aking lakas para lang wag sila mapatay ay magiging malaking kahinaan ko ito, kaya nag pakawala din ako ng mga atakeng nakakamatay.
Matagumpay kong naitame ang 700 na mga Tigerman, madami ang nasawi ngunit ganun paman, masaya ako dahil may natirang Tigerman na natame ko.
Bilot nanaman ng dugo ang aking katawan, kaya ginamit ko ang aking Internal Force para malinis ulit ang aking katawan, ngunit hindi sapat ito para maalis ang lagkit ng aking katawan.
Nang inilagay kona sa Tame Cards Holder ang aking mga bagong na tame na mga Tigerman, naalala ko na tiname kodin pala ang isang Gray Goblin Champion.
Pero bago ang lahat, kailangan kong maligo ang lagkit na ng katawan ko.
Nag lakad ako patungo saaking mga kasamahang Monster, at saaking likudan ay isang malaking sunog ang nagaganap.
Sinalubong ako ng aking mga kasamahang Monster, lahat sila ay nag aalala, ngunit tumugon ako na ayos lang ako, sinabi kodin sa kanila na bantayan ng mabuti ang aming kapaligiran sapagkat delikado ang lugar na aming tinutuluyan.
Lumapit saakin si Scarlett bakas sa kanyang mukha ang pag aalala, tumugon ako sa kanya ng isang ngiti at sinabi ko sa kanya na ayos lang ako at huwag nang mag alala.
Sinabi ko din sa kanya na mamahinga na sapagkat maaga kaming mag lalakbay pabalik saaming kampo.
Sumang ayon siya saakin at bumalik na sa kanyang Tent na tinutuluyan.
Dahil malagkit na malagkit ang aking katawan ay napag pasyahan konang maligo sa ilog na malapit saaming tinutuluyan.
Pag dating ko sa ilog ay kaagad akong lumusong, mainit ang tubig at kay sarap maligo dito, sumisid ako, napaka sarap maligo sa ilog nito, nakaka kalma ang tubig dahil medyo may kainitan at malinis ang ilog batay sa preskong amoy nito.
BINABASA MO ANG
The Story of the 1st Disciple
MaceraAko si Kentavious Luther isang Ex Convict, saaking pag laya ay ibang iba na ang mundo na aking kinamulatan. Isang maladelubyong Portal ang biglang sumulpot sa lahat ng panig ng mundo at lumabas doon ang iba't ibang uri ng halimaw na nag hasik ng kas...